Nate's Point of View
"Congratulations, batchmates! We're freeee!" sigaw ko na sinundan ng hiyawan ng mga kabatch ko. May ilan din na lumapit sa akin at tinapik ako para i-congratulate sa paggraduate. Hindi ko kilala ang iba pero nagpasalamat pa rin ako. Mahirap na at baka sabihin pa na ang snob ko porque gwapo.
Habang nagkakagulo pa ang iba para mga magsipag-paalam, narinig ko na ang sigaw ni Pipes sa pangalan ko. Sa sobrang tinis ng boses niya imposibleng hindi ko marinig 'yon. Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses na 'yon. Sobrang dami ng tao hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghanap. Hanggang sa naramdaman ko na lang na may humawak sa braso at saka tumalon at niyakap ako.
"Congrats sa atin, Nate!" Napabungisngis ako kay Pipes at tinapik ang likod niya.
"Finally!"
Humiwalay siya sa akin at ngumiti, "Hay. Time flies, ano? It's like yesterday when we just graduated from highschool tapos ngayon... look!" sigaw niya at itinaas ang diplomang hawak niya. "Anyway, did you bid goodbye na ba sa kanila? 'Cause I already did."
"Goodbye ka dyan. Hindi goodbye. See you again. Nagawa ko na 'yon kanina. Ano na? Tara na?"
"Yup," saludo niya at naglakad na kami palayo sa napakaraming tao.
Sa hindi kalayuan, nakita na namin si Warren na nakataas ang dalawang kamay at kumakaway. Kasama niya ang magulang namin ni Pipes pati na rin ang barkada. Kasama rin nila si Tanya na kasama ang boyfriend niya. Si Russel lang ang kulang.
Kumaway kami ni Pipes sa kanila at nang makalapit ay binati nila kami. Tinapik pa ako ni Papa at niyakap at ganoon din ang ginawa ni Mama.
"We're proud of you, Nate." Lumaki ang ngiti ko sa sinabi ni Mama. Sino ba naman ang hindi matutuwang marinig ang mga salitang 'yon.
"Thank you po."
Nginitian niya ako at niyakap ulit. "Gutom ka na ba? Tara na at handa na raw ang lahat sabi ng Tito Ry mo."
"Sige po."
"Sunod na kayo, ha?" bilin pa sa amin ni Mama bago siya umalis kasama si Papa at sila Tito Ken.
Tulad ng nakagawian, kapag may mga ganitong celebration, pinapasara ni Tito Ry ang No Name. Kaya ngayon, sarado ulit 'yon para i-celebrate ang paggraduate namin nila Pipes, Hails at Warren. Nauna ng ilang araw ang graduation ni Hails at Warren.
Nakatingin ako sa magulang ko nang maramdaman ko ang pagkapit ni Tammy sa braso ko. Nang tingnan ko siya ay nakangiti na siya sa akin. "Congrats!" Masayang bati niya kaya pati ako ay napangiti rin.
"Congrats lang?"
"I'm proud of you," tapik niya pa sa likod ko.
"Ayon lang?"
Kumunot ang noo niya at nag-isip. Tumaas pa ang isang kilay niya pati gilid ng labi niya. Pinilit kong huwag mangiti sa naging reaksyon niya. In character dapat ako. Hinawakan niya pa ang baba niya at biglang nanlaki ang mata at itinaas ang daliri niya, "Ah! 'Yung regalo mo iniwan ko sa sasakyan ni Hailey."
BINABASA MO ANG
The Relationship Code
Teen Fiction(Completed) Book 2 of The Trouble with the Rule: Every relationship has its ups. It's all about flowers, butterflies and rainbows. Every relationship has its downs. The flowers will wither. The butterflies will die. The rainbows will disappear.