Nate's Point of View
Kanina ko pa hawak ang phone ko pero hindi ko alam kung itetext ko ba si Tammy o hindi. Baka mainit pa rin kasi ang ulo niya. Halata naman sa reaksyon niya na inis na inis siya sa akin kahapon.
Kaya lang kahit naman inis siya hindi pa rin dapat ako tumigil mag-text sa kaniya. Baka isipin no'n inis din ako kasi inis siya. Baka mas magalit pa 'yon.
Goodnight. And hit send!
"Ano ba 'yan?"
Halos mapabitaw ako sa phone ko nang marinig ang boses ni Hails. Kasama niya si Warren at hindi ko namalayan na nasa gilid ko lang pala sila. Pareparehas kaming nakaupo sa labas ng bahay namin.
"Anong klaseng text 'yan? Wala man lang smiley. At saka goodnight? Agad? 7pm pa lang goodnight na? Hindi ba dapat good evening ang tinext mo?" sunod sunod na tanong at pangbabara sa akin ni Hails.
Bago pa man ako makasagot ay umupo na si Pipes sa tabi ko at sumagot, "War kasi sila." 'Yung mga tao ngayon mga bigla bigla na lang sumusulpot.
"Paano mo nalaman? Kwinento niya ba sa 'yo? Nakausap mo ba siya?" tanong ko sa kaniya.
Magbuhat kasi nang magalit sa akin kahapon si Tammy hindi ko na siya nakakausap. Kapag nagtetext ako hindi naman siya nagrereply.
"Nope. You're acting strange kasi so I figure out na war kayo. I guess I'm right. So, what happened?"
Ayoko na sanang sabihin sa kanila ang nangyari kaya lang todo pangungulit sila kaya kwinento ko na lang din. Dyahe naman kasi ang pagiging pakialamero ko.
"Wala namang masama do'n," depensa sa akin ni Warren. "Tumulong ka lang naman. Anong masama?"
"Masama kasi sumobra," kontra naman ni Hails. "Kilala natin si Tamara bilang strong woman. Strong inside and out. As much as possible ayaw niyang humihingi ng tulong kung kaya naman niya."
"Madalas kasing sinosolo ni Tamara. Hindi naman masamang manghingi ng tulong. Hindi naman niya ikakasama ang manghingi ng tulong. Beside, men want to feel needed."
"Oo nga. Kaya lang sumobra si Nate. At lahat ng sobra hindi maganda."
Sasagot pa sana si Warren pero lumapit na si Pipes sa kanilang dalawa at tinakpan ang bibig nila.
"Shut up, you two. As if naman may mangyayari sa pagtatalo niyo. It's all in the past and the present is their problem. Instead of bickering and pointing out who's right or wrong, can't we just help the two to get along again?"
Tinanggal na niya ang pagtatakip ng bibig sa dalawa at bumalik sa tabi ko. Umayos na rin ang dalawa at parehas pang tinapik ang likuran ng isa't isa para siguro senyales na huwag na sila magtalo. Magboyfriend-girlfriend ba talaga ang dalawang 'to?
"Ganito na lang, p're, kung tingin mo mali ka, eh 'di magsorry ka. Intindihin mo na lang si Tamara. Babae kasi 'yan. Alam mo naman minsan ang mga babae... hindi mo maintindihan. At wala ka nang magagawa kung hindi ang intindihin na lang sila kahit hindi mo alam kung paano mo gagawin 'yon," payo ni Warren.
BINABASA MO ANG
The Relationship Code
Teen Fiction(Completed) Book 2 of The Trouble with the Rule: Every relationship has its ups. It's all about flowers, butterflies and rainbows. Every relationship has its downs. The flowers will wither. The butterflies will die. The rainbows will disappear.