AFTER seven months ay hirap na hirap ng magkikilos si Weng dahil sa laki ng tiyan niya. Dahil sa gusto nilang surprise ang paglabas ng baby nila ay hindi nila ito pina'ultra sounds pero ang ibang nakakakita kay Weng ay sinasabing kambal daw ang pinagbubuntis niya.
At si Aljhon ay nagsimula naring pag-aralan ang pamamahala sa isa sa mga kumpanya nila mula ng magtapos siya ng college kamakailan lang.
"Honey." Tawag ni Weng kay Aljhon ng makaramdam siya ng papanakit ng tiyan. Agad naman itong nagising.
"Bakit honey?" Ang papungas-pungas nitong tanong sa asawa.
"Honey, manganganak na atah ako." Saad nitong sapo ang tiyan, agad namang dinampot ni Aljhon ang susi ng kotse niya at phone at agad niyang kinarga ang asawa at binuhat palabas ng kwarto nila.
"Manang." Sigaw ni Aljhon habang pababa sila ng hagdan ng asawa. Agad naman itong nagising ang tinawag niya at agad na lumabas ng silid niya sabay lapit kina Aljhon.
"Oh! hijo bakit?" Ang tanong nito kay Aljhon.
"Manang pakisunod niyo nalang po yung mga gamit ni Weng sa hospital, manganganak na po siya." Utos nito sa katiwala na agad namang tumalima.
Nang marating nila Aljhon ang sasakyan niya ay agad niyang ipinasok ang asawa loob nito bago siya gumawi sa driver seat at agad niyang pinausad ang sasakyan.
At dahil madaling araw na ay wala masyadong bumibyahing sasakyan kaya mabilis lang silang nakarating ng hospital. Agad na bumaba si Aljhon at humingi ng tulong na agad namang tinulungan ng mga ito na maipasok sa hospital si Weng. Dahil kilala sila ng mga staff ng naturang hospital ay agad din silang inasikaso ng mga ito at ipinasok sa delivery room si Weng. Naiwan naman sa labas ng delivery room si Aljhon na hindi malaman ang gagawin kung uupo, tatayo o maglalakad.
"Misis, kapag sinabi kung umeri kayo ay umeri po kayo ha!" Anang doctor kay Weng. Ang lahat ng nandoon sa loob ng delivery room ay ready na rin.
"Sige! misis, umeri po kayo." Utos nito kay Weng at sinunod naman niya ito.
"Ahhhhhhhhh!" Tagaktak na ang butil ng pawis sa noo ni Weng habang ume-eri ito.
"Sige pa misis, malapit na." Anang doctor kay Weng. At hindi nagtagal ay iyak ng bata ang narinig ni Weng. "Misis, one more push, mayron pa po." Anang doctor. Kaya inubos na ni Weng ang buong lakas sa pag-eri hanggang sa makarinig ulit ito ng iyak ng isang bata.
"Congratulation misis at matagumpay niyong nailuwal ang two healthy baby boy niyo po." Anang doctor kay Weng. Matapos nitong mapaanak si Weng at masigurong maayos na ang lagay nito ay agad na itong nagpaalam at lumabas ng delivery room.
Samantala si Aljhon ay hindi parin ito mapakali habang naghihintay ng taong lalabas mula sa loob ng delivery room. Ang ibang nakakakita sa kaniya ay minsan nagpapacute pa ang mga ito sa kanya. Dahil kahit naka gray night pants lang ito at black sando habang naka havana tsinelas lang ay litaw parin ang kaguwapuhan nito. Ngunit dedma lang siya sa mga ito. Ng makita niya ang doctor na lumabas ng delivery room ay agad niya itong sinalubong.
"Doc, kumusta po ang mag-ina ko?" Ang tanong niya agad dito na makikita ang pag-aalala nito para sa asawa. Agad naman siyang nginitian lang ng doctor.
"Congratulation Sir. Dahil matagumpay pong nailuwal ng inyong asawa ang two healthy baby boy. At normal delivery po ang panganganak niya. Mamaya ay ililipat na siya sa magiging kwarto niya ang asawa mo." Anang doctor kay Aljhon at hindi siya makapaniwala in one way mayron na agad silang two boys. At sakto namang dumating ang mga kaibigan niya. Napukaw lang ang diwa niya ng may biglang tumapik ng balikat niya at ng tingnan niya ito ay ang kaibigang si Marco.
BINABASA MO ANG
I LOVE MY SECRET WIFE(Completed)
RomanceAMBERS CLAN SERIES-1 ALJHON CLYN VERGARA "Honey, God knows how I love you. That's true, I love you so much at hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko dahil ikaw ang buhay ko. Your my everything at ng dahil sa'yo ay nabago ang buhay ko. Binago mo ito h...