"BUNSO!" Naalimpungatan si Xandrea sa tawag na iyon. Mumukat-mukat na bumangon siya at pinagbuksan ng pinto ang taong nang-istorbo sa tulog niya."Why the heck are you calling me kuya? I want to sleep more," kinusot-kusot pa niya ang kanyang mga mata habang matalim ang tingin na ibinigay ng kuya Xian niya sa kanya.
"Don't what the heck what the heck me Xandrea. Baka makutusan kita dyan ng bente eh," binuksan nito ang pinto ng kanyang silid at pumasok doon. Naupo ito sa naroong sofa at nagdekwatro ng upo. Nakamaang lamang siya dito habang sinusundan.
"Why do you have to wake me up at this time? Aren't you sleepy? Don't you have work?" Nakangusong tanong niya at tiningnan ang oras sa malaking orasan na nasa kanyang silid. Nalaman niyang mag-aalas dyes pa lamang ng umaga. Puyat siya dahil sa nakaraang gabing party.
"Sa camp bawal ang tanghali gumising. Kailangan maaga at alert ka all the time. At nasanay na siguro ang katawan ko. Ikaw tanghaling tapat na nakahiga ka pa din. Baka dumami ang bilbil mo katutulog. Iwan ka pa ng boyfriend mo," pang-aasar nito.
Nilapitan niya ito at niyakap sa bewang nito. "Ang hard mo sakin kuya. Mahal ako noon kaya hindi ako hihiwalayan noon kahit magka BMW pa ako,"
Napakunot noo ito at inilayo ang mukha niyang naka ung-ong sa kilikili nito. Ganoon siya maglambing sa mga kapatid. "Ano namang BMW?"
"Bilbil Mo Walo!" Natatawang sabi niya.
"Baliw ka talaga bunso. Dami mong nalalaman. Halika na nga tara na kumain," nauna na itong tumayo sa kanya at hinila siya nito patayo.
"Pasan unti oras kuya!" Paglalambing nito sa kapatid. "You used to piggy back ride me kaya,"
"Bunso malaki ka na. Hindi ka na bata. Pwede ka na ngang gumawa ng bata eh," sinamaan niya ito ng tingin.
"Minsan lang ako maglambing eh," nakangusong sabi niya. Naiiling na lumuhod naman ito upang itapat sa kanya ang likod nito at makasampa siya.
Pumapalakpak na sumampa siya sa likuran nito at parang batang yumakap sa likod nito. "Thank you kuya," masayang sabi niya at humalik pa sa pisngi nito.
"Pasalamat ka kapatid kita," iiling-iling at walang magawang sabi na lamang nito.
"Salamat kuya. Ano kaya ang masasabi ng mga kasama mo sa trabaho at ng girlfriend mo na ang kahinaan mo ay ang maganda at ang prinsesa ng buhay mo,"
"Subukan lang nilang kantiin ni dulo ng daliri ng bunso kong kapatid. Pupulbusin ko sila ng bala," seryosong sabi nito.
"Joke lang! Masyado kang seryoso kuya," natatawang sabi niya. Nakasalubong pa nila sa pagbaba nila ng hagdan ang isa sa mga kasambahay nila at natatawa itong binati sila.
"Aba ang laki naman ng baby mo," ani Merryline ng makababa na ang magkapatid ng hagdan. Malapit na sila sa dining table kung saan nandoon na ang ibang myembro ng kanilang pamilya at inaantay na lamang silang dalawa.
"Ang baby damulag ng pamilya!" Pang-aasar ni Xonny.
"Naglambing eh. Alam nyo naman ako marupok kaya ayun madaling sumusuko," ibinaba na ni Xian si Xandrea sa tapat ng upuan nito.
"Thank you mahal kong kuya," nakangising sabi niya at humalik pa sa pisngi nito.
"Any time bunso!" Malugod na sabi nito.
"Am I late for breakfast?" Sabay-sabay silang napalingon sa bungad ng kanilang dining room upang alamin kung sino ang dumating.
"Dude!" Masiglang bati ni Xian sa matalik na kaibigan at nilapitan ito upang makipag man hug. "G@go ka bakit bigla kang nawala noong isang araw? Hihingi pa ako sayo ng pasalubong eh,"
BINABASA MO ANG
Blindfolds Of Love (We're just bestfriend book 2)
Phi Hư CấuPara po hindi kayo malito basahin nyo po muna ang book 1 nito. Ang WE'RE JUST BESTFRIEND po para po mas maintindihan nyo. Thanks po.