Chapter 24: Untitled

233K 8.7K 4K
                                    


Nate's Point of View


Sobrang bilis lang lumipas ng araw. Parang nagmamadali. Naisip ko nga baka naghahabulan ang araw at ang buwan. Kaya lang kahit naman anong gawin nila hindi sila magtatagpo. And that, my friends, is the saddest story of all time. Mas malungkot pa kaysa sa Romeo and Juliet at Titanic. Hindi naman sa nanonood ako ng mga gano'ng palabas. Sadyang pinilit lang ako ni Pipes na samahan siya sa panonood. At bilang mabait na bestfriend, pumayag na lang ako.


"Nate!" Speaking of... "Are you ready? Pwede na tayong umalis?" Sumaludo ako kay Pipes at naglakad na palabas ng bahay. "Uhh, I think you forgot something, Nate."

"Ano?" Naguguluhan kong tanong.

"'Yung regalo namin. Nakalimutan mong dalhin. Or... don't tell me wala ka talagang binili?"

"Ah, oo nga. Nasa kwarto ko pa. Sunod ako sa inyo." Buti na lang pinaalala niya. Kung sakali baka naiwan ko pa 'to.


Naisip namin na i-move ang pasko para sa barkada namin. Sa halip na December 25, December 26 kami magcecelebrate. 25 pa rin naman sa ibang parte ng mundo kaya pasok pa rin 'yon. Kaya kahit nagkita kita kami noong mismong pasko (bukod kay Tammy na kasama ang pamilya niya at kay Guevarra na hindi pa rin nagpaparamdam) hindi ko pa rin binigay sa kanila ang mga regalo nila. Naka-save 'to para sa sarili naming Christmas party ngayon. At kung sakaling hindi dumating si Pipes at pinaalala 'to, wala akong mabibigay na mga regalo. Kung nangyari 'yon, babawi na lang ako sa mga kwento. At charisma.

Inilagay ko sa likod ng sasakyan ko ang mga regalo. Nandoon na rin ang kay Pipes. Pagkatapos ay dinaanan namin si Tammy sa kanila.


"Why do I feel like I'm third-wheeling here?"


Nagkatinginan kami ni Tammy. Nakaupo kasi siya sa shotgun seat habang nasa likod si Pipes. Kadalasan nasa shotgun seat siya pero kapag kasama si Tammy, siya na ang kusang umuupo sa likod.

Nang tingnan ko siya sa rear view mirror ay napailing na lang ako, "Why do I feel like you don't really care? Sitting pretty ka diyan." Hindi ko na rin napagilan ang mapa-english. Hindi nga ako masyadong nag-eenglish kasi baka bumilib lalo sila sa akin kaya lang... wala eh.

Nakataas pa ang dalawa niyang paa at ibinaba niya ang sandalan. Preskong presko, ha.


"May balita ka na, Piper?" tanong sa kaniya ni Tammy. Si Guevarra malamang ang tinutukoy niya.

"I'll tell you two a secret," sabi niya kaya napatingin na naman ako sa kaniya mula sa rear view mirror. "He texted me yesterday and greeted me a merry Christmas. Sabi niya huwag daw akong mag-alala sa kaniya at kung nagbabalak daw akong hanapin siya, huwag na lang daw. Basta he's safe. I tried calling him pero wala na. He's gone. Again. Just. Like. That."


Nagkatinginan kami ni Tammy at parehas naming hindi alam kung ano ang sasabihin kay Pipes o kung dapat bang may sabihin. Buong byahe namin ay naging tahimik na matapos marinig ang kwento ni Pipes. Kapag talaga nakita ko 'yang si Guevarra malalagot 'yan sa akin. Pinapahirapan niya masyado ang bestfriend ko.

Nang makarating kami sa No Name ay binigyan kami ni Pipes ng tingin na nagsasabing huwag na lang muna magsalita sa iba tungkol sa pagcontact sa kaniya ni Guevarra. Kaya tumango kami ni Tammy.

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon