Chapter two
"So as you can see ito yung garden, dito pwedeng pag lakad-lakadin yung mga pasyente mo. Pero syempre may oras lang na ibibigay. Bawat pasyente may ibat-ibang schedule mamaya ipapaliwanag ko yun sayo pag dating natin sa office ko pati mga patakaran at iba pang dapat mong malaman dun ko sasabihin maliwanag?"
"Yes head nurse I understand."sagot ko sakanya.
Andito na ako sa hospital namin ang "Del Rosario Psychiatric and Rehabilitation Hospital" yes ito yung hospital na pag mamay-ari nang mga magulang ko. Pareho kasi silang mga psychiatrist and ako ang inaasahang mag mamana nito pati na din nang iba pang mga negosyo namin.
Pero hindi ako napilitan na kumuha nang psycology dahil dito, ang totoo niyan pangarap ko na kahit noong bata pa ako na maging katulad nang mga magulang ko. I saw how passionate they both are on their field. And maybe nasa dugo na talaga namin to.
"Mr. Del Rosario are you listening?"
"Huh? Yes, ofcourse I am" naputol yung pag mumuni-muni ko dahil sa tanong nung head nurse.
"Good, sige libutin mo muna itong hospital iho tapos pumunta ka na sa office ko may aasikasuhin lang ako sandali okay? And if ever you need anything you know where to go."
After that iniwan na niya ko. Nilibot ko yung tingin ko sa paligid. Wow! I have to admit our hospital really did exceed my expectations, not that mababa ang tingin ko sa hospital namin but mas mukha pa tong hotel to be honest.
Kanina pa nga ako nililibot nung head nurse dito at habang nag lalakad nga kami sa mga hall way yung mga nurse parang kakainin ako. Tsk ngayon lang ba sila nakakita nang lalaking mag nu-nurse dito? Weird.
Umupo muna ako sa isa sa mga bench dito sa garden grabe sobrang peaceful nang ambiace nakakarelax. No wonder why mataas ang numbers of patient na mas maagang gumagaling. Kung araw-araw ka ba namang andito sa lugar na ganito mawawala talaga lahat nang mga negative na bagay na inisisip mo.
Habang nag mumuni-muni ako, may nakita akong babae na nag lalakad sa dito parang ang lalim nung iniisip. Sino kaya sya nurse din? Nilapitan ko yung babae di naman siguro masama if I make new friends.
Umupo ako sa tabi niya pero parang hindi naman niya ako nakikita.
"Hello? Im Kurt and you are?"tanong ko sabay abot nang kamay ko para makapag shake hands sana. Kaso hindi niya naman inabot ni hindi nga ako tinignan ee.
Suplada. Napangiti ako, aba minsan lang kaya may mag suplada sakin. And not to mention ako pa yung unang nag-approach. Tinitigan ko sya ang ganda niya pala.
DugDug-DugDug
Napahawak ako sa puso ko. Ano ba to? Ang bilis nang tibok. Sumisikip pa ung paghinga ko. Tsk ano ba naman to. Hindi ko nalang pinansin yung nararamdaman ko. Tumingin nalang ako sa harap ko. "Alam mo ang ganda mo sana suplada ka lang."
Tumingin ulit ako sakanya trying to find any reaction but to my disappointment, wala akong nakita para lang akong nakikipag usap sa hangin dito ee.
Aba last time I check madami pading babae ang nag kakandarapa sakin mismong mga katulong nga sa bahay saka mga nurse dito halatang may gusto sakin pero itong babaeng to wala talaga.
"Wait miss, umamin ka nga tomboy ka ba?!"tanong ko. Hindi ata kakayanin nang ego ko pag may babaeng inisnab ako. Atlease pag
nalaman ko na tomboy siya diba reasonable yung excuse.
Pero just like kanina no response padin. Tinignan ko siya
Ano bang meron sa babae na to at hindi ata tinatamaan sa kagwapuhan ko?
Habang tinitignan ko siya saka ko lang napansin yung mga mata niya. Nakatulala lang siya sa kawalan pero kahit ganun makikita mo padin yung lungkot sa mga mata niya.
Napatingin ako sakanya mula ulo hanggang paa. Ngayon ko lang napansin naka hospital gown pala siya dont tell me ------
"Okay time to rest my dear"nilingon ko yung nurse na nagsalita.
Unti-unti syang lumapit sa amin pag katapos ay inakay niya na paalis yung babaeng kanina lang ay kinakausap ko.
Pasyente siya dito?! Huh! Kaya pala hindi niya ko pinapansin kanina. I cant help to think that a beautiful lady would be on a institution like this.
I dont know why but there's something in me that I want to know the reason behind her being like this. I want to know her. I wnna be close to her.
And before I could even stop myself Im already walking, following the trace of their footsteps.
Nakapasok na ako sa loob nang hospital pilit kong hinahanap yung babae na kinakausap ko kanina. Asan na kaya yun?! Hindi ko tuloy alam kung dapat pa ba ako matuwa sa laki nang ospital namin parang ang hirap mag hanap.
Napatingin ako sa mga pintuang nadadaanan ko..
May iba't-ibang klase kasi nang kwarto dito first yung dorm type. Kung saan sama-sama yung mga pasyente naka hilera ang bawat kama nila nang tabi-tabi pero hindi naman to crowded at magulo. The management makes sure to maintain the sanitation and order here. Saka hindi din magulo kasi pili lang yung mga pasyenteng pinapayagan na makatulog dito.
Most of them ay yung mga pasyenteng nakikitaan na nang improvement. Ang pag seseparate naman kasi sakanila ay base na din sa kung anong klaseng behavior ang pinapakita nila. And as of what I remember from earlier to what the head nurse have said itong mga pintuang dinadaanan ko ngayon belong to this kind of room.
Second, yung individual rooms, basically sarili lang nung pasyente yung kwarto at wala syang kasama. Dito sa kwarto na to masasabing mas comfortable ang patients. Para lang din v.i.p pero its their families choice.
And basically they the patients here have their own personal psychiatrist,nurse, and helper.
And third, the isolated rooms dito sa mga rooms na to nilalagay yung mga patients in their worst condition. They're violent, madalas din silang magwala, mag sisigaw at kung ano-ano pa. Restricted ang lugar na yun so I can only imagine and not talk by experience when it comes to these isolated rooms.
Lumiko ako sa may dulo.nung hallway hoping na sana makita ko ulit sya. Pero wala padin------ "Mr Del Rosario? Kanina ko pa po kayo
hinahanap pinapatawag na po kasi kayo ni head nurse. So tayo na po?"said by the secretary of the head nurse.
"Sure, lets go"I told her then let her lead the way.
I walked behind her then looked backed for the last time and thats when I told myself
"I will see you again, I will find you. I promise, I will"
________________________________________
Author's Note:
Yes! Tapos na din ang chapter two sa wakas!! hahaha :)) my gash sana may nag babasa pa nito hahaha.. nga pala guys please dont stop supporting this story thanks :)))
Dedicated kay ate ales dahil hanggang ngayon mahal na mahal kopa rin si jared at pinagdadasal ko padin na sana mahaindinnniya ko XD IDOL din :)
BINABASA MO ANG
Unconditionally LOVING you..(ON-HOLD)
Hayran KurguLove? Hindi naman lahat nakakahanap niyan diba? Ee ni mismong mga tang nasa maayos na pag-iisip hindi sinuswerte pano payung wala? Possible ba talaga na ma-inlove ang isang nurse nang isa sa pinaka sikat na PSYCHIATRIC hospital sa kanyang pasyente...