"BUNSO nandito ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap," sabay silang napalingon ni Georgina sa kapatid niyang tumawag sa kanya."Kumusta si Manang Fely at si Mommy?" Tanong agad niya ng makalapit na ito sa kanila.
"Nasa suite room na si manang, si mommy naman ay okay na," tugon nito at umupo din sa tabi niya habang sa kabilang tabi ay si Georgina.
"Okay! Anong room number nya?" tanong pa niya.
"Room 306," tumangu-tango siya.
"Ow, by the way kuya I want you to meet my friend Georgina, Georgina kuya Xian ko nga pala!" pagpapakilala niya sa dalawa. Nagkatinginan naman ang dalawa habang siya ay nasa gitna. Halatang napipilitang ngumiti ang dalawa.
"Gwapo yang kuya kong yan at walang girlfriend pwedeng-pwede sayo kung single ka," pang-aasar niya sa dalawa at kumindat pa sa mga ito bago tumayo.
"Baliw ka talaga," iiling-iling na sabi ni Georgina.
"Ako ang pinakamagandang baliw," sabay kindat dito.
"Tse!" ang kaibigan pa din niya. Hindi man lang nagsasalita ang kanyang kuya hanggang sa tuluyan na siyang makaalis doon.
Tinungo niya ang suite room na nakatalaga kay manang Fely. Nadatnan niya doong nagbabantay ang mommy at daddy niya habang nakaupo sa malaking sofa na nandoon at kumakain ng prutas. Wala pa ding malay si manang Fely.
"Anak, nandyan ka na pala. Saan ka galing?" nag-aalalang tanong ng mommy niya.
"Nagpahangin lang po ako sa labas, masyado na akong exhausted sa mga nangyari eh. Kumusta na po si manang?" Tugon niya na nilangkapan niya ng pagak na ngiti.
"Ayos na naman sya, kaso sabi ng doctor mukhang kailangan niyang maoperahan. Lumabas kasi sa CT scan niya na may iba pang kumplikasyon kaya malimit ang paninikip ng dibdib niya," paliwanag ng kanyang ina.
"Ganoon nga po ang hinala ko," she said at nilapitan si manang Fely at hinimas ang buhok nito. "Mom is it possible if we send her to other hospital? Wala kasi akong tiwala sa mga doctor dito,"
"What do you mean anak? Isa ang ospital na ito sa pinakamagagaling ang doctor sa buong Pilipinas lalo na ang mga espesyalista nila," manghang tanong ng kanyang ina. Tila hindi ito makapaniwala sa kanyang tinuran.
"Pag-aari pati ito ng ninong Rolan mo," dugtong naman ng daddy niya.
"What? So manugang ni Ninong Rolan yong doctor na yon?"
"Who?" her mom asks.
"I don't know his name, but my God mom. Muntik ng mamatay yong pasyente dahil kung nasaang lupalop pa sya ng ospital. Kung hindi ko pa pinakealaman yong pasyente nila baka namatay na iyon," bumalik ang galit na nararamdaman niya kanina sa doctor na para sa kanya ay napaka unprofessional.
BINABASA MO ANG
Blindfolds Of Love (We're just bestfriend book 2)
No FicciónPara po hindi kayo malito basahin nyo po muna ang book 1 nito. Ang WE'RE JUST BESTFRIEND po para po mas maintindihan nyo. Thanks po.