A/N: heto po yong kadugtong ng chapter 21. Sorry po kung mejo magulo. Hahahaha. Magulo din po ang utak ko eh. Thanks sa pagbasa. Sana maunawaan nyo ang chapter na ito.
"COVER your eyes baby girl!" Naramdaman na lamang ni Xandrea na may mga kamay na tumakip sa kanyang mga mata at humawak sa kanyang ulo upang itungo. "Let's go!" Rinig niyang bulong nito habang iginigiya siya pabalik sa loob ng hospital.
Habang naglalakad ay patuloy pa din siyang nakayuko habang hawak pa din nito ang kanyang ulo at mga matang basang-basa na sa luha ng mga oras na iyon. Nakaagapay lamang sa kanya si Gian na siyang tumulong sa kanya.
"Sssshhh! Don't cry baby girl. It's okay!" Pagpapatahan nito sa kanya. "Upo muna tayo dito. Baka makita tayo ng mga kuya mo at daddy mo magalit pa ang mga iyon," pagpapatahan sa kanya ni Gian. Ito lamang ang nagsasalita at dahil hindi niya alam kung anong dapat niyang sabihin.
Ang makita ang boyfriend mo na nakikipaghalikan sa ibang babae sa harap ng madaming tao. Sa public place pa na kung saan maaaring makita ng mga kapamilya at katrabaho niya.
"Baka naman may dahilan si Zayrex. Why don't you hear him out? Don't conclude into conclusion," sabi pa ni Gian. Matalim ang mga matang tiningnan niya ito.
"Why? What for?" Galit na tanong niya.
Kapag galit talaga ang tao hindi na niya naiisip ang ibang mga possibilities at puno na siya ng pagdududa. Ang tiwala ang unang nawawala sa relasyon kapag natamaan ng selos.
"What for? Kasi baby girl kung noon ngang alam mong magkakaanak na siya sa ibang babae ay ipinaglaban mo pa din ang pagmamahal mo sa kanya. Ngayon pa kayang may babae lang na humalik sa kanya magkakaganyan ka na? Mas malala pa ang ginawa nila ni Hannah kaysa sa babaeng mukhang hito na iyon,"
Natawa naman siya sa tinuran nito. Napaisip siya dahil sa mga sinabi nito. Suminghot siya na parang bata at inalis ang mga kamay nitong nakahaway sa kanyang mukha, bago pinahid ang luha sa kanyang mga mata. "Tama ka kuya Gian. Thank you!" Nakangiti ng sabi niya at nagmamadaling umalis sa tabi nito.
"Hoy! Xandrea! Saan ka pupunta?" Rinig pa niyang sigaw ni Gian ngunit hindi na niya ito pinansin at tinungo na ang kinaroroonan ng kanyang kasintahan.
Nadatnan niya ang kasintahang sinisigawan ang babaeng kanina ay kaulayaw nito. "Why did you do that? Baka makita ng girlfriend ko baka ma mis-interpret noon. Kakaayos lang naming dalawa," galit na sigaw ni Zayrex sa babae.
Bigla siyang nakaramdam ng tuwa. Tama nga si Gian. Wala naman pala talagang namamagitan sa dalawa. Mabuti na lamang at may isang Gian na nagpaunawa sa kanya. Kung hindi ay baka bigla na lamang siyang makipaghiwalay kaagad dito.
"I'm sorry Mister. Pasensya ka na may iniiwasan lang akong lalaki. Kanina pa kasi habol ng habol sakin eh naiinis na ako. At tsaka Mister naman wag kang masyadong maarte ha. Hindi naman kita sa labi hinalikan at tsaka hindi virginity mo ang kinuha ko. Huwag kang ano dyan," maktol pa ng babae bago sinipa sa may paa si Zayrex at iniwan.
She can't help but to smile to that girl who almost break their relationship without Zayrex knowing it. Nilapitan niya ang boyfriend ng makaalis ang babaeng mataray.
"Sino yon?" Tanong niya sa kasintahan.
"Hindi ko din kilala," kibit-balikat nito. Pinakatitigan niya ito sa mata upang arukin kung nagsasabi nga ba ito ng totoo o hindi. "Fine! She kissed me, but it's nothing Miss Beauty. Promise ikaw lang ang mahal ko at tsaka siya naman ang humalik sa akin at sa pisngi lang," natatarantang paliwanag nito na itinaas pa ang kanang kamay.
BINABASA MO ANG
Blindfolds Of Love (We're just bestfriend book 2)
No FicciónPara po hindi kayo malito basahin nyo po muna ang book 1 nito. Ang WE'RE JUST BESTFRIEND po para po mas maintindihan nyo. Thanks po.