Hailey's Point of View
Tanghali na nang magising ako. Kumikirot pa ang utak ko. Parang nagwawala ang loob no'n. Pesteng hangover 'to. Sabi ko pa naman sa sarili ko na lilimitahan ko lang ang iniinom ko. Hay nako. Wala akong isang salita.
"Mabuti naman at gising ka na pala."
Napatingin ako kay mommy na pumapasok sa kwarto ko na may dalang tubig at gamot. Inabot niya sa akin 'yon at pinainom, "Pampawala ng hangover."
"Anong oras na po ako nakauwi?" tanong ko at ininom ang gamot.
"Mga bandang ala una. Hindi ka nagpaalam sa amin na gagabihin ka. Buti na lang at nakausap ng daddy mo si Tito Ry mo."
"Paano po ako nakauwi?"
Natawa si mommy sa tanong ko. Hindi naman joke 'yon kaya bakit siya tumatawa?
"Wala kang maalala, ano? Malamang. Natulog ka kasi sa No Name."
"Po?!"
"Nakarami ka raw ng ininom. Binabantayan kayo ng Tito Ry niyo. Sila Warren at Nate ang naghatid sa inyo. Doon agad sila dumiretsyo sa No Name pagdating na pagdating nila."
Nagpunta pala doon ang dalawa pero wala akong maalala.
"May problema ka ba at naglasing ka ng gano'n?"
"Wala po."
Tinitigan pa ako ni mommy at nang ngitian ko siya bilang paninigurado na wala talaga akong problema ay ginulo niya ang buhok ko at lumabas na ng kwarto.
Hindi naman ako nagsinungaling sa kaniya. Totoo naman kasi na wala akong problema. Uminom lang ako kasi gusto ko lang. Hindi rin naman 'to ang unang beses na nalasing ako. Isa pa, kung nasa ibang lugar ako, hindi naman ako iniinom ng ginawa ko kagabi. Panatag lang ang loob ko kasi nga nasa No Name ako.
Kahit medyo masakit pa ang ulo ko ay pinilit kong bumangon. Tanghaling tapat na nakahilata pa rin ako.
Naghilamos ako at bumaba.
"May delivery para sa 'yo," turo ni daddy sa mga pagkain sa lamesa.
"Ano po 'to?"
"Pagkain 'yan, anak," tapik sa akin ni mommy pagkatapos ay nag-apir sila ni daddy. Hay nako. Magulang ko ba talaga ang mga 'to?
Hindi na ako nagtanong kasi mukhang sinasapian na naman ang mga magulang ko. Parang wala na naman silang balak sumagot ng maayos sa mga itatanong ko.
Kanino naman kaya galing ang mga 'to? May mga tinulungan ba ako noong nakaraang araw kaya may mga nagpadala sa akin ng pagkain bilang pagtanaw ng utang na loob? O baka naman may occasion pala ngayon na hindi ko lang maalala kung ano.
Umupo ako at kakainin na sana ang isang chocolate nang mapansin ko ang papel na nakaipit sa pagitan ng mga pagkain. Kinuha ko 'yon at binasa.
Alam kong hindi makakabawas 'tong mga 'to sa hangover mo pero para mukhang cool boyfriend ako, bumili pa rin ako ng mga pagkain para sa 'yo. – Warren
BINABASA MO ANG
The Relationship Code
Teen Fiction(Completed) Book 2 of The Trouble with the Rule: Every relationship has its ups. It's all about flowers, butterflies and rainbows. Every relationship has its downs. The flowers will wither. The butterflies will die. The rainbows will disappear.