SINALUBONG silang magkakapatid ng ingay na nagmumula sa mga speaker na nakasabit sa bawat sulok ng malaking gymnasium ng school nila. Punung-puno ng tao ngunit naagaw ang atensyon ng mga ito mula sa pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan at kakilala ng mga ito ng sabay-sabay pumasok ang mga Alvez siblings.Walang itulak kabigin ang mga tao sa gagandang lalaki ng apat na magkakapatid. Isama mo pa ang dalawang babae na kasama ng magkakapatid.
"Xands come here," malakas na tawag ni Teressa sa kanya. May pagkumpas pa ito ng mga kamay nito.
Lumingon siya sa kanyang mga kuya upang magpaalam sa mga ito. "Kuya pupunta lang ako kina Tere ha,"
"Sure bunso. Let me know if you want to go home na ha," si Xander.
"Tawagan mo din ako kapag may nambastos sayo," maangas na sabi ni Xian.
"Oo nga bunso idedemanda natin sila. Andyan naman si kuya Xyno para sampahan ng kaso ang mangbabastos sayo," pakwelang sabi naman ni Xonny.
Nagkatawanan naman sila at nakatikim ng tigi-tigisang batok si Xonny kay Xian at kay Xyno. Ngunit ng si Xander na ang babatok dito ay umalma na ito. "Subukan mong batukan ako baka tumalsik ka palabas ng gymnasium na ito," banta ni Xonny sa bunsong kapatid na lalaki.
"Ikaw naman kuya di ka na mabiro," kakamut-kamot sa ulong sabi ni Xander. Sa halip na sa batok ni Xonny ang punta ng kamay nito ay ikinamot na lamang nito sa sariling ulo ang kamay na lalong ikinatawa nila.
"Sige na bunso. Huwag mo ng intindihin ang mga may saltik mong kuya," tinanguan lamang niya ang kuya Xyno niya at ngumiti dito.
"Bestie!" Parang batang palatak ni Trina ng makalapit na siya sa mga ito. Nakipag-beso-beso at yakapan siya sa dalawang kaibigan na tila matagal na hindi nagkita kahit kanina lamang ay magkakasama sila.
"Sabi sayo eh. Ang sexy mo. Talbog lahat ng nandito," humahangang sabi ni Tere. Hindi niya maiwasang ilibot ang paningin sa buong paligid. Kinabahan naman siyang lalo ng makita ang mga ito na may paghangang tingin sa kanilang magkakaibigan.
Maganda din talaga sina Tere at Trina.
"Wag ka nga. Nahihiya na nga ako. Tapos ang taas pa ng heels ng suot kong sapatos," reklamo niya. Gusto na nga niyang kamutin ang kanyang binti dahil pakiramdam niya ay may kumukurot dito.
"Ikaw naman bestie. Minsan ka na nga lang rumampa panay pa ang reklamo mo," si Trina na noon ay nakasuot din ng kulay itim na long gown. Long gown is the theme costume for the women of their alumni and tux for the men.
"Oo nga. Isipin mo na lang na for the sake of love life yan. Para naman magkajowa ka na. At di ba sabi nga promote yourself daw. Oh di ba bongga so let's do this," pumapalatak na sabi naman ni Tere.
"Teka nga bago nyo problemahin ang love life ko nasan na ang mga love life nyo?" Taas kilay na tanong niya. Napaiwas naman ng tingin ang dalawang ito.
"Tara na nga," biglang pag-iiba ni Tere.
"Hep! Hep! Hep!" Pigil niya sa mga ito. Hinawakan pa niya ng mahigpit sa balikat upang hindi makaalis sa kanyang tabi. "Bakit nyo iniiwasan ang tanong ko?"
"Wala naman. Halika na nga sa table natin at magsisimula na. Bilisan mo," napansin niyang mukhang magsisimula na nga kaya nagpatianod na lamang siya sa mga ito. Hinayaan na lamang niya muna ang problema ng mga ito sa love life.
Sisiguraduhin niya sa isang araw ay magsasabi din ang mga ito sa kanya. Bago sila makarating sa kanilang table ay pinatigil muna sila upang kuhanan ng picture na siya namang malugod nilang pinaunlakan.
BINABASA MO ANG
Blindfolds Of Love (We're just bestfriend book 2)
Non-FictionPara po hindi kayo malito basahin nyo po muna ang book 1 nito. Ang WE'RE JUST BESTFRIEND po para po mas maintindihan nyo. Thanks po.