Chapter 17

27.3K 748 13
                                    

SA paglipas ng mga araw ay masayang nagsasama sina Weng at Aljhon. Ni minsan ay hindi nila naranasang mag-away na mag-asawa. Kahit minsan ay nagiging pabago-bago na ang ugali ni Weng ay hinahayaan nalang ito ni Aljhon. Kung ano ang gusto ng asawa at ayaw ay sinusunod niya at ginagawa, ganun niya ito kamal. Hindi man niya nasasabi ang katagang mahal kita ay hindi naman siya nagkulang para ipakita dito at iparamdam kung gaano niya kamahal si Weng.

"Honey." Tawag ni Weng sa asawang si Aljhon isang umaga habang naghahanda sila para pumasok sa university at agad naman ito lumapit sa asawa.

"Hmmm! Ano yun honey?" Tanong nito sabay yakap niya sa likod ng asawang nakaharap sa harap ng malaking salamin sa kwarto nila.

"Napapansin mo bang tumataba atah! ako?" Saad nito kay Aljhon na nakasimangot. "Don't worry honey, tumaba ka man sa hindi ay ikaw parin ang nag-iisang honey ko at na nag-iisa lang dito." Anito sabay turo nito sa bandang dibdib.

"Thank you honey." At habang yakap-yakap siya ng asawa ay bigla namang nagbago ang timpla ng mukha nito.

"Honey, bakit amoy kalamansi ka?" Anito kay Aljhon sabay takip niya ng ilong na kinakunot ng noo niya. Kaya inamoy nito ang sarili pero hindi naman niya maamoy ang sarili kung amoy kalamansi ba.

"Honey hindi naman eh! At isa pa favorite mo ang amoy ng pabangong gamit ko kaya ito ang ginagamit ko." Turan nito sa asawa.

"Ah! basta ayaw ko ng amoy mo, maligo ka ulit." Ang nakasimangot nitong aniya sa asawa habang tinatakpan niya ng ilong gamit ang isang kamay. "Fine. I'll take a shower again." Pagsuko niya sa asawa. Agad naman nangalumbaba ito ng makaupo ito sa couch ng kanilang kwarto. Walang nagawa si Aljhon kundi ang maligo ulit, wag lang sumimangot ang asawa niya maghapon.

Hindi lang isang beses nangyari ang tagpong ganun, kundi napapadalas na ngunit laging pinagbibigyan na lang ito ni Aljhon. At ang pinagtataka pa ni Aljhon ay kung bakit nagiging bugnotin narin ito at ang gusto ay matulog lang.

Habang hinihintay ni Weng na matapus maligo si Aljhon ay muli siyang nahiga sa kanilang kama hanggang maidlip siya. "Honey. Wake up, malalate kana, my pasok pa tayo sa university." Papungas-pungas naman itong bumangon sa kama nila. At dahil mukhang inaantok pa ang asawa ay pinahanda nalang ni Aljhon ang almusal nila at pinahatid sa kanilang silid.

HABANG magkasama sina Weng at Dawn ay biglang nagtaka ang isa sa kinikilos ng kaibigan. "Hoy! besty, kanina pa kita napapansin. Bakit hikab ka ng hikab habang nasa klase pa tayo?" Ang nagtatakang si Dawn sa inaasta ng kaibigan niya.

"Inaantok ako at tinatamad, gusto kung matulog lang." Anito na humikab na naman. Ngunit ng makita ang nakasalubong nilang estudyanting kumakain ng mangga ay bigla nalang niya hinatak si Dawn.

"Nagugutom ako, kaya tara bili tayo ng mangga." Anito sa kaibigan na nanlaki ang mga mata dahil sa tinuran ni Weng.

"What? Akala ko ba ayaw mo sa manggang hilaw?" Napapailing nalang si Dawn at nararamdaman niyang mayron kaikaiba sa kaibigan niya ngayon.

"Eh! yun ang gusto kung kainin." Katwiran nito. At ito na naman siya, malulungkot na maiiyak kung hindi mapagbigyan ang gusto niya at kahilingan.

"Okay! fine, bibili tayo pero pagkatapus ay may pupuntahan tayo at babalik na lang din tayo agad dito." Ani Dawn dito at bigla naman umaliwalas ang mukha ni Weng.

MATAPUS nga makabili ng manggang gusto niya si Weng ay agad siyang dinala ni Dawn sa isang clinic. "Besty, anong gagawin natin dito?" Nagtatakang tanong ni Weng sa kaibigan.

"Basta, malalaman mo mamaya kapag nasa loob na tayo." Ani Dawn sa kaibigan. Pagdating nila sa loob ay may kinausap si Dawn at hindi nagtagal ay inasikaso na sila nito.

I LOVE MY SECRET WIFE(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon