Chapter 32: Girl talk

203K 7.8K 1.3K
                                    

A short update. :)


Tamara's Point of View


Naunang umuwi si Hailey kaya naiwan kami ni Piper sa café ni Tita Cass. Nagkwekwentuhan kami nang biglang may umupo sa upuan na iniwan ni Hailey. 'Yung upuan na katabi ng sa akin. Napatigil ako sa pagsasalita nang marealize kung sino 'yon. Si Nate. Magkasama silang dumating ni Russel.

Sa totoo lang kahit ilang buwan na ang nagdaan, naiilang pa rin ako kay Nate. Matapos kasi noong nangyari no'ng gabing tumigil siyang manligaw, hindi na kami nakapag-usap ng maayos.

Noong una napansin ko na naiilang pa siya pero ngayon ang casual na niya.


"Why are you, guys, here?" tanong sa kanila ni Piper.

"Namiss ka ni Russel. Uy, kilig," biro ni Nate sa kaniya kaya inirapan siya ni Piper. "Ito kasing magaling mong boyfriend, inutusan ni Tita Cass para bumili ng ilang items para dito sa café. Kita mo naman puno ngayon at busy ang mga staffs kaya no choice."

"Eh ikaw, bakit nandito ka?"

"Kailangan ko ng alalay. Kaya ayan, sinama ko," biro naman ni Russel. "Para naman may pakinabang."


Napangisi ako sa sinabi niya kaya naramdaman ko ang pagtingin sa akin ni Nate. Nang tingnan ko siya ay bigla na lang siyang umiling at pinanliitan ako ng mata. "Natuwa ka naman eh minaliit na nga ako."

Ayan na naman siya. Umaarte na parang walang nangyari at parang ayos na ayos na kaming dalawa. Nagagawa niya pa akong biruin.


"Yeah. Yeah. Sige na. Umalis na kayo at nagkwekwentuhan pa kami ni Piper."

"Hoo. Pinag-uusapan niyo lang ata ako, eh."

"You're so conceited, Nate," irap ulit sa kaniya ni Piper. "Russel, please lang pakilayo na ang pinsan mo dito."


Natawa ang mag-pinsan at nagpaalam. Bago umalis ay humalik pa si Russel sa ulo ni Piper at tinapik naman ni Nate ang ulo ko. Hindi ako nag-react pero deep inside sobrang nagjujumble na ang feelings ko.

Hindi ko na alam ang dapat maramdaman ko. Alam ko naman na kasalanan ko kaya kami nagkaganito kaya lang... ewan ko. Ayokong may makagulo sa priorities ko.


Kaya lang nakakaloko. Bakit ganoon siya? Bakit parang okay na okay na siya? Ako na lang ba ang hindi okay sa aming dalawa? Kung umasta siya parang walang nangyari. Parang hindi ko siya sinaktan. Hindi man lang siya nagalit sa akin. Hindi man lang niya ako kinausap ulit tungkol sa bagay na 'yon. Bigla na lang isang araw magkaibigan na lang ulit kami.


"Tamara!" Napatingin ako kay Piper nang isigaw niya ang pangalan ko. "You're not listening. Kanina pa kita tinatawag."

"Huh? Sorry, ano ulit 'yon?" Magsasalita na ulit dapat siya nang unahan ko siya sa pagsalita. "Teka lang, Piper. Sorry pero kailangan ko lang ilabas 'to."

"Oh. Masakit tiyan mo? Okay, you can go muna sa washroom. I'll wait here."

"Eh? Hindi! Hindi ganoon. Ano... about kay Nate."


Pinanliitan niya ako at ngumiti ng nakakaloko. Hindi ko na lang pinansin ang naging reaksyon niya. Basta kailangan ko na ilabas 'to.


"Bakit ba ganoon ang bestfriend mo? Bakit sobrang casual ng pakikitungo niya sa akin? Bakit ba parang ayos na ayos lang siya? Parang nagkaroon siya ng amnesia at hindi niya naalala na minsan sa buhay niya, niligawan niya ako at pinaasa ko siya? Kung gusto niya talaga ako, hindi naman agad siya magiging okay 'di ba? Hindi naman dapat agad siya maging ayos na nakikita ako? Kaya lang ayos lang siya eh. Okay lang siya. Mas okay pa na nagalit siya sa akin. Mas okay pa na hindi niya ako pansinin. Kaya lang bakit ganoon siya? Bakit ang bait pa rin niya kahit sinaktan ko na siya?"

