Chapter 18

469 23 17
                                    



"YES? What do you want from me?" Mataray na tanong ni Xandrea sa babaeng humawak sa kanya. Namumukhaan niya ito.

Ito yong babaeng kinababaliwan ni Raniel dati na naging dahilan ng pagkakakilala ni Zayrex at Hannah. Hindi niya maaaring malimutan ang mukha ng babaeng ito. Ngunit ang pangalan nito ay hindi niya matandaan.

"Layuan mo si Zayrex," gigil na sabi nito. Na kung maaari lang siguro ay sabunutan na nito si Xandrea sa mataong lugar na iyon ay ginawa na nito.

"Who are you to tell me what to do?" Taas noong tanong niya dito.

"I'm telling you layuan mo sya kung ayaw mong magulo ang buhay mo!" Pagbabanta nito kay Xandrea.

"What are you talking about? Bakit ko naman siya lalayuan?"

"Nagmamaang-maangan ka pa talaga ha? Would you please stop pretending?" Nanatiling nakahawak ang kamay nito sa braso niya.

Ipiniksi muna niya ang kanyang braso bago nagsalita. "Fine! Do you want to know the truth?"

"Of course!"

"Well to tell you frankly. Zay and I are now officially together and if you have complain. Just talk to my boyfriend and he will answer you," hindi nagpapatinag na sabi niya.

"How could you?" Sasampalin sana siya nito ng pigilan niya ang kamay nito.

"Don't try to slap me dahil baka triple ang bumalik sa iyo at hindi mo kayanin," pagbabanta niya.

"Magkakaanak na sila. You are such a whore, a home wreck-" hindi na nito naituloy ang sasabihin nito dahil nauna ng lumapat ang kamay niya sa makapal ang make up na pisngi nito. Sa sobrang kakapalan ay nagmumukha na nga itong clown.

"In the first place hindi pa sila kasal, and second hindi ko kasalanan kung bakit nagpabuntis yang malandi mong pinsan. And who's talking about being whore? Isn't it your cousin? She's the one who opened her legs to someone who is not her husband nor boyfriend. So sino sa amin ngayon ang whore?" Malumanay na sabi niya kahit ang totoo ay nagpupuyos na siya sa galit. Pinaikