Hailey's Point of View
Kanina pa ako nakatitig sa cabinet ko pero wala pa rin ako mapiling damit. Lagi na lang ganito. Kapag nagteterno ako ng pang-itaas at pangbabang damit parang palaging palpak. Parang palaging mali. Parang ang baduy baduy tingnan. Kailan ba ako matututo?
Napailing ako at saka isinara ang cabinet. This is hopeless. I am hopeless.
Bumaba ako para uminom at maghanap ng makakain. Medyo naiistress na ako sa paghahanap ng maisusuot. Mas ayos pang mag-review para sa mga graded recitation at exams kaysa gawin 'to.
Nang makababa ako ay inabutan ko si mommy na busy sa pagdedesign ng mga damit para sa boutique niya. Buti pa siya ang ganda ng sense of fashion. Samantalang ako...
Napabuntong hininga na lang ako at lumapit sa ref.
"Ano? Hihingi ka na ba ng tulong sa akin?" tanong ni mommy kaya napatingin ako sa kaniya. Hininto niya ang ginagawa niya at pinanliitan ako ng mata. "Sabihin mo na. Dali na."
Ha? Ayos pa ba ang mommy ko? Hindi kaya nakainom siya? O kaya may nakikita pa siyang ibang tao na nandito bukod sa akin?
"Okay ka lang, my?"
"Hay nako. Ang slow. Ano na? Magpapatulong ka na ba sa akin maghanap ng masusuot mo? May date kayo ni Warren 'di ba?"
"Paano mo po nalaman na wala pa akong napiling damit? Ano pong malay mo, baka may napili na akong damit. Ako pa ba, my?"
Lumiliit na naman ang mata niya at tinaasan pa ako ng kilay. Wala na akong magawa kung 'di ang aminin na wala pa talaga akong damit na napipili.
"Kilala kita kaya alam kong wala pa. Tara," sabi pa niya at saka ako hinila pabalik ng kwarto ko. "Alam mo, anak, naaamaze pa rin ako na gusto mo pa rin magpaganda sa tuwing may date kayo ni Warren. Noong ganyan na kaming katagal ng daddy mo wala na akong pakialam kahit na ano man ang itsyura ko kapag kasama ko siya."
"Gusto ko po kasing maging maganda para sa kaniya. Hindi 'yung naglalakad kami tapos titingnan kami ng mga tao at iisipin nila na 'Ang cute naman ni guy kaya lang bakit ang chaka ng babaeng kasama niya? Hindi naman niya siguro girlfriend 'yon'."
Napahinto sa pag-raid ng cabinet ko si mommy at saka ako tiningnan at inilingan, "Wala naman mag-iisip ng ganoon, Hailey. Kahit nga hindi ka na magpaganda, hindi ka maligo ng ilang araw at kahit na i-terno mo pa ang neon pink t-shirt at green pants, maganda ka pa rin. Kahit magpantulog ka lang, maganda ka pa rin."
Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Malaki talaga ang naitutulong ni mommy para pagaanin ang loob ko at tanggalin ang pagiging nega ko.
Pinat niya ang ulo ko at naghanap na ulit ng damit. Habang naghahanap siya ay nahiga naman ako sa kama ko at tinitigan ang dingding.
"Mommy..."
"Yes, Hailey?"
"Wala naman akong green na pants at lalo na ang neon pink na t-shirt."
"Gusto mo bang bili kita?"
"Nevermind," sagot ko na ikinatawa niya.
***
Nang makapagbihis na ako ay saktong tumunog ang doorbell. Si Warren na malamang 'to. Nagmamadali akong bumaba at binuksan ang pinto. At hindi nga ako nagkamali. Si Warren na nga. Kaya lang...
BINABASA MO ANG
The Relationship Code
Teen Fiction(Completed) Book 2 of The Trouble with the Rule: Every relationship has its ups. It's all about flowers, butterflies and rainbows. Every relationship has its downs. The flowers will wither. The butterflies will die. The rainbows will disappear.