"Just because a person acts fine, doesn't mean he's really fine. We both know him, Tamara. As much as possible, ayaw ka niyang pag-alalahanin. Kaya he's trying to to act civil. Kung hindi ka niya papansinin, he knows you'll worry. He wouldn't want that to happen."

"Alam mo, minsan naiisip ko, mabait ba siya sa akin kasi ayaw niya talaga akong mag-alala o mabait siya kasi nakamove on na siya? Ilang buwan na rin ang lumipas. Posibleng ayos na siya."

"Bakit mo naman naisip 'yan?"

"Napansin ko kasi nitong mga nakakaraan, madalas niyang kasama si Tanya. Hindi ko nga alam na close pala sila. Hindi naman sila close noong nanliligaw pa siya sa akin."


Nagulat na lang ako nang biglang tumawa si Piper nang tumawa. Anong nakakatawa? Nagdradrama na nga ako dito pero nagawa niya pang tumawa?


"Don't tell me you're jealous of Tanya? Hay nako, Tamara. They're just friends. Believe me. When I say they're just friends, they're just friends. Nga pala, magkaklase naman kayo ni Tanya 'di ba? Dapat alam mo 'yon."

"Hindi kami masyadong close?"

"Eh? Why? You're both nice."

"Ewan. Sadyang iba lang ang group of friends namin sa klase. O kasi madalas kaming napagtatapat?" Napakunot ang noo ni Piper at halatang hindi niya naintindihan ang sinabi ko. "Kung sa top spot kasi sa klase, minsan siya ang number 1, minsan ako. Kapag sa mga competition, it's either siya ang ipanglalaban o ako. Kapag may mga groupings, siya ang leader ng kabilang group, ako naman ang sa isa. Hindi naman competition ang tingin namin sa isa't isa pero siguro dahil sa madalas kaming pagtapatin, naging awkward na kami."


Tumango tango siya. "Anong malay mo, Nate's the key para maging close kayo ni Tanya. That would be nice."

Nginitian ko lang siya bilang sagot. Sa ngayon kasi mas close si Nate kay Tanya kaysa sa akin kaya hindi ko alam.


"Nagsisisi ka na ba?"


Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. Ngumiti lang siya sa akin kasi alam niyang alam ko ang ibig niyang sabihin. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang magbuntong hininga at sumagot.


"Hindi ko alam. Hindi. Oo. Siguro. Baka."

"Wow. Super sure ka ha?" sarkastikong sabi niya.

"Hindi ko kasi inaasahan na hihinto siya. Ang tagal na kasi niyang nanliligaw tapos noon pa siya sumuko. Konti na lang gagraduate na ako. Ayon lang naman ang hinihintay ko."

"Hindi ko pa rin gets kung bakit hinihintay mo pa na makagraduate ka. You clearly like him. He likes you, too. Wala namang problema."

"Meron. Hindi kasama sa priorities ko ang mag-boyfriend. Kaya ayokong sagutin siya kasi oras na maging kami, baka maramdaman lang din niya na hindi kami kasi hindi nga siya ang magiging number one priority ko."

"It's not like he's asking to be your number one priority. Alam mo, sumuko siya hindi dahil hindi ka na niya gusto. He got fed up. He was hurt. Gusto niyang sagutin mo siya. Ginawa mo naman. But the thing is, binawi mo rin. You didn't intend to hurt him pero ganoon ang nangyari. In his point of view, it looks like you're playing with his feelings. Imagine, he was hurt. Siguro until now he's still hurting pero he's still being nice to you. He has all the right to be mad pero hindi siya nagalit kasi nga gusto niya pa rin maging parte ng buhay mo even if it means hanggang friends lang kayo."


Nagpangalumbaba ako at nag-isip. Sa totoo lang, gusto kong bumalik ang dati. Gusto kong bumalik kami sa dati ni Nate. Ano ba ang gagawin ko?


"Alam mo, Tamara, kahit noon pa, laging si Nate ang nag-eeffort to make you stay in his life. This time, bakit hindi naman ikaw ang mag-effort para sa kaniya? Nate already did his part. It's finally your turn to do yours."


***

Relationship Code No. 22: The more you put out, the more you get back.

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon