Chapter 17: The Birthday Preparation..
“Hmmmm,” antok na sabi ko habang pilit na tinatago yung paa ko sa ilalim nang kumot parang may something kasi na nag ta-touch sakin sa mismong talampakan ko.
Tumigil yung pag kiliti sa paa ko, makakatulog na sana ulit ako nang parang unti-unti nanamang bumababa yung kumot ko. Hinila ko pataas pero maya-maya bumaba ulit.
Tsk ano ba to?! Inis na napa-upo ako yari talaga sakin kung sino man itong nag gugulo sa masarap kng tulog.
“Ano ba?!!!” sigaw ko saka tumingin sa paligid. Wala naman tao, ano yun may multo ba dito? Pinakiramdaman ko yung left side ko pero wala din naman tao medyo kinakabahan, kaya nang pag harap ko….
“AAAAAAAHHHHHHHH!!! Sigaw ko sabay sampal sa mukha ni Louie na halos ilang inches nalang yung layo sa mukha ko!
“Aray naman!” sabi niya sabay tayo at hawak sa pisngi niya.
“Pano ikaw kasi! Bakit kaba nang bubulabog nang tulog huh?!! Wala ka na ba talagang magawa sa buhay mo kaya pati yung tulog ko sinisira mo?!!” sabi ko sakanya.
Tumayo muna siya nang maayos saka yumoko na parang nag bibigay galang sa reyna. “Pasesnya na po mahal na prinsesa kung naistorbo ko ang tulog niyo. Medyo tanghaling tapat na po kasi at hindi pa kayo bumabangon dyan kaya akala ko kinain na kayo nang kama niyo. Kung hindi niyo din po mama-samain baka gusto niyo nang tumayo diyan at kumain dahil lumalamig yung almusal niyo sa baba nahiya naman kami sayo.”
Tsk nang iinis nanaman to maniwala kang nag aalala yan, nang iinis lang talaga yan purket alam niyang kulang ako sa tulog at saka pagod ako dahil dun sa pag dala niya sakin sa beach kahapon kaya hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya ayun binato ko siya nang unan habang nakayuko siya.
“Pwede ba wala akong oras makipag lokohan sayo. Lumabas ka na sa kwarto ko antok na antok pa ko so please leave me alone.”
Nakita ko naman siyang nag lakad na ppapunta sa direksyon nung pinto kaya bumalik na ako sa pag kakahiga ko at saka nag talukbong nang kumot kakappikit ko palang nang maramdaman kong parang umaangat ako sa kama.
Binuksan ko ang mga mata ko and viola!!! Nakita ko ang nakakainis na likod ni Louie at tama nga ako umaangat nga ako binuhat ba naman ako anong tingin niya sakin sako?!
“Urgh!!! Ano bang problema mo?! Put me down!! Now!!” sabi ko sabay palo sa likod niya pero parang wala lang naririnig ko pa nga yung chuckle niya wow! This is great mukhang nag eenjoy pa siya na pestihin ako huh?! Tsk adik talaga to.
Binuksan niya yung pinto nang banyo ko sa kwarto saka ako binaba sa loob sabay sara nang pinto. “Hoy!!! Ano ba! Ilabas mo nga ako dito?!!! Adik ka ba huh?!”
“Hahahahahha!!! Pffft! Hindi ko to ibubukas hanggang hindi ka naliligo saka nag to-tooth brush ang baho mo na saka ang baho din nang hininga mo tsk para kang hindi babae. Saka wag mo nang tangkaing lumabas pa dahil mag hihintay ang ako dito sa bubuhatin lang din kita pabalik diyan.”
“Urgh!!!! JERK!!!!!” napasigaw nalang ako sa inis.
Tinignan ko yung sarili kong reflection sa salamin. Is this really me? Napangiti ako ang laki na din nang pinag bago ko simula nung una kong dating dito. I think I’m better now inside and out. Mas may buhay na yung mga mata ko at mas totoo na din yung mga ngiting lumalabas sa mga labi ko.
“Hoy! Maligo ka na! Wala pa akong naririnig na bumabagsak na tubig oh?!!” Sigaw nung tukmol sa labas.
“Oo na!! Hindi ka naman excited niyan?!” sigaw ko din. Hindi na siya sumagot tsk lakas trip talaga yang lalaking yan. Pero aaminin ko kahit lagi niya akong binu-bwisit isa siya sa mga tao na dahilan kung bakit pakiramdam ko mas maayos na ako ngayon. At dahil dun malaki talaga ang pasasalamat ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Unconditionally LOVING you..(ON-HOLD)
FanfictionLove? Hindi naman lahat nakakahanap niyan diba? Ee ni mismong mga tang nasa maayos na pag-iisip hindi sinuswerte pano payung wala? Possible ba talaga na ma-inlove ang isang nurse nang isa sa pinaka sikat na PSYCHIATRIC hospital sa kanyang pasyente...