Chapter 44: ...

227K 7.8K 3.4K
                                    

Wala akong maisip na chapter title. Haha.


Nate's Point of View

"Try mo kayang lapitan si Tamara," utos sa akin ni Tanya pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagshoot ng bola. "Dati gusto mong magkagusto siya sa 'yo pero ngayong siya na ang lumalapit, ikaw pa 'tong lumalayo. Gwapo mo ha."


Shinoot ko ang huling bola saka siya pinasadahan ng tingin at umupo sa bench na para talaga sa open na photobooth. Wala namang gumagamit kaya inupuan ko na. Pagod na rin naman ako... sa pagtayo at paglaro.

Tumabi sa akin si Tanya at nagtanong, "Hindi mo ba naaappreciate mga ginagawa niya para sa 'yo?"

Sus. Anong hindi? Kulang na lang mangisay ako sa kilig sa mga ginagawa niya.

Kapag nakakareceive ako ng messages sa kaniya lagi akong nangangati reply-an agad siya. Kaya lang syempre pinipigilan ko sarili kong gawin 'yon kasi kapag sinimulan ko na baka hindi ko na tigilan. Minsan sinasadya ko na ngang patayin ang phone ko para lang hindi ko makita 'yung pag-ilaw no'n kapag nagtext na siya.

Kapag pinupuri niya ako at pinapalakas ang loob ko halos pumalakpak na ang tenga ko. Buti hindi ako nagmana sa papa ko na namumula talaga kapag kinikilig kasi kung sakali baka forever ng pula ang mukha ko. Kapag naririnig ko nga ang mga papuri niya paulit-ulit 'yon pumapasok sa isip ko at kulang na lang ay i-record ko ang mga sinasabi niya para mapakinggan ko araw-araw.

Kapag nagpapakita siya ng affection, gusto kong ngumiti ng sobrang laki at magtatalon sa tuwa kaya lang syempre mas pinipili ko pa rin na maging chill lang.

Sobrang apektado rin ako kapag nakikita ko ang efforts niya at ang kagustuhan niyang ibalik ang dati. Kaya lang...


"Naappreciate ko naman syempre. Kaya lang sa dami ng nangyari dati mas nag-iingat na ako. Ikaw kaya, kung sa 'yo kaya nangyari 'yung nangyari sa akin. Anong gagawin mo? Bibigay ka ba kaagad?"


Tumingala siya at nag-isip. Kumunot ang noo niya at umiling, "Kung sakaling 'yung manliligaw ko ngayon, bigla kong sinagot at bigla niyang sabihin na ayaw na pala niyang maging kami, sa tingin ko hindi ko na siya magagawang pansinin."


"Kita mo. Buti nga ako pinapansin ko pa."


Binatukan niya ako at inirapan, "May reason naman kasi siya kung bakit niya ginawa 'yon. Siguro mababaw sa paningin mo o ng ibang tao, pero siguro sa kaniya hindi. Hindi ka naman niya sinadyang saktan."

Napansin ko ang paglabas nila Russel at Pipes sa karaoke room at bago tuluyang sumara ang pinto, nagtama ang mata namin ni Tamara na nasa loob din no'n. Kumunot ang noo niya pero ilang sandali lang ay nginitian din niya ako. Bago pa ako makapagreact ay sumara na ang pinto.

Napabuntong hininga na lang ako. Nakakaloko ang mga ngiti niyang gano'n. Para akong laging kinukuryente. Sa totoo lang nitong mga nakaraang linggo mas maraming beses niya pa akong nangitian kaysa noong ilang taon ng panliligaw ko.


"Alam mo, hindi lahat ng taong nagmamahal nasusuklian ang pagmamahal. Maswerte ka kasi 'yung sa 'yo nasuklian. Medyo nahuli nga lang pero at least nasuklian. Pwede pang mahabol."

"Gusto niya ako. Hindi mahal. Magkaiba 'yon."

"Sigurado ka?"

"Oo."

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon