"BESTIE, anong desisyon mo? Are you going or not?" Naiinip na tanong ni Teressa sa kanya. Magkakaharap silang apat na magkakaibigan sa malawak na garden ng bahay nila na kung saan doon din sila nag-uusap noong isang araw ng kaibigan niyang si Georgina.Noong araw na dinala sa Ospital si manang Fely ay pinakiusapan siya ni Georgina na siyang idinayo nito sa kanilang bahay bukod sa pakikipagkumustahan nito sa kanya.
Pinipilit siya ni Georgina na gawin ang internship niya sa hospital na kung saan naka-confine si manang Fely at kung saan din nagtatrabaho ito. Hindi naman siya nakapag-desisyon kaagad dahil sa madami pa siyang iniisip. Tulad na lang katatapos pa lamang na operahan si manang Fely, tapos ang wedding ng kapatid niya at bestie niya. At ngayon nga ay ang kanilang alumni homecoming na gaganapin sa susunod na araw.
Kinakabahan siya at natatakot siyang makita ang mga dating kaklase at kaibigan at lalong-lalo na si Zay na simula noong huli nilang pagkikita sa ospital ay hindi na niya nakita pa.
"Ano na?" Si Trina naman noon ang nagtatanong na tila naiinip na sa sagot niya.
"Mga bestie hayaan na lang natin si Xands muna na mag-isip. Marami pa syang pinoproblema sa ngayon. Isa na dyan ang kasambahay nila tapos yong wedding pa namin ng kuya niya tinutulungan nya din kami kasi nga hindi ako gaanong makagalaw dahil nahihirapan na ako," malumanay na sabi naman ni Tina na siya lamang tila nakakaunawa sa kanyang kalagayan.
"Sorry girls, I have random thoughts right now. Eh kasi naman natatakot talaga ako," pag-amin niya.
"Natatakot?" Trina.
"Saan?" Tere.
Magkapanabay na tanong ng dalawa. Minsan nakakapagtaka na nga kung sino ang kambal sa dalawa. Si Tina at Tere ba o si Tere at Trina dahil ang dalawa ang parehong may palaban at mainiping ugali sa dalawa.
"Sa tanong nilang lahat. I don't know how to answer them. I don't know what to tell them," naguguluhang sabi niya.
"Well madali lang yan bestie. Kapag tinanong ka nila ng anong nangyari sa inyo ng lalaking hukluban na iyon," pang-tukoy ni Trina kay Zayrex. "Parang showbiz lang yan. Ang sabihin mo we're just bestfriends. Tapos ang pulong,"
"Oo nga true ka dyan bestie," pag sang-ayon naman ni Tere sa sinabi ni Trina na nag-apir pa ang dalawa.
Naiiling na napangiti siya sa dalawa. Alam niyang pilit na pinapagaan lamang ng dalawang ito ang kanyang nararamdaman.
"Thank you mga bestie ha. Kung wala siguro kayo ngayon dito baka nabaliw na ako. Tapos yong mga loko-loko ko pang mga kuya ang palagi kong kasama sa bahay,"
"Oh sya tama na at baka magkaiyakan pa tayo dito. Ang mabuti pang gawin natin mag-shopping na lang tayo. Di ba nga ang girls weakness bukod sa jewelry ay shopping. So let's go shopping," masayang suhestyon ni Tere na may pagpalakpak pa.
"Paano naman akong buntis? Ang hirap kayang maglakad ng may dala-dalang pakwan," nakangusong sabi ni Tina.
"Eh di iwan mo muna sa magaling na gumawa ng pakwan na yan ang dala-dala mong pakwan ng makagora ka naman sistah," irap dito ni Tere at bumulong pa na ikinatawa naman nilang lahat dahil narinig naman nila ang bulong nito. "Kundangan naman kasi eh papabu-pabuntis agad,"
"Ang sama mo talaga sakin twinie. Kapag ako nanganak hindi kita pahahawakin sa baby ko makita mo," parang batang sabi nito.
"Eh di wag. Nanakawin ko na lang ang baby mo. Katulad noong sa mga napapanood ko sa TV ninakaw ang bata kasi ipinagdamot ng magulang," pang-aasar pa nito sa kakambal. Nakamata lamang silang dalawa ni Trina sa kambal habang tawa ng tawa. Kahit paano ay nabawasa ang bigat na kanyang dinadala dahil sa mga kaibigang nakapaligid sa kanya.
"Ang sama mo isusumbong kita kay Xander," pagbabanta pa ni Tina sa kakambal.
BINABASA MO ANG
Blindfolds Of Love (We're just bestfriend book 2)
Não FicçãoPara po hindi kayo malito basahin nyo po muna ang book 1 nito. Ang WE'RE JUST BESTFRIEND po para po mas maintindihan nyo. Thanks po.