A/N: Same day po ito na dinala sa hospital si manang fely para di kayo malito.
-------
"Zay help me please come here, I need you now. I need you here please," hannah plead on the phone. Iyak lang ito ng iyak sa kabilang linya.
"Why? What's wrong? I mean what happened? Did something bad happened to our baby? Where are you right now?" Tila nagulantang at magkakasunod na tanong ni Zayrex sa kabilang linya.
Bigla siyang binalutan ng matinding kaba dahil sa tawag ni Hannah dito. Nakahiga pa siya sa kama at nagising lamang siya dahil sa tawag na iyon ni Hannah. Nakatulog siya ng makauwi siya sa bahay nila nang makagaling siya kina Xandrea.
"Nasa hospital ako. Please puntahan mo ako ngayon. Please!" Pag mamakaawa pa nito. Puro hagulhol na lang ang narinig niya mula dito.
Lalong sumikdo ang kaba sa kanyang dibdib. Dali-dali siyang bumangon at basta na lamang naghilamos at nagsuot ng damit. Matinding kaba ang naramdaman niya para sa bata at kay Hannah na din dahil may pinagsamahan din naman sila kahit paano.
Basta na lamang siya lumabas ng bahay nila pagkahagilap niya ng susi ng kanyang Porsche na kabibili lang niya noong isang linggo. Hindi na nga niya pinansin pa ang nadaanang kasambahay na nagtanong sa kanya kung kakain daw ba siya.
Pagkastart niya ng sasakyan ay pinaharurot niya ito kaagad papunta sa ospital na sinabi ni Hannah kung saan nandoon ito at inaantay siya. Taimtim na nanalangin siya habang nagmamaneho. Hindi siya pala dasal na tao ngunit sa kaalamang nasa kapahamakan ang kanyang magiging anak ay nakapagdasal siya ng hindi niya namamalayan. Buti na lamang at hindi traffic ng araw na iyon kaya mabilis niyang narating ang ospital.
Nagtungo agad siya sa lobby ng hospital at nagtanong sa isa sa mga staff na nandoon kung nasaan ang emergency room. Agad namang itinuro nito sa kanya at patakbo siyang nagtungo doon. Hinanap agad ng mga mata niya ang kinaroroonan ni Hannah. Hindi na niya nagawang magtanong sa mga taong nandoon dahil halatang busy sa dami ng pasyenteng nandoon ang mga nurse.
"Zay!" Narinig niyang may tumawag sa pangalan niya at nilingon niya ito. Nakita niya ang basang-basa sa pawis na si Hannah habang nakaupo sa isa sa mga upuan na nandoon. Mukha namang hindi ito ang pasyente at mukha din namang ayos lamang ito bukod sa basa ito ng pawis.
"What happened?" Dagli siyang lumapit dito at mahigpit siyang niyakap nito.
"I-I don't know. I'm just... driving and then.." putol-putol na na pagkukuwento nito habang humahagulhol. Hindi niya gaanong maintindihan ang nais nitong sabihin.
"Relax lang Hannah! I'm here," pagpapakalma niya dito habang hinahagod ang likod nito. "Tell me slowly," mahinahong pag-eenganyo niya dito.
"Kasi Zay... nagdadrive lang ako kanina and then I didn't know... hindi ko napansin na may patawid na bata tapos..." sa pahikbi-hikbing salita ay naiikwento na nito kahit papaano ang ilang detalye at nauunawaan na ni Zay ang nangyari.
"Okay! Relax. Hindi makakabuti sayo yan at sa baby natin," pagpapatahan niya dito. Ramdam niya ang kaba at takot nito dahil lalong humigpit ang yakap ni Hannah sa kanya. "I'll settle this, okay. Relax, I'll help you with this Hannah! Hush! Okay?"
"Eh paano yong batang nasagasaan ko?" Sumisinok-sinok pang tanong nito.
"I'll pay the doctors here to do their best that they can do. So calm down okay?" Pag-aalo pa niya. Tigil na ang pagluha nito ngunit sumisinok-sinok pa din ito hanggang sa mawalan na ito ng malay sa mga bisig niya.
BINABASA MO ANG
Blindfolds Of Love (We're just bestfriend book 2)
NonfiksiPara po hindi kayo malito basahin nyo po muna ang book 1 nito. Ang WE'RE JUST BESTFRIEND po para po mas maintindihan nyo. Thanks po.