Tama nga ang findings niya. Pneumothorax nga iyon at kung hindi niya naagapan ay baka nga pinaglalamayan na nila ang naturang kasambahay."Good thing you did the first aid. Are you a doctor?" Tanong sa kanya ng doctor na tumitingin sa kasambahay nila. Wala pa doon ang kanyang mga kapatid at magulang dahil inihanda pa ng mga ito ang mga gamit ni Manang Fely at pinapakalma din ang kanilang ina na mukhang na-trauma sa nakitang pagbagsak ng kanilang kasambahay.
"I'm not a doctor yet," she shyly said. Ayaw nya talaga na nabibigyan ng compliment dahil lalo iyong naghahatid ng hiya sa kanya.
"So, you're still a student?" Tanong pa ng mukhang bata pang doctor. Mukhang interesado pa ito sa kanya kaya inilihis na lamang niya ang usapan.
"What will happen to her now?" Pag-iiba nya.
Mukhang nahiya naman ang doctor kaya bumalik ito sa pagiging pormal. Gwapo sana ito kaso may kadaldalan nga lang. Mukha ding nasa thirty pa lamang ito base sa hitsura nito.
"We need to monitor her and if she's okay or if she needs operation, then after a few days at kung magiging maayos na ang kalagayan, pwede na syang lumabas kapag stable na ang lahat sa kanya," sabi nito.
"Okay, thank you!" Tanging nasabi na lamang niya kahit ang totoo ay naiilang siya sa mga titig nito sa kanya. Buti na lamang at may dumating ng ibang pasyente na kailangan nitong tingnan at nagpaalam na ito sa kanya.
Nilapitan niya ang may katandaan ng kasambahay na noon ay nakahiga pa rin sa hospital bed nito. Hindi pa ito naiilipat sa room nito dahil inaantay pa ang ibang resulta ng blood exam nito at x-ray. Naaawa siya dito dahil wala na itong kasama sa buhay maaga itong nabalo at wala naman itong anak at ibang kapamilya, tanging pamilya lamang nila ang itinuturing nitong kamag-anak.
Pinagmasdan na lamang niya ang matanda dahil hindi niya naalalang wala nga pala siyang nadala na kahit ano aside sa kanyang stethoscope na hanggang ngayon ay nakasabit pa din sa kanyang leeg. She closed her eyes after awhile. Xandrea feels exhausted and tired. Nagbalik tanaw sa kanya ang nangyari ng araw na iyon.
Magsisimula na siyang maidlip ng biglang magkagulo sa loob ng emergency room. Hindi sana niya papansinin ngunit ay dala ng matinding curiosity ay sumilip siya sa kurtina na naghaharang sa kama ni manang Fely at sa kama ng mga nagkakagulo.
"Hello doc kailangan po kayo sa OR may bata pong na-accidente, hit and run po. Status po? Unconscious po," rinig niyang sabi ng nurse sa kabilang kurtina.
"Nakahanda na po doc, kayo na lang po ang hinihintay. Mababa po ang BP nya, kinukunan na po sya ng dugo at sunod na po ang x-ray... Sige po doc," narinig pa niyang nagpaalam ito.
"Ano ng sabi ni Doc?" tanong ng isa pang nurse na nandoon habang pinipisil ang ambubag nito.
"Susunod na daw sya," tila kinakabahang sabi nito.
"Jelai naman dapat sinabi mo sa kanyang emergency ito. Baka mamatay ang bata kawawa naman. Ang arte talaga ng doctor na yan. Kung hindi nga lang sya manugang ng may-ari eh naku," rinig nyang sabi ng isang nurse.
BINABASA MO ANG
Blindfolds Of Love (We're just bestfriend book 2)
Non-FictionPara po hindi kayo malito basahin nyo po muna ang book 1 nito. Ang WE'RE JUST BESTFRIEND po para po mas maintindihan nyo. Thanks po.