Chapter 1: Make her happy

815K 17.6K 8.4K
                                    


Nate's Point of View


Nakatitig ako sa class picture namin noong highschool graduation. Nakakaloko. Parang kailan lang 'to.

Parang kailan lang hindi pa kami nag-uusap-usap sa loob ng school. Parang kailan lang hindi pa kami magkakaibigan. Parang kailan lang pinapaulanan kami ng parusa. Parang kailan lang nakikiramdam pa kami sa ugali ng isa't isa. Parang kailan lang naging magkakaibigan na kami. Parang kailan lang nagpapakiramdaman pa kami. Parang kailan lang...

Dalawang taon at limang buwan na rin ang nakalipas magbuhat nang makagraduate kami. Sobrang daming nagbago. Isa lang naman ang hindi nabago eh... ang kagwapuhan ko.

Ah, nabago rin pala. Mas gumwapo ako ngayon. Mas nagkalaman. Nagkamuscles at abs. Habang tumatagal mas nag-iimprove talaga ako.


"Debate society?!" Napatingin ako kay Warren dahil sa pagsigaw niya. Minsan talaga OA na rin mag-react 'tong si Warren. Pwede namang chill lang. Bakit kailangan sumigaw pa? "Nirecruit ka nila? Pumayag ka?"

"Iniisip ko pa. Tingin mo kakayanin ko kaya? Kasi 'di ba patong patong ang law subjects ko ngayon," sagot ni Hails sa kaniya.


Nakatambay kami ngayon sa café malapit sa university. Dismissal na kasi namin at break time naman ni Hails samantalang hindi pa nagsisimula ang practice nila Warren.

Lumapit si Warren kay Hails at saka siya inakbayan. "Oo naman, kaya mo 'yan. Ikaw pa. Easy lang 'yan sa 'yo. Nasa dean's lister ka pa nga." Nako. Mga moves nitong si Warren.

Tiningnan siya ng ni Hails kaya nagtaas baba kilay si Warren. Dahil doon ay nakatanggap siya nang pagsiko, "Niloloko mo naman ako eh."


"Seryoso nga. Kaya mo 'yan. 'Yung grades mo nga ang pinakamababa 1.75. Isipin mo, 1.75 'yun. Lowest. Lowest! Si Nate nga 1.75 na ang highest."

"Hoy, Warren, naririnig kita! Makapanglait! Ikaw rin naman 1.75 na pinakamataas mo. Nako, Hails, binobola ka lang niyang boyfriend mo," paninira ko sa kaniya. Huwag niya akong ginugulo kapag ganitong nananahimik ako.


Pinagtawanan nila akong dalawa kahit hindi naman ako nagjojoke. Lagi na lang talaga nila ako pinagtutulungan. Ito namang si Warren walang utang na loob. Kung hindi niya nakakalimutan, isa lang naman ako sa tumutulong sa kaniya noong nililigawan niya palang si Hails. Hindi naman dapat siya sasagutin agad kung hindi dahil sa mga tulong ko at sa pangbibida ko sa kaniya.

First year college kami nang maging sila. July noon. Pagkatapos ng anim na buwan, sinagot na rin siya ni Hails. Gusto pa sanang patagalin ni Hails para lang quits sila kaya lang pinagsabihan ko siya noon kaya mukhang natauhan naman.

Noong araw na tinanong ni Warren si Hails ng napakacorny niyang linya na 'Will you be my cheerleader?', ako ang katulong niya sa pag-ayos ng mga pompoms na dagdag sa kaartehan niya. Ako rin ang nagpasabog ng confetti nang sumagot ng 'oo' si Hails. Kaming apat nila Tammy, Pipes at Guevarra ang naggupit at nag-ayos ng lahat habang busy siya sa pagpapagwapo.

Walang utang na loob 'to. Minaliit pa ang utak ko. Pantay lang naman kami.


"Highblood ka agad, ano, Nate?" Natatawa na namang tanong ni Warren.

"He got scolded kasi kanina," sagot ni Pipes na kakarating lang at umupo sa tabi ko. "He wasn't able to answer 5 questions on our graded recitation. We were given a week allowance pa naman to review our lessons."

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon