Chapter 21

274 13 2
                                    



PAPASOK na sana si Xandrea sa loob ng hospital ng makita niyang naglalakad na parang tulala si Zayrex. Mukhang wala itong tamang direksyon. May iniutos kasi ang daddy ni Xandrea sa kanya na kuhanin sa kotse nito.

Nilapitan niya si Zayrex. Hindi ito ganoon kanina ng umalis ito matapos siyang pakainin kaya nagtataka siya. Puno pa ito ng sigla at enerhiya kanina. Ngunit ngayon ay mukhang hindi nito malaman kung saan ang tungo.

Tinawag niya ito ng ilang beses ngunit hindi ito lumilingon. Tila wala itong naririnig kaya ang ginawa niya ay niyakap niya ito habang nakatalikod sa kanya. Doon pa lamang ito mukhang natauhan at gulat na napalingon sa kanya.

"Xamie?" Gulat na sabi nito. Mukhang hindi ito makapaniwala na nandoon siya sa harapan nito.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Yes mister? Bakit mukhang seryoso ka at wala sa sarili. Anong nangyayari sa iyo?" May halong pag-aalalang tanong ni Xandrea.

Sa halip na sumagot ito sa tanong niya ay bigla siyang niyakap nito ng mahigpit at ipinatong ang baba nito sa kanyang balikat. "Xamie! Beauty! Mahal ko! Hindi ko malaman kung dapat ba akong mag-saya o nalulungkot ako o ano," hindi siguradong sabi nito.

Naramdaman pa niyang nabasa ang kanyang balikat. Marahil ay sa luhang nagmumula dito. Kumalas siya sa yakap dito at tiningnan ito sa mukha. "Care to explain to me mister? I want to hear it. I don't understand eh. Could you please enlighten me?"

"I-I heard them..." he stammered.

"You heard who?" Kunut-noong tanong niya.

"I-I heard Hannah and a guy talking to each other in Hannah's condo, and that guy claimed that Hannah's baby was his. I was about to meddle with them dahil baka makasama sa bata ang ginagawang pag-sigaw ng lalaki. But unfortunately Hannah exclaimed that it was really his. Kaya hindi na lang ako nakialam I don't even confront her, I think this is not the right time to tackled that with her. Bigla na lang akong umalis ng makumpirma ko ang lahat, and I don't know what to feel right now," mahabang paliwanag niya.

Xandrea can't find the right word to say. Maging siya ay hindi alam kung paano ito aaluin. She knew masakit din para dito ang lahat, dahil minahal na nito ang batang nasa sinapupunan ni Hannah kahit hindi pa man ito lumalabas. Madalas nga sa mga date nila kapag nag-inarte ng tawag si Hannah pinupuntahan muna nila ito at dinadalhan ng pagkaing gusto nito, habang siya naman ay nag-iintay lamang dito sa labas.

Niyakap niya ito ng mahigpit dahil wala siyang alam sabihin. Maging siya sa sarili niya ay hindi alam kung anong iisipin at gagawin. Kung dapat ba siyang maging masaya o dapat ba siyang magalit kasi nagsinungaling sa kanila si Hannah. Ano ba talagang purpose nito at ginawa nito ang bagay na iyon?

Magulo din ang isipan niya dahil sa nalaman. Nagkahalo-halo na ang mga problema nila pati nang sa pamilya niya. Ang kuya Xian niya nagbaril. Ang kuya Xander niya hindi natuloy ang kasal. Gulong-gulo na siya kaya hindi na naiwasan ni Xandrea na tumulo ang luha.

"Halika na sa loob. Doon ka muna, you should relax yourself. Nandito lang ako ha!" Pag-aalo ni Xandrea sa kasintahan matapos mapunasan ang ilang butil ng luhang pumatak sa kanyang mga mata. Makaraan ay tumalikod na siya dito at nauna na siyang maglakad.

"Thanks Xamie!" Naramdaman na lamang ni Xandrea ang mahigpit na pagyakap nito sa kanyang bewang habang nakatalikod dito.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito upang ipabatid ditong hindi niya ito iiwan. Xandrea's love for Zayrex is unconditional kaya kahit anong mangyari hindi na niya ito iiwan at uunawain na lamang niya.

Blindfolds Of Love (We're just bestfriend book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon