"XANDREA!" nagulat siya ng biglang may humarang sa kanyang harapan. Nanlaki lalo ang mga mata niya ng makilala niya kung sino ito. Hindi niya maapuhap ang kanyang sarili.She never expect to see her face at this moment. She can never forget the face of a person who once hurt her. The person behind her sadness and the person why she left the country.
Xandrea cleared her throat before she speaks.
"What do you want?" nakataas ang kilay na tanong ni Xandrea ng makabawi na siya sa pagkagulat. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa babaeng ito. Simula noon hanggang ngayon.
"I... I just wanna thank you!" tila nanghihina at nahihiyang sabi nito.
Shock was written all over her face. Malabo iyon sa pagkikitang nakatatak sa utak niya.
"For what?" pagtataka niya dahil hindi niya alam ang ipinagpapasalamat nito. That's the last word that she's expecting to hear from her. Wala kasi siyang natatandaan na ginawa niyang mabuti para dito.
"Because you save the kid that I hit while driving. I had cramps kasi kaya aksidente ko syang nabangga," mukhang takot na takot ito habang sinasabi ang mga salitang iyon. Hindi niya alam kung maaawa ba siya dito o maiinis.
Hindi mo mababakas ang pagiging mataray at pagkukunwari dito. Siya pa nga ang lumalabas na mataray at kontrabida.
Para sa kanya ay naging irresponsible driver ito. Even though she's in cramps dapat ay tumigil ito sa isang sulok hanggang sa mawala ang cramps nito. Naisip din niya na kung paano na lang kung hindi siya nakadating at nakita ang kalagayan ng bata? Eh di sana patay na ito ngayon nang dahil sa kairesponsablehan nito.
"It's nothing Hannah!" kibit balikat niya. Kahit naman magalit siya dito ay lalabas lang na bitter sya at ayaw naman niyang magmukhang kontrabida sa mga ito. "Iyon lang ba?" kunwari ay naiinip na tanong niya. Tumango ito ng marahan at nagsimula ng maglakad ng nakayuko.
Kumurap-kurap pa siya para pigilan ang nagbabantang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata nang lapitan ito ni Zay upang alalayan. Mukha ding hindi maganda ang lagay nito dahil mukhang nanghihina nga ito.
Noon naman biglang nagsilapitan ang mga kuya niya sa kanila na busy sa pakikipagkulitan sa isa't-isa at itinanong kung anong pinag-uusapan nila. Tila binigyan lang sila ng mga ito ng chance na makapag-usap kanina. Nagkibit-balikat lang siyang muli.
"Let's go na mga kuya. I'm tired and I want to rest for awhile," sabi na lang ni Xandrea at nauna nang maglakad sa mga ito dahil hindi na kaya ng mga mata niyang makita kung paano maglambingan at alalayan ni Zay si Hannah na para sa kanya ay nilandi lamang nito ang bestfriend niya.
Malapit na siya sa exit ng hospital ng may tumawag na naman sa kanyang pangalan. Nilingon niya ito upang alamin kung sino ang dakilang tumawag sa kanya. Napangiti siya ng makilala ito.
"Yes George?" tanong niya ng makalapit na ito sa kanya ng tuluyan.
"Are you leaving na?" humihingal na tanong nito na tila napagod sa layo ng tinakbo, hinawakan pa nito ang kanyang balikat upang doon kumuha ng suporta.
BINABASA MO ANG
Blindfolds Of Love (We're just bestfriend book 2)
No FicciónPara po hindi kayo malito basahin nyo po muna ang book 1 nito. Ang WE'RE JUST BESTFRIEND po para po mas maintindihan nyo. Thanks po.