Chapter 6

470 40 5
                                    








BUKAS na ang flight nila pauwi ng Pilipinas and she's still working the night before her flight. Alam niyang nagagalit na ang mga magulang at lola niya sa kanya ngunit hindi makaalma ang mga ito sa kanya dahil nangako siyang pagkauwi sa pilipinas ay no work, just vacation na lang ang gagawin niya.










"Tired from work?" napalingon siya sa kanyang likuran mula sa kanyang paghihimas ng balikat dala ng pagod mula sa pagtatrabaho. Her work is not that easy.










Magbuhat ng mga pasyenteng mas mabigat pa sa iyo at ang magpaligo sa mga ito ay hindi isang madaling trabaho na para ka lang nagbubuhat ng isang timbang tubig na kalahati ang laman. Mahirap ang trabaho nya oo, but she's enjoying her job. Kaya naman kahit anong hirap niya ay nawawala kapag nakikita niya na napapasaya at nagiging maayos ang kanyang mga matatandang pasyente. Lalo na kapag nasa ospital siya at may naiisalba silang buhay ng pasyente pakiramdam niya ay napakalaki ng nagawa noon.







Xandrea loves to take care of the old people and people who has disability and deficiency. Para sa kanya may kapansanan o wala ay may karapatang mabuhay sa mundo at arugaing mabuti na parang kapamilya. Once na siyang na-awardan bilang employee of the month and employee of the year.










She loves to give smile to everyone especially sa mga alaga niya na marinig nga lamang daw ang kanyang tinig ay parang lumalakas na daw ang mga ito, na lalo namang nakakapagpataba ng kanyang puso at nakakapagbigay sa kanya ng lakas upang labanan ang hirap ng buhay. Makita lamang niya ang ngiti sa labi ng mga foreign patient niya ay para na ding hinahalukay ng kasiyahan ang kanyang kaibuturan.










"I told you to take a rest na lang eh," dagdag pa ng kanyang ina na nakalapit na noon sa kanya at unti-unti ng nakapagbigay ng ginhawa sa kanyang balikat.










Ipinikit niya ang kanyang mata dahil sa ginahawang nararamdaman. She missed it. To be touch by her mom.










"Thanks mom!" she said half smile.










"Your always welcome bunso. Are you ready for our flight tomorrow?"










She shrug her shoulder. "I think so mom, I think so!"










"I know what you feel anak, always remember, mom is always here for you and also your kuya's and dad," that's one of the reason why she loves her family. They always support her in whatever she wanted.










"Thanks mom! I know that," she hug her and buried her face on her neck.










"Anak nakikiliti ako" angal ng ina niya. Iyon ang malimit niyang gawin sa balikat nito kahit noong bata pa siya. Ang halikan ito sa leeg ng paulit-ulit. "Anak... Stop..." awat pa nito.










"Thank you mom! I love you, you're the best mom ever!" seryosong sabi niya sa ina.










"I know anak," mayabang na sabi nito at kumindat pa ito sa kanya. "So anong plano mo? What about your medical course?" tanong nito maya-maya. Magkatabi na silang nakaupo sa mahabang sofa sa bahay nila.










"I'm still pursuing it mom, school, work and another work pa and business,"










"Can you still make it?" nag-aalalang tanong nito. Bukod kasi sa pagiging nurse niya ay ipinagpatuloy niya ang kursong medisina. She still wanted to be a doctor at malapit na niyang matapos iyon. Napagsabay-sabay niya ang trabaho at pag-aaral dahil magkakakonekta ang bawat isa kaya madali na sa kanya iyon.










Blindfolds Of Love (We're just bestfriend book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon