Chapter 12

28.2K 729 2
                                    

MATAPOS makapagpaalam ni Aljhon sa kanyang ina ay agad silang pumunta ng hospital kung saan ang ina naman ni Weng. Pagdating nila doon ay inabutan na nila ang ama ni Weng at kapatid nito doon. At maging ang ina ng dalaga ay gising na nga ito kaya agad silang lumapit sa ginang.

"Mom, how are you? I miss you Mom." Ani Weng sa ina habang maluha-luha itong ginagap ang kamay ng ginang at hinalikan niya ito sa noo.

"O-okay lang ako hija, na miss ko rin kayo. I-ikaw kumusta ang pag-aaral mo?" Anang ginang sabay baling nito kay Aljhon na nakangiti. "Anak, siya ba yung kasama mo minsan ng dumalaw ka dito?" Ang tanong ng ginang. Hindi naman makapaniwala si Weng sa tinuran ng ina.

"Mom, ibig niyo po bang sabihin ay narinig niyo ang usapan namin dito?" Anito sa ina sa halip na sagutin ang tanong ng kanyang ina. At ngumiti lang naman ang ginang sa anak sabay tango nito bilang sagot. Agad namang lumapit si Aljhon sa kinaruruonan ng ginang.

"Hi tita! Kumusta po kayo?" Ang nakangiting tanong ni Aljhon sa ginang.

"Okey! lang hijo." Ang sagot naman ng ginang dito. At habang masaya ang mag-anak na Castañeda, dahil nagising narin sa wakas ang ginang ng bigla silang mapalingon. Katok mula sa labas ng pinto ang umagaw sa atensyon nilang lahat. Agad naman pinagbuksan ni Neche ito.

"Hi! bunso." Ani Dawn na siyang napagbuksan ni Neche kasama nito si Marco.

"Oh! hello! ate, pasok kayo." Anito kay Dawn at Marco na magkasamang dumating.

"Hi tita ganda, kumusta po kayo?" Agad na ani Dawn sa ginang. "Ito nagising na rin hija." Anang ginang na nakangiti sa dalaga. Natawa naman si Dawn sa tinuran ng ginang.

"Tita ganda, magpagaling po kayo agad ha! Dahil namimiss ko na po ang mga luto niyo." Ani Dawn sa ginang na napangiti dahil sa tinuran ng dalaga.

"Hmmm! D-don't worry, kung tuluyan na akong gumaling at makatayo na dito ay ipagluluto ko kayong lahat." Ang masayang anang ginang na kay lapad ng pagkakangiti sabay baling niya ng tingin sa gawi ni Marco.

"Oh! wala ka bang balak ipakilala ako sa kasama mo hija?" Maya ay anang ginang na nakangiti kay Dawn. Kaya si Marco na mismo ang lumapit sa hospital bed ng ginang at nagpakilala.

"Hi tita. Kumusta po ang pakiramdam niyo? Ako nga po pala si Marco Villagas." Pakilala nito sa ginang.

"Maayos-ayos na hijo," sagot nito kay Marco habang inaalala ang pangalan ng binata. "Can I asked you?" Anito kay Marco na agad naman tumango.  "Kaanu-ano mo si Marietta Villagas?" Curious na aniya ng ginang dito na kinangiti naman ni Marco ang tanong ng ginang.

"Kilala niyo po ba siya?" Ang balik tanong naman ni Marco dito sa halip na sagotin ang tanong nito sa kanya.

"So, she's your mom, right?" Anang ginang na napangiti. "Magkaibigan kami mula high school at hanggang magkolehiyo kami at magtapus. Nawalan lang kami ng kumunikasyon mula ng magkaroon kami ng mg asawa." Wika nito kay Marco na napangiti sabay kamot nito ng batok.

"Yeah! She's my Mom tita. At isa po pala kayo sa mga naging matalik niyang kaibigan. I'm happy to meet you po." Anito sa ginang.

"Wow! Mom, akalain mo yun. Naging magkaibigan pala kayo ng mother ni Kuya Marco." Ani Neche sa ina. Agad naman tumango ang ginang sabay ngiti.

At makalipas lang ang ilang minuto ay muling makarinig sila ng katok mula sa labas ng pinto. Si Aljhon naman ang tumayo at nagbukas ng pinto.

"Hey! Bud." Ani Brent kay Aljhon ng mapagbuksan niya ang mga ito. "Kumusta bro?" Aniya naman ni Edward kay Aljhon.

"Ayus lang bro," sagot nito. "What that smile for Arevallo?" Ang tanong naman ni Aljhon kay Brent na ngingiti-ngiti.

"Senyales na nababakla yan, bro." Walang kangiti-ngiting ani Edward. Kinatawa naman ni Brent ang tinuran nito.

I LOVE MY SECRET WIFE(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon