Nate's Point of View
Nakatambay kami ni Pipes sa location ng pictorial ng isa sa mga model. Ako kasi ang kumuha ng photos niya dahil ako ang nirequest. Si Pipes naman sumama lang dahil free naman daw siya. Wala kasi silang pasok.
"Alam mo, Pipes, hindi ko alam kung nagagalingan lang ba talaga sa akin 'tong model na 'to o sadyang type lang niya ako kaya ako ang gusto niyang kumuha ng photos niya," bulong ko kay Pipes.
Siniko niya ako dahil sa sinabi ko at inirapan. Double kill, ha. May galit ata 'to sa akin.
"Feelingero ka. Just so you know, the models aren't capable of choosing who they want to take their pictures. We're amateurs kasi. Get your facts straight bago ka mag-assume."
"Harsh mo naman. Masama na mag-biro ngayon?"
Piningot niya ako sa tenga. Kaligayahan talaga niya sa buhay ang sinasaktan ako.
"I know you too well, Nate. Sadyang nagfi-feeling ka lang. Biro biro ka diyan."
"E 'di sige. Kung sino na lang namili sa akin ang may crush sa akin."
"What if lalaki?"
Oo nga, ano. Paano kung lalaki? Get your facts straight, Nate, sabi nga ni Pipes.
"Seriously though, you're the best amateur photographer here. Konti na lang pang-professional na ang galing mo. O, huwag lalaki ang ulo."
Nginitian ko na lang siya kasi baka kapag nagyabang ako bawiin pa niya ang sinabi niya. Pero totoo naman ang statement niyang 'yon. Tingin ko nga rin ako ang best dito.
Okay... joke lang. Be humble dapat.
Nagkwekwentuhan kami ni Pipes nang lapitan kami ng isa sa mga make up artist.
"Nathan, Piper!"
"Yo, wassup?" bati ko sa kaniya.
Inabot niya sa amin ang ilang vouchers. Discount coupon ata 'to sa isang resort na medyo malayo sa lugar namin.
"Gusto niyo ba? Sa inyo na lang. 10 'yung ganyan ko kaya lang 3 lang naman ang magagamit ko. Sayang ang discount."
"Wow. This is a pretty good offer. 30% off for more than five people."
"Binigay lang kasi sa akin 'yan ng friend kong nagtratrabaho sa resort na 'yon. Matatapos na ang promo kaya sayang kung hindi magagamit. E naalala ko kayo ng mga ka-barkada niyo. Ano, kunin niyo ba?"
Not bad...
"Libre mo bang binibigay sa amin 'to? Kung libre, kunin namin. Kung may bayad, pass."
At sa siniko na naman ako ni Pipes sa tagiliran. Kailangan ko na atang magpa-x-ray pag-uwi ko para sure na buo pa ang tagiliran ko. Lagi na lang ako sinisiko nito.
BINABASA MO ANG
The Relationship Code
Teen Fiction(Completed) Book 2 of The Trouble with the Rule: Every relationship has its ups. It's all about flowers, butterflies and rainbows. Every relationship has its downs. The flowers will wither. The butterflies will die. The rainbows will disappear.