Note: Mas mahaba ang point of view ni Warren kasi 'yung ibang part nakafocus sa kanilang magbabarkada unlike sa iba. Ineexplain ko lang habang maaga pa. Haha. Hindi ko rin binasa 'to after ko masulat kaya sorry sa mga makikita niyong errors. Happy reading! :)
Warren's Point of View
"Sa tingin mo kasya na 'to?"
Itinuro ni Hailey ang isang pack ng pasta at saka tumingin sa akin. Nagkibit-balikat ako kasi wala naman akong alam sa pagluluto at hindi ko alam kung gaano karami ang pasta na 'yon oras na maluto na.
"Warren," iling niya sa akin at saka kinuha ang pasta at inilagay sa cart. "Remind me again, why I asked you to come with me?"
Sumunod ako sa kaniya at ngumiti, "Because you love me and you don't want to be away from me?"
Huminto siya at saka ako tiningnan ng masama. Sumimangot pa siya at sobrang pinigilan ko ang sarili ko para pisilin ang siopao niyang pisngi na mas lalong naging siopao dahil sa naging reaksyon niya.
"Sinama kita para may magtulak ng cart, para may magbuhat ng pinamili natin after at para hindi na ako magdrive papunta sa unit mo."
"Wow naman. Hindi ko naramdaman na ginagamit mo lang ako for your own benefit."
Nginitian niya ako at tinapik ang pisngi ko, "Don't worry. I still love you though."
Okay, sige na. Bawi na agad siya sa paggamit sa akin. Pasalamat siya...
Nag-ikot pa kami ng ilang minuto sa supermarket at nang masigurado na ni Hailey na kumpleto na ang lahat ng kailangan namin pati na rin ang groceries ko for the whole week ay bumalik na kami sa place ko.
"Okay, kumpleto na," proud niya pang tiningnan ang mga pinamili namin na ngayon ay nasa cabinet at ref na habang ang iba ay nakapatong sa counter. "Tawagan mo na sila para makapunta na dito at matulungan na ako ni Piper at Tamara."
"Okay," sunod ko sa kaniya at saka siya hinalikan sa pisngi.
Umupo ako sa sala para macontact na ang mababait kong kaibigan na ayaw magpahiram ng mga place nila kaya wala akong nagawa kung hindi ang pumayag na dito na lang sa unit ko gawin ang Christmas party naming anim.
Pumayag naman silang tulungan ako sa pagliligpit pagkatapos kaya lang sana gising o hindi pa sila lasing para magawa 'yon.
Nang masabihan ko na ang iba ay binalikan ko si Hailey sa kusina. Nakatalikod siya sa akin habang naghihiwa. Umupo ako sa may stool at nagpangalumbaba habang pinapanood siya sa ginagawa niya.
Nag-eenjoy talaga akong panoorin siyang magluto sa kusina ko.
Parang dati lang hindi siya marunong magluto pero ngayon madalas na siya sa kusina. Ilang buwan na magbuhat nang makabalik siya galing sa ibang bansa pero naaamaze pa rin talaga ako kapag nakikita ko na sobrang laki na ng pinagbago niya.
Ang dami na niyang kayang gawin. Mas sigurado na siya sa mga ginagawa niya. Mas sigurado na siya sa mga desisyon niya. Mas sigurado na siya sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
The Relationship Code
Teen Fiction(Completed) Book 2 of The Trouble with the Rule: Every relationship has its ups. It's all about flowers, butterflies and rainbows. Every relationship has its downs. The flowers will wither. The butterflies will die. The rainbows will disappear.