Chapter 13

26.1K 695 6
                                    

NAGKASUNDO sina Aljhon at ang mga kaibigan niyang magbar hooping naman sila, dahil matagal na nila itong hindi nagagawa. At gaya ng dati nilang gawi, gamit ng magkakaibigan ang van ni Aljhon na pinasadya pa niyang ipabago ang nasa loob nito. At gaya ng dati driver nila si mang Narding.

At kahit anong kabaliwan ang gawin nila sa loob ng sasakyan ay walang makakakita sa kanila. Dahil tinted ito. Kaya naman habang nagkukulitan silang magkakaibigan sa loob ng sasakyan ay biglang natanaw ni Brent ang isang babaeng tumatakbo.

"Mga bro, bakit tumatakbo yang girl?" Tanong ni Brent sa mga kaibigan niya.

"Anong klaseng tanong yan Brent, natural tumatakbo dahil meron mga paa." Ani Sean na kinakamot nito ng ulo. At ng malampasan naman ng sasakyan nila ang babaeng tinutukoy ni Brent na tumatakbo ay agad itong nakilala ni Rainier.

"Manong, pakihinto po ang sasakyan." Utos ni Rainier sa taga maniho nila na si Mang Narding, ipinagtaka naman ng mga kaibigan niya kung bakit niya pinahinto ang sasakyan. Ng makalapit ang babae sa pinto ng sasakyan nila ay agad niya itong binuksan at hinablot ang babaing tumatakbo.

"Ayyy!! Kabayong may bangs, wag niyo po ako papatayin. Dahil hindi ko po kasalanan kung bakit maraming pasyente ang namamatay sa loob ng hospital, hindi naman po ako doctor." Hinihingal na anang babae habang nakasunsub siya sa matipunong dibdib ni Rainier.

"So, kaya ka pala tumatakbo at hinahabul noong mama dahil doon?" Ani Rainier sa babae. Unti-unti naman itong tumingala kay Rainier. At ng makilala niya ang binata ay mabilis naman itong humiwalay dito.

"Hoy! Ikaw na namang Gorilla ka." Sigaw niya sa binata. Agad naman ngumisi si Rainier na tila may kadimonyohan na naman itong naiisip. Kaya mabilis na natakpan ng babae ang bibig.

"Babe, marami ka ng utang sa akin, gusto muna bang magbayad sa akin. I'm still waiting___

"Grrrr! Bweset ka, ang sarap mong katayin ng buhay. At ano naman sa tingin mo ang ipambayad ko sa'yo?" Naiinis nitong aniya kay Rainier na tila naaliw na iniinis ang babae. "Anything. Pero, pwede rin sa paraang alam ko." Pilyo nitong turan sa dalaga. Nakakamatay naman niyang tiningnan si Rainier na tumawa lang.

"Gago, kung pera ang gusto mong pambayad ko sayo ay sorry kana lang dahil alam kung mayaman kana. Kaya hindi muna kailangan yun." Naiinis parin nitong bwelta kay Rainier.

"Sino naman ang may sabing pera ang gusto ko?" Anito sabay bulong niya sa tainga ng babae na agad pinamulhan ng mukha. "Kaya sasamaka ka sa akin ngayon sa pupuntahan namin, kung ayaw mong singilin kita ngayon din." Ani Rainier matapus niya itong bulungan ng kung ano na hindi naman alam nila Aljhon.

"At saan naman kayo pupunta?" Ang nakataas kilay namang tanong nito kay Rainier na bahagyang tiningnan sina Aljhon isa-isa.

"Bar hooping." Ang nakangising sagot ni Brent. "Hoy! Malaking gorilla, hindi ako pumapasok ng bar. Kaya pumunta kang mag-isa mo at ibaba niyo nalang ako." Sigaw na naman nito kay Rainier.

"Mukhang bagay silang dalawa. Machine gun ang bunganga at isang tsismuso unggoy." Ang nakangising ani Sean kina Aljhon na tinawan naman ni Brent.

"Kung si Aljhon ay impaktong mukhang unggoy, si Rainier naman ay malaking gorilla." Gusto sanang humagalpak ng tawa ni Sean at Brent ngunit nagpigil lang ang dalawa.

"Castillo. Enough blunting her kung ayaw mong ikaw ang itapon ko palabas ng sasakyan." Biglang banta ni Marco kay Rainier na agad umupo ng maayos sabay hila niya sa babaeng hindi pa niya naipapakilala sa kanila.

SAMANTALA nagkasundo naman ang magkaibigang Weng at Dawn na magmovie marathon sila. Dahil kinabukasan ay weekend na at wala naman silang pasok sa university. Kaya magkasama ang dalawa sa bahay nila Weng. Hindi pa man sila nag-uumpisang manood ay biglang tumunog ang tawagan ni Weng. At ng tingnan niya ito ay si Fatima ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot.

I LOVE MY SECRET WIFE(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon