Chapter 41: Post-graduate plans

211K 7.4K 1K
                                    


Hailey's Point of View


Naglalakad ako sa lugar na hindi ko alam. Ako lang mag-isa. Walang kahit sinong tao ang nasa paligid. Sobrang tahimik. Tumakbo ako hanggang sa may nakita akong tao na naglalakad mag-isa. Hinabol ko siya at nang makaabot ako ay kinalabit ko ang taong 'yon.


"Warren? Warren! Buti nandito ka." Yumakap ako sa kaniya at ganoon din ang ginawa niya. Kaya lang ilang sandali pa lang ay tinanggal na niya ang pagkakayakap ko. "Warren?"

"Sino ka?"

"Huwag ka ngang magbiro ng ganyan." Hindi siya sumagot. Ni hindi man lang siya ngumiti. "Warren. Ano ka ba? Ako 'to. Si Hailey."


Inilayo niya ako sa kaniya at umiling. "Sorry, hindi kita kilala. Hindi ka si Hailey," sabi niya at saka ako tinalikuran at naglakad papalayo.

Paulit-ulit kong sinigaw ang pangalan niya pero hindi na siya lumingon. Hanggang sa nag-iba ang lugar. Kung kanina ay nasa daan, ngayon ay nasa gubat naman ako. Paikot-ikot ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung ano ang hinahanap ko. Hanggang sa mapadpad ako sa may batis.

Iinom lang sana ako ng tubig pero nang makita ko ang repleksyon ko sa tubig ay nanalaki ang mata ko. Hindi ako 'to. Sino ang taong 'to?


"Hailey!"


Nagising ako at napaupo sa kama ko nang may marinig na sigaw. Sakto naman pag-upo ko ang pagpasok ni Piper sa kwarto ko. Ang laki ng ngiti niya sa akin pero nang makita niya ang reaksyon ko ay napasimangot siya.


"Anong nangyari sa 'yo?"


Tumingin ako sa paligid ko. Wala ako sa daan. Wala ako sa gubat. Walang batis. Hindi ako mag-isa. Nasa kwarto ko ako. Nakahiga. Kakagising lang. Pero tulad ng nasa panaginip ko, wala pa rin siya. Wala pa ring Warren.

Bigla na lang tumulo ang luha ko kaya biglang nagpanic si Piper at lumapit sa akin.


"Oh my God. Why are you crying? Anong gagawin ko?"

"P..paano kung mawala na talaga siya? Paano kung maiwan na lang akong mag-isa?"


Napatigil sa pagpapanic si Piper at saka ako niyakap. Sa ginawa niyang 'yon mas lalo lang akong naiyak. Hinihimas niya ang ulo ko at pinapatahan ako.

Nang mahimasmasan ay umayos na ulit ako at ikwinento sa kaniya ang panaginip ko.


"It's been weeks or should I say a month since both of you decided to cool off. Hindi rin 'to madali para kay Warren pero tingnan mo, nagagawa niyang maging maayos. Though we don't know kung ano 'yung pain na nararamdaman niya when the night comes or when he's alone. But hindi siya nagmumukmok sa isang tabi and waiting for things to get better. He's trying to make things better. Not by waiting but by actually doing something about the issue. He's trying to find himself just like what he told you."

"What if kapag nahanap na niya ang sarili niya marealize na lang niya na ayaw na pala niya sa akin? Ano na lang ang gagawin ko?" tanong ko sa kaniya at pinunasan ang luhang tumulo galing sa mata ko.

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon