Chapter 6: Don't you dare

269 6 2
                                    

Chapter 6

“haaaay! Ang sarap nang hangin no? Alam mo ba dati sa L.A lagi akong asa may sea side. Gustong-gusto ko kasi yung lakas nang hangin it feels like someone’s caressing my face.” I looked at her.

We are at the garden and it’s been two weeks since the first day that I’ve become her personal  nurse. I actually have this feeling na close kami. Hindi ko din alam kung bakit basta ang alam ko lang hindi na nabubuo yung araw ko pag hindi ko siya nakakasama or kahit nga nakikita man lang.

Kaya nga kahit na day of rest ko I still come here to visit her. It’s weird nga kasi never ko pang nakita yung family niya na dinalaw siya or kahit padalhan  siya nang kahit na ano.

I hold her hand again then started telling her stories of the past mga nakakatawang pangyayari sa buhay ko.

“Hahahaha, hindi lang yun alam mo bang naka-basag pa ako nang bulletin boad nung high school? Nag babatuhan kasi kami nung mga kaibigan ko nang kung ano-ano tapos nung wala na akong madampot kumuha ako nang bato tapos nilagay ko yun sa medyas ko para hindi masakit pag nakatama pero nung pag bato ko nakaiwas yung classmate ko ee hindi ko naman alam na yung bulletin board pala yung nasa likod niya kaya ayun dun tumama yung medyas nay bato sa loob. Takot-na takot nga ko nun ang dami ko na kasing mga records nun dahil sa kalokohan ko iyak ako nang iyak kasi baka palayasin na ako nang parents ko. Pero nung dumating na yung guidance councilor namin nagulat ako ung inangkin nung best friend ko yung pagbasag dun sa bulletin board.” Tinignan ko siya nakatingin lang siya sa harap niya pero ewan feeling ko naman nakikinig siya kaya tinuloy ko lang yung pag kukwento.

“Sinabi niya na kinuha daw niya yung medyas ko at nilagyan nag bato sa loob para daw mag kunwaring joggler kasi yun daw yung napanood niya nung isang gabi sa t.v nila. Kaso napalakas daw yung hagis niya kaya ayun tumama dun sa bulletin board.”natawa p ako nung naalala ko yungitsura niya kasi takot na takot yun dun sa guidance councillor namin.

“sobrang umiyak din ako nun kasi nakita ko kung panong pinagalitan siya nang parents niya. Hindi kasi siya ganung klase nang bata napaka tahimik lang nung best friend ko nay un pero sobrang bait. Alam niya kung kelan niya sasakyan yung mga trip ko sobrang lapit naming sa isat-isat” unti-unting sumeryoso yung tono nung pagku-kwento ko.

Tumingala ako sa langit hoping na nakikinig din siya sa kwento ko. “Kasama ko yung best friend ko nay un mag-aral sa L.A. Ang dami pa naming mga kalokohan na ginawa dun. Siya yung andun nung mga panahong down na down ako pero ngayn hindi ko na siya makikita ulit ee or kung mag kikita pa kami baka mataglan pa. Kung andito lang siya ipapakilala kita sakaniya.”

Biglang tumunog yung alarm nang relos ko. Tinignan ko yung oras “Haaaay! Ang bilis nang oras nuh?! kailangan mo nang mag pahinga pagod ka na ba?” Tumayo na ako saka inabot yung kamay ko sakanya.

“Haaaay! Oo nga pala suplada ka.” Sabi ko saka kumamot nang batok. Kinuha ko nalangyung kamay niya para itayo siya kasi hindi naman niya naman panigurado kukuhanin yung kamay ko kahit na ilang araw kopang iabot sakanya.

“Tsk! Kala ko pa naman close tayo.”Nag lalakad na kami ngayon pabalik dun sa kwarto niya nung biglang nakasalubong  namin yung  sakin na nag bigay sakin dati nung med records niya. Ano nga ulit pangalan niya? Celine? Chaldrine? Hindi ko na matandaan ee, hayaan na nga hindi naman kami close ee.

Tumigil siya sa harap namin kaya napa-tigil kami ni Sophia. Ang ganda nang pangalan niya nuh? Sophie ang sarap sabihin feeling ko nga narinig ko na dati yung pangalan niya ee.’ Sophia Raine R. De Guzman’ I thought san ko nga ba yon narinig? Sabagay common naman  yung pangalan niya pero mas maganda naman yung kanya kesa sa iba.

“Hi Kurt, its Chelsea remember?” Tanong niya. Napatingin ako dun sa kumpulan nang mga kaibigan niyang nurse dun sa may kabilang part nitong hallway nag hahagik-gikan kasi sila may isa pa nga na nag sabi nang ‘Go Chelsea’ tsk ito na nga bang pinaka ayaw ko ee.

“What do you need?” bored na tanong ko sakanya.

“Ahm, kasi may night out yung iba pang mg nurse dito mamaya gusto mo bang sumamapara makilala mo na din yung iba pang staff dito sa hospital.” Parang nahihiya siya.

“I’m busy, is that all? Kailangan ko pa siyang ihatid sa kwarto niya” sabay tingin ko sa tabi ko para tignan si Sophia pero pag tingin ko wala na siya sa tabi ko.

“Where is she?!” tinignan ko siya nang masama.

Parang natakot naman siya kaya tinuro niya yung direksyon na dadaanan dapat namin ni Sophia bago niya kami harangin.

“Tsk!” nilampasan ko siya saka ako tumakbo para hanapin si Sophia! Asan kaya yun kasi naman bakit ba ang impatient nang mga babae.

Pagliko ko sa hallway nakita ko siya naka hinga na ako nang maluwag. Sinabayan ko siya maglakad saka hinawakan yung braso niya para iharap sakin.

Tinapat ko yungmukha ko samukha niya kahit tulala pa siya.

 “Don’t do that ever again,  please,  don’t you ever dare leave me”

Authors note:

Medyo mas mahabang update! Hahahaha sana po maintindihan niyo yung pag palit nang cast. Hindi ko din alam pero feeling ko talaga bagay sa minmin itong story. Promise gagawan ko nang story ang kathniel may naiisip na naman kasi akong plot and I think mas bagay yun sakanila J thanks for reading anyway hope you guys enjoyed XD

 Dedicated to her kasi super like ko yung my jealous stepbrother lalo na si jd haaay sana magkaro na nang 2nd half love ko siya super IDOL din :)

XOXO

_ selle _

Unconditionally LOVING you..(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon