Chapter 14: Charity

229K 8.4K 910
                                    


Tamara's Point of View


Kanina pa nagsasalita si Nate pero wala akong naririnig. Maski ang dalawa kong kapatid ay kinakalabit ako pero walang pumapasok sa tenga ko. Isa lang ang nasa utak ko ngayon.


Anong nangyari?


Hindi pa man din tuluyang namamatay ang engine ng kotse ni Nate ay bumaba na ako. Naramdaman ko rin naman ang pagsunod niya kasama ang dalawang kapatid ko.

Nang makapasok ako sa ospital ay hindi ko alam kung ano ang kasunod na gagawin ko. Nagmamadali ako kanina pero ano na ang kasunod. Nasa loob na ako... pagkatapos?


"Tammy, dito. Tara!"


Hindi ko alam ang nangyari basta ang alam ko lang ay hawak hawak na ni Nate ang braso ko at nakahawak sa kamay ko si Tracy.


"Tatay!" sigaw ni Tristan at tumakbo.


Napatingin ako sa direksyon na pinupuntahan niya. Papunta sa magulang ko. Nakahawak si nanay kay tatay. May benda sa braso si tatay pero bukod doon, mukhang ayos naman siya.

Sumunod ako kay Tristan at tumakbo palapit sa kanila, "Ano pong nangyari, 'tay?"

Napakamot siya sa ulo niya at nangingiti, "Katangahan, anak. Ayan, nabalian."


"Grabe ang kaba ko. Akala ko kung ano na po ang nangyari sa inyo."

"Kaya pala hindi na kita makausap kanina. Kung hindi mo pa kasama si Nate baka nag-alala pa ako sa lagay mo, anak," sabi naman ni nanay.

"Ay nako, tita sinabi mo pa. Kanina ko pa nga rin sinasabi kay Tammy na ayos lang si tito kaya lang parang walang naririnig. Maski sila Tristan at Tracy kinakausap siya pero hindi niya pinapansin."


Siniko ko si Nate dahil sa sinabi niya na naging dahilan para matawa sila.

Blangko talaga ako kanina. Wala akong naririnig. Wala akong alam sa nangyayari sa paligid. Basta ang nasa utak ko lang ay sana ayos si tatay.


Hinatid kami ni Nate pauwi. Sobrang pagod na siguro niya kasi pabalik balik siya sa amin. Kaya lang dahil na rin sa lagay ni tatay, mas okay nga na ihatid na lang niya kami. Hindi na ako tumanggi.

Pero bago ko nga pala makalimutan... "Nay, paano ang hospital bills?"


"Nagamit namin ang huling sweldo ng tatay mo para doon."

"Huling sweldo po?"

"Oo, anak. Nagkatanggalan sa trabaho eh. Sa kasamaang palad kasama ako sa nawalan ng trabaho. Pasensya na, anak, ha? Sa halip na magamit natin ang huling sweldo ko sa mga bayarin sa bahay ginamit pa namin siya sa paggamot ko."

"Mas mahalaga naman po ang kalagayan niyo, 'tay. Nakatanggap naman na po ako ng sweldo at may napanaluhan naman po akong contest kaya ayos lang tayo ngayong buwan."

"Hindi naman pwedeng iasa lahat sa 'yo. Nag-aaral ka pa, Tamara. Huwag kang mag-alala, bukas maghahanap na ako ng trabaho."

"Tatanggap na rin ulit ako ng labada," sabi naman ni nanay.

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon