Tamara's Point of View
I see skies of blue and clouds of white. The bright blessed day, the dark sacred night. And I think to myself... what a wonderful world. ♫
Hay! Ang ganda nga naman ng umaga.
Nakangiti akong mag-isa habang naglalakad palabas ng classroom. Binabati ako ng ilan sa mga kaklase ko at ngiti lang ang isinasagot ko sa kanila. Ang aga aga ang ganda agad ng simula ng araw ko.
"Para kang baliw."
Napahinto ako sa paglalakad nang marining ang boses ni Hailey. Nakatayo siya sa likuran ko at naiiling-iling pa.
"Nakangiti kang mag-isa. Tulala ka pa. Para kang highschool girl na pinansin ng crush niya."
Eh? Ganoon ba ako? Masaya lang ako kaya gano'n.
"Ang aga aga pero bakit ba ganiyan ka kung makangiti?"
"Naalala mo no'ng sinabi ko sa inyong may sinalihan akong contest? Nagpasok ako ng design at nanalo 'yung design na 'yon. May cash prize akong nakuha, sapat na para sa kalahati ng tuition ko."
"Wow! Kaya naman pala ganiyan ka kung makangiti. Hindi naman kita masisisi. Congrats, Tamara! Ang awesome mo talaga!"
"Thank you! Napakalaking tulong talaga nito."
"You deserve it. Saan punta mo niyan ngayon?"
"Sa dean's office. Ikaw, naligaw ka nga pala sa building namin? Saan punta mo?"
"May dinaanan lang ako sa library niyo pero papunta na ako sa next class ko. Sige, mauna na muna ko. Congrats ulit."
Dumiretsyo ako sa dean's office.
Nang makita ay agad niya akong binati dahil bukod sa sarili ko, nakapagbigay din daw ako ng karangalan sa university namin. Inabot din niya ang napanalunan ko at parang kuminang ang mata ko. Paniguradong matutuwa si nanay at tatay dito. Mababawasan na ang iintindihin nila sa gastos.
"Congratulations, Ms. Sartori. May good news pa ako sa 'yo."
"Po? Ano po 'yon?"
"Isa sa nagsponsor sa contest na sinalihan mo ay nagkaroon ng interest sa mga gawa mo. Ipagpatuloy mo lang ang mga ginagawa mo at oras na maging consistent ka, malaki ang posibilidad na alukin ka nila ng trabaho kapag nakatapos ka na. Sa ngayon ay babantayan ka muna nila."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni dean. Pwede pa lang may mas iganda pa ang umaga ko. Wow! Ano bang ginawa ko nitong mga nakaraang araw at nagpapaulan ngayon ng blessings?
Ang akala ko ay hanggang doon lang ang good news na matatanggap ko ngayong araw pero nagkamali ako. May darating pa pala.
Kasama ko si Nate nang kuhanin ko ang sweldo ko galing sa pinagsusulatan ko ng articles.
"May problema ba?" tanong niya nang mapansin na nakatingin lang ako sa machine.
BINABASA MO ANG
The Relationship Code
Novela Juvenil(Completed) Book 2 of The Trouble with the Rule: Every relationship has its ups. It's all about flowers, butterflies and rainbows. Every relationship has its downs. The flowers will wither. The butterflies will die. The rainbows will disappear.