Chapter 7

30.4K 828 5
                                    

NAKAILANG beses sinipat ni Weng ang sarili sa harap ng salamin bago ito nakuntento sa kanyang suot. She's wearing a purple long twist & wrap dress na hapit sa balingkinitan nitong katawan at dahil matangkad ang dalaga ay mas pinili na lang nitong isuot ang isang paris ng laid-black french chic with these stylish wedge heeled sandals, itinali nito ang kanyang mahabang buhok at naglagay ng light make up at light lipstic na bumagay sa kanya. Kaya hindi niya maiwasang hindi mapangiti sa kanyang repleksyon sa harap ng salamin. Habang sinisipat niya ang sarili sa harap ng salamin ay hindi nito napansing pumasok pala ang kapatid nito sa kanyang kwarto.

"Wow! your so gorgeous my dear sister. Amazing, really! Wow!" Hindi maiwasang maibulalas ng kapatid nito sa kanya.

"Wey! di nga binubola mo lang ata ako sis eh!" Anito sa kapatid niyang si Nerrie Chelle o Neche for short.

"Eh! kung sapakin kaya kita ate ng maniwala ka." Anito sabay pinalakihan niya ng mata ang nakakatandang kapatid.

"Ay! wag bunso, masakit yun at ayaw kung masira pa ang aking outfit for tonight." Saad nito sa kapatid. Maya't-maya ay bumukas ulit ang pinto ng kwarto ni Weng at iniluwa naman doon ang yaya Nora nilang nakangiti.

"Nana! Pahug nga po." Ani Weng dito ng makita niya ang ginang, agad naman siyang niyakap ng matanda. "Ang ganda mo hija." Ang maluha-luhang anang ginang kay Weng.

"Oh! bakit po kayo naiiyak Nana?" Tanong naman dito ni Weng ng mapansin niyang nanunubig na ang gilid ng mga mata ng ginang.

"Masaya lang ako hija." Mabilis naman nitong sagot. "Kayo talaga masyadong mga madrama, pwede bang saka na kayo umiyak. Kasi masisira ang ganda niyo niyan e." Ani Neche sa kanila.

"Hay! Ikaw bata ka talaga," naiiling na anang ginang. "Oh! siya tara na at naghihintay na sa baba ang inyong ama." Anang ginang sa kanila at agad naman tumalima ang mga ito.

AMANDA Hotel ang isa sa pag-aari ng mga Vergara. Isa ito sa mga high class hotel sa bansa at ito rin ang kauna-unahang naipatayong hotel ng mga Vergara na ipinangalan pa sa namayapang ina ni Albert Vergara.

At dahil hindi naipasapubliko ang gaganaping engagement party ng dalawang pamilya ay iilang tao lang ang imbitado sa okasyon. Mga malalapit lang sa pamilya Vergara at Castañeda ang dumating. Ayun narin sa kagustuhan ni Weng na secret ang gagawing engagement nila ng binata. Kaya pawang mga malalapit lang sa pamilya at mga kaibigan nila ang imbitado sa naturang okasyon.

Una namang dumating ang magkakaibigan na Edward, Brent at Rainier sa AMANDA Hotel. At dahil wala pa ang iba nilang mga kaibigan ay kaya habang hinihintay nila ang mga ito ay kumuha muna sila ng champagne na maiinum nila.

Di naman nagtagal ay sumunod ding dumating sina Sean at Fatima na nakaangkala ang mga kamay nito sa braso ng binata. Agad namang napansin nina Edward, Brent at Rainier ang mga ito ngunit hindi maiwasan ng mga itong hindi matawa sa kanilang kaibigan. Nagsumbong kasi ito minsan sa mga kaibigan niya na bawat kilos at lakad niya ay gwardyado ng dalaga.

"Hey! How are you boy's?" Ani Fatima ng makalapit sila sa mga ito.

"Hey there. Ito mga gwapo parin." Ang taas noong ani Brent kay Fatima.

Makalipas ang ilang minuto ay sina Marco at Dawn naman ang sumunod na dumating at magkahawak kamay ang mga ito. At mapapansin mong lagi nalang nakadikit si Marco kay Dawn. Dahil mukhang tinamaan nga talaga ang isang Marco Antonio Villagas kay Xhianna Dawn Baldelovar.

"Hey! Mga bro," ani Marco sa mga ito. "Nandito na ba si Aljhon?" Maya ay tanong niya sa mga ito ng hindi makita ito.

"Hindi pa, malamang nagpapagwapo pa yun ng mabuti." Ani Edward sa mga ito.

I LOVE MY SECRET WIFE(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon