"MATULOG ka na at mamahalin pa kita bukas," anang text sa kanya ni Zayrex. Napangiti siya na parang nasisiraan na ng bait. Para siyang baliw na nagpaikot-ikot sa kama niya hanggang sa pumulupot na sa katawan niya ang kanyang blanket."Oo na po matutulog na. Ikaw din matulog ka na magmamahalan pa tayo bukas," reply naman kaagad niya sa text nito ng mahimasmasan sa kakiligan. Tahimik na nagtitili siya sa isip niya.
Hnd naman nagtagal at nagreply din ito kaagad. "I love you Xamie ko. You don't know how much I love you," lalong nagrigidon ang puso niya sa pinaghalong tuwa at kilig.
"I love you too Zayrex ko," parang may mga paru-parong naglipana sa kanyang tiyan ng mga sandaling iyon.
May mga ngiti sa labing nakatulog siya dahil sa sobrang saya niya ng mga sandaling iyon. Hinayaan na lamang niyang nakapulupot ang kumot sa katawan niya.
Kinabukasan ay maaga siyang nagising, naligo kaagad siya at nagbihis ng damit. Isinuot niya ang unang matinong damit na nakita niya sa kanyang bagahe. Matino, dahil mukhang lahat ng damit na nandoon ay mga daring at mukhang sinadya ng kung sino man ang nag-empake noon.
Makatapos magbihis ay lumabas agad siya ng silid na inookupa niya at nagtungo sa kitchen upang magluto ng agahan kung may maaari mang lutuin sa lugar na iyon.
Nagulat pa siya ng pagpunta niya doon ay may mala adonis na lalaking nakasuot ng apron habang may hinahalong kung ano na nakasalang sa kalan na nandoon. Dahan-dahang nilapitan ni Xandrea ang kasintahan at iniyakap niya ang mga kamay sa bewang nito.
Gulat na napalingon ang binata sa kanya. Buti na lamang at hindi nito naisipang ihampas sa kanya ang syanse na hawak. Hinawakan lamang nito nang mahigpit ang kanyang kamay at pilit tinatanggal.
"Ouch! Masakit Mister!" Daing niya. Noon lamang nito pinakawalan ang kanyang mga kamay ng marinig nito ang kanyang tinig.
"Xamie ko, ginulat mo naman ako. Akala ko may nakapasok nang may pagnanasa sa akin," umikot ito paharap sa kanya at hinawi nito ang basa-basa pang buhok niya na sumasangga sa kanyang maamong mukha.
"Pagnanasa ka dyan!" Irap niya dito. "Baka ikaw ang may pagnanasa sa'kin,"
"Alam mo pala," nakangising sabi nito.
"Tse!" Irap pa niya ngunit iniyakap ng mahigpit ang mga braso sa baywang nito.
"Mahal mo naman," mabilis na hinalikan siya nito sa labi.
"Oo na," irap pa niya at hinampas ito ng mahina sa mga braso.
"Luto na nga pala ang breakfast ihahayin ko na lamang. Just go to the dining table and I'll bring the food. Okay mahal?" Marahang tinanggal nito ang mga kamay niyang nakapulupot sa katawan nito. Ipinaikot siya nito at itinulak ng marahan papuntang lamesa.
"Oo na po. Thank you, love!" Tumingkayad siya at hinalikan ito ng mabilis sa labi nito. "Ganti ko yan sa'yo. Magnanakaw ka kasi ng halik,"
"Ang sarap mo palang nakawan ng halik ibinabalik mo," malakas na natawa ito dahil sa ginawa niya.
"Syempre para fair,"
"Sa'kin mo lang gagawin yan ha hindi sa iba," may pagbabantang sabi nito at saka pinisil nito ang tungki ng ilong niya pagkatapos sabihin iyon. Masayang tumango siya dito.
"Opo! Sige na pagsilbihan mo na ako. Now na!" Ma-awtoridad na utos niya dito.
"Yes boss!" Anito at sumaludo pa bago bumalik sa kusina at kinuha ang mga pagkaing inihanda nito. Masaya silang nagsubuan habang kumakain bago naghanda para umalis na at magtungo sa baguio.
BINABASA MO ANG
Blindfolds Of Love (We're just bestfriend book 2)
Non-FictionPara po hindi kayo malito basahin nyo po muna ang book 1 nito. Ang WE'RE JUST BESTFRIEND po para po mas maintindihan nyo. Thanks po.