Chapter 8: Monthsary

294K 9.9K 1.9K
                                    


Hailey's Point of View

Nang magising ako ay agad ko nang kinapa ang side table ko para hanapin ang phone ko. Nang makuha at buksan ko 'yon ay bumunga ang message ni Warren.


Happy monthsary, Hailey! I love you.


Natawa na lang ako nang makita ang pahabol niyang message.


P.S. :*


May pahabol pang kiss mark. Baliw talaga 'to. Pero in all fairness, kahit pang 26th monthsary na namin 'to kinikilig pa rin ako kapag nakakabasa ako ng message na ganyan galing sa kaniya. Sa 26th times na pagmemessage niya no'n, madalas ay tinatapat niya pa talaga na alas dose o bago mag-ala una isend ang text. Sa mga panahon naman na hindi niya naaabutan ang oras na 'yon dahil nakakatulog na siya, babatiin naman niya ako paggising na paggising niya.

Minsan nga binati niya ako ng alas quatro. Nagising lang pala siya ng gano'ng oras at nang marealize niya na hindi niya pa ako nababati ay nagmamadali na siyang itext ako.

Dahil alam kong tulog pa siya, naghilamos muna ako saka siya nireplyan.


Happy monthsary, Warren. Sorry hindi na naman ako nakabati ng alas dose sa 'yo. Inaantok na kasi ako. Ikaw nagpuyat ka na naman ha. See you later. Eat na when you wake up. I love you. :*


And send!


Ah. What a wonderful way to start the day.

Pagbaba ko ay inabutan kong nagluluto si Daddy at Mommy. Ginugulo pa nga ni Daddy si Mommy at bigla na lang kikilitiin o yayakapin kaya hindi magkandaugaga sa pagluluto si Mommy. 

Some may find it childish but I think it's sweet. After all those years, sobrang sweet pa rin nila. Kahit may edad na sila hindi pa rin sila tumitigil sa pagpapakita at pagpaparamdam ng feelings nila para sa isa't isa.

Sana kami man ni Warren maging kagaya nila. 'Yung sweet pa rin kahit matanda na. 'Yung maloko pa rin kahit may edad na. Kaya lang hindi naman kasing sweet ni Warren si Daddy maski ang papa niya. He has his own style of showing how much he loves me.


"O, nandiyan ka na pala, Hailey. Matatapos na 'tong niluluto ko. Umupo ka na diyan at mag-aalmusal na tayo."


***

"Happy Monthsary, Hailey!" bati sa akin ni Warren. "Saan tayo ngayon?"

"Wala kang plano?"

"Wala naman. Bakit?"


Lagi na lang talaga kaming ganito. Pahirapan kapag magcecelebrate na kasi mga walang plano.


"Anong gusto mong gawin?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko alam. Ikaw, anong gusto mo?"


Tanong ko, sagot ko ba 'to?


"Let's just eat. Tapos makipagkita na lang tayo kila Pipes mamaya. I heard they're going sa No Name to celebrate."

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon