A/N: sorry po sa mga offensive words na mababasa nyo. Kailangan ko lang pong ilagay yon. And sorry po sa wrong grammar at sa typo's. Thanks po sa mga magbabasa at nagbabasa nito. support my book 1 din po thanks.----
"KUMUSTA dude!" Tinapik ni Raniel sa balikat ang kaibigang si Zay. Tinawagan ng huli ang kaibigan upang damayan siya.
Sa loob ng limang taon ito lamang ang palaging takbuhan ni Zayrex. Sa mga panahong kailangan niya ng karamay o kaya naman ay kung may problema siya. Wala na kasi ang taong palagi nyang takbuhan at sa tuwing makikita niya ito parang isang malaking solusyon sa problema niya ang dala ng presensya ng dating kaibigan.
"Gwapo pa din," Zayrex said jokingly.
"Gago pa din ang sabihin mo," pang-aasar naman ni Ran.
"Ulol ka!" Natatawang sabi niya. Umiling-iling lamang ito at naglakad na ng dire-direcho papasok sa loob.
"Anong problema?" Maya-maya ay seryosong tanong nito. Magkatabi na sila noon sa mini bar sa kanilang bahay at pareho ng may hawak ng brandy.
Wala ang mga magulang niya at kapatid dahil nasa bakasyon ang mga ito. Ang nakatatandang kapatid naman ay nasa sarili ng bahay nito. Minsan lamang din siya umuwi sa bahay nila dahil may sarili na siyang condo unit.
"Gago ka wala akong problema," tanggi niya. He really knew him. Kapag may problema kasi siya ay ito ang takbuhan niya.
Naalala pa niya five years ago. Ganitong ganito din ang set up nila. He called Ran to talk about Xandrea but now it's different.
Flashback
"Ang gago ko dude," panimula ni Zayrex. "Sana sinabi ko na lang sa kanya ang totoo. Sana sinabi ko na lang sa kanya na mahal ko sya sa halip na puppy love lang yon. Di sana masaya kami ngayon. Sana hindi sya umalis. Sana nagpaalam man lang sya sakin. Mahal na mahal ko sya eh. T*ng!n* lang." Ran tap Zay's shoulder. Patuloy pa din itong umiinom.
"I understand dude. Ginawa mo lang ang sa palagay mo ay tama. Mga bata pa kayo at parehong may pangarap sa buhay. Isipin mo na lang kung hindi mo sya hinayaan baka nga nandito pa din sya kasama mo at ano sa huli magsisisi sya kasi sinayang nya yong magandang opportunity para lang makasama ang taong mahal nya," nakakaunawang sabi nito.
"Pero dude t*ng!n* nga lang kasi. Ang sakit eh. Hindi ko man lang sya naihatid o nakausap man lang bago sya umalis," lasing nang sabi nito dahil halos maubos na nila ang bote ng Jack Daniels na kinupit pa ni Zayrex sa mini bar ng daddy nya sa bahay nila.
"Dude if you both are meant to be, you are meant to be. Okay? Just believe in the power of love. Who would have thought, malay mo kayo pa din talaga sa huli? Di ba? Ganoon lang. Magsumikap ka na lang para sabay kayong mag tagumpay. Gawin mong inspirasyon ang pag-alis nya," payo pa nito.
Dahil sa sinabi nito ay nagbago ang isip niya bigla ay parang naisip niya na tama nga ang kaibigan. He needs to prove to her and to himself that he can be successful at sa pagbabalik nito ay isa na syang engineer at pwede na niyang ipaglaban ang pagmamahal nya para dito.
BINABASA MO ANG
Blindfolds Of Love (We're just bestfriend book 2)
No FicciónPara po hindi kayo malito basahin nyo po muna ang book 1 nito. Ang WE'RE JUST BESTFRIEND po para po mas maintindihan nyo. Thanks po.