Hailey's Point of View
Life after graduation. Life after school. Real life.
All my life masyado akong focus sa pag-aaral. Halos doon na lang umikot ang mundo ko lalo na noong highschool ako. Ngayong matatapos na ako, ano na nga ba ang gagawin ko? Ano na bang balak ko sa buhay ko? Hindi naman pwedeng mag-aral na lang ako habang buhay.
Sila may mga plano na.
Alam na nila ang mga gagawin nila. Alam na nila ang mga gusto nila sa buhay. Samantalang ako, ito, mataas nga ang grades pero ano na nga ba ang gagawin ko sa mga grades na 'to? Oo, sobrang laking tulong ng mga grades at accomplishments kapag maghahanap na ako ng trabaho. Pwede pa nga na sila na mismo ang maghabol sa akin kung pagbabasehan ang school records ko.
Kaya lang... ano ba ang gusto kong trabaho?
Pakiramdam ko sa isang iglap lang 'yung confidence ko sa sarili ko bigla na lang nawala, bigla na lang bumagsak.
Pinipilit kong huwag isipin 'yung future ko kaya nang mag-aya sila Piper sa No Name dahil weekend naman ay sumama ako. Baka sakaling malipat ang atensyon ko sa ibang bagay. Kaya lang ang hirap pala. Ang ingay na nga dito, napapalibutan na nga ako ng mga kaibigan ko kaya lang iniisip ko pa rin kung ano nga ba talaga ang gusto ko.
Kahit months away pa bago kami grumaduate ay nagsisimula ng mag-celebrate ang mga 'to. Sinama na rin namin si Tamara na tinotoo nga ang pagsuyo kay Nate pati na rin si Russel. Si Warren at Hunter, parehas may klase ng weekend. Nagbabawi kasi si Hunter sa isang sem na sinayang niya kaya ayaw ng umabsent. At nagpapasalamat naman ako na wala si Warren. Hindi ko kasi alam ang mukhang ihaharap ko sa kaniya ngayong narealize ko na sa aming dalawa, siya ang may plano at ako ang wala.
"So, ano na ang plano ng ating mga soon to be graduates?" tanong ni Russel at umakbay kay Piper.
Nang tanungin ako ni Pipes tungkol sa plano ko, akala ko nakaligtas na ako sa pag-iwas ng topic. Akala ko rin kahit papaano ay makakalimutan ko ang tungkol sa bagay na 'to kaya lang hindi pala. Parang kahit saan ako pumunta pinapaalala na lang sa akin ang tungkol sa plano pagkatapos ng graduation.
"Pahinga muna ng ilang buwan," sagot ni Nate. Katulad nga 'to ng sinabi ni Piper. "Magtratravel muna siguro ako. Gusto kong kumuha ng litrato ng kung anu-ano o ng mga lugar kung saan saan."
"Aalis ka?" Napangisi ako sa tanong ni Tamara. Hindi pa rin talaga ako sanay na siya ang naghahabol dito kay Nate. Normal kasi kung si Nate ang humahabol sa kaniya.
Tumingin sandali si Nate sa kaniya at napahawak sa batok. Malamang nahihiya at hindi pa rin sanay sa attention at affection na binibigay ni Tamara.
"O...oo."
"Saan ka pupunta?"
Sa halip na sagutin ang tanong ni Tamara ay pinagpatuloy na lang ni Nate ang kwento sa plano niya. "Kapag nakapagpahinga na ako, syempre magtratrabaho na ako. Kaya business management ang kinuha ko para kahit papaano may alam na ako sa pagtakbo ng negosyo pero syempre walang wala pa 'yon. Marami pa akong dapat malaman at experience lang ang makakapagturo sa akin no'n."
Looking back, hindi ko iisipin na sasabihin ni Nate 'to. Pero ibang iba na talaga siya. Mature na siya ngayon.
BINABASA MO ANG
The Relationship Code
أدب المراهقين(Completed) Book 2 of The Trouble with the Rule: Every relationship has its ups. It's all about flowers, butterflies and rainbows. Every relationship has its downs. The flowers will wither. The butterflies will die. The rainbows will disappear.