Chapter 27: Triple kill

246K 8.7K 2.4K
                                    


Piper's Point of View


I'm still thinking if sasabihin ko ba sa kaniya o hindi. Hindi naman niya kasi kilala si Hunter. Never pa sila nagkita kaya baka hindi niya maintindihan. Nakapagkwento na kami sa kaniya about him kaya lang iba pa rin 'yung naririnig lang niya at 'yung mismong nakakasama at nakikita niya.

Umupo siya sa tabi ko. "Hindi naman kita pinipilit magsalita. Ayos lang kung ayaw mo. Basta nandito lang ako para makinig sa 'yo. Kaya kapag naisipan mo na magsalita at wala kang makausap, present ako. Kahit ako pa ang last option mo."

I don't know if he's comforting me or trying to make me guilty. But I must admit, I'm quite touched by his words.


Being true to his words, pinanindigan nga niya na nandito lang siya para sa akin. Kasi kahit ilang minuto na akong hindi nagsasalita, hindi pa rin siya umaalis o nagrereklamo man lang.

I sighed.


"A few days ago..." Panimula ko pero hindi man lang siya tumingin sa akin o gumalaw pero nagpatuloy pa rin ako. "Nagpunta ako sa tambayan namin ni Hunter. I met those kids na nakakausap namin doon. I found out that Hunter went there before he, uhh, disappear. Sumama raw si Hunter sa tatay niya. Hindi ba alam mo naman na he's from a broken family and that he's living alone noong nandito pa siya? I don't know how he and his father met again basta I have this feeling na magkasama na sila ngayon. I should be happy. I should be happy for him and for myself kasi kahit papaano alam ko na kung bakit siya nawala. Kaya lang hindi gano'n ang nangyari eh.

"At first I got confused, then I got sad until I realized that I'm angry. I'm angry at him kasi he never told me he's leaving. Parang sobrang dali lang para sa kaniya ang bitiwan at iwanan ako. Then I got angry with myself. Kasi I'm thinking that way. He's with his father. It's not like he's with another girl. And then I realized that even if he's with another girl, wala akong say. Hindi naman kami."


Napansin ko na lang na umiiyak na pala ako nang punasan ko ang pisngi ko.


"Sana sinabi na lang niya na aalis na siya at ayaw na niya akong makita. Sana ganoon na lang ang ginawa niya. Kaya lang hindi gano'n ang ginawa niya eh. He was so sweet to me the night bago siya umalis. He even asked me what song I wanted him to sing. He was so nice and then the next day he's gone. He left. That's cruel. That's so cruel."


Tinakpan ko ang mukha ko at naramdaman ko ang pag-akbay niya sa akin. He's trying to comfort me.

Nang maging ayos na ang pakiramdam ko ay humiwalay na ako sa kaniya at ngumiti.


"Ikaw kasi. Ayan tuloy naiyak ako."

"Ayos lang umiyak pa-minsan minsan," he said. "Isang bagsakan na iyak lang. Huwag mong aaraw-arawin."


***

Hailey and I are at a café waiting for Tamara. We can't play hide and seek forever. It's about time para magkausap-usap na kami. Nang malaman ni Warren at Hailey ang nangyari kila Nate at Tamara, they tried to talk to her kaya lang mailap talaga. She's avoiding us. With everything that happened, hindi ko rin siya masisisi.

I'm texting Nate and Russel na magkasama ngayon for a photoshoot. I told them I'm with Hailey pero hindi ko sinama 'yung tungkol kay Tamara. Hailey tried so hard para mapapayag siyang makipagkita.

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon