Nate's Point of View
Hindi ko alam kung matutuwa o maguguluhan ako sa pagiging iba nitong si Tammy.
Akala ko one time, big time lang ang pagiging mabait at medyo sweet niya sa akin noong birthday ni Tito Ry kaya lang hindi pala. Tinutuloy tuloy talaga niya.
Kapag magkakasama kami madalas niya akong kausapin. Minsan tinatabihan niya ako. Nagpatuloy pa rin 'yung pag-alok niya sa akin ng kung anu-ano. Minsan gusto ko nang magtanong kung bakit ganito siya makitungo sa akin kaya lang kasi baka kapag nagtanong ako bigla na siyang mailang at bumalik na naman kami sa dati. 'Yung bihira mag-usap, bihira magpansinan. Ayoko rin naman mangyari 'yon.
"Kamusta na nga pala magulang mo? Si Tristan pati sa Tracy?" Lakas loob kong tanong sa kaniya.
Nasa clubhouse kami ngayon kasama si Hails, Russel at Pipes. Bumili muna ng pagkain si Russel at Pipes habang umuwi sandali si Hails. Kaya ayan, naiwan kaming dalawa ni Tammy.
Sa totoo lang, matagal ko na talagang gusto itanong sa kaniya kung kamusta na ba ang pamilya niya kaya lang hindi ko magawa kasi pakiramdam ko wala na akong karapatan para itanong ang kalagayan nila. Nakakahiya na rin naman kasi baka isipin niya nanghihimasok ako. Kaya lang nakakamiss na ang pamilya niya. Minsan gusto ko silang bisitahin kaya lang hindi ko naman magawa kasi parang wala sa lugar. Isa pa, malaki na ang nabawas sa kapal ng mukha ko. Marunong na akong mahiya ngayon.
"Ayos lang naman kung hindi mo sasagutin kasi 'di ba – "
"Ayos lang." Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay nakangiti. "Ayos lang sila. Si Tatay ngayon nagtratrabaho pa rin sa inyo. Sobrang laki nga ng tulong nang pagkakapasok niya doon. Kasi malaking tulong 'yon sa gastusin. Kahit papaano nakakaluwag luwag na kaya si Nanay hindi na ulit tumatanggap ng labada. Nag-aasikaso na lang sa bahay."
"Mabuti naman at nakatulong kami sa inyo. Pero pinagtratrabahuhan naman ng tatay mo ang sinesweldo niya. Deserve niya 'yon."
Ngumiti ulit siya at tumango, "Si Tristan, naubos na niya 'yung sketchpad na binili ko sa kaniya. Sobrang nag-eenjoy siya sa pag-drawing. Ibinili ko siya ng bago at napapangalahati na niya 'yon. Si Tracy naman ayon, ganoon pa rin. Mas tumatangkad lang pero bukod sa height niya parang wala namang nagbabago."
"Mabuti naman kung ayos sila. Ikaw, kamusta ka naman?"
Napangiwi siya at tumawa. Hay nako, Tammy. Napapadalas ang tawa at ngiti mo. Paano ako magmomove on ng tuluyan nito?
"Makakamusta ka naman parang hindi tayo nagkita-kita kahapon."
Kamusta ka na? Nakakakain ka ba ng maayos araw-araw? Masaya ka ba sa buhay mo ngayon? Anong pinagkakaabalahan mo? Mas maayos ka ba ngayon na tumigil na ako sa pangungulit sa 'yo? Naiisip mo ba ako bago ka matulog o pagkagising mo? Ni minsan ba naisip mo na sana bumalik tayo sa dati? Ni minsan ba naisip mo na mas masaya ka kasi kasama mo ako? Ni minsan ba nalungkot ka kasi wala ako sa tabi mo?
Ayan. Ayan ang ibig sabihin ng kamusta ko. Hindi 'yung tipong simpleng 'kamusta ka' 'ayos lang ako'. Mas malalim ang ibig sabihin ko. Mas malalim pero hindi ko magawang itanong ng diretsyo.
BINABASA MO ANG
The Relationship Code
Teen Fiction(Completed) Book 2 of The Trouble with the Rule: Every relationship has its ups. It's all about flowers, butterflies and rainbows. Every relationship has its downs. The flowers will wither. The butterflies will die. The rainbows will disappear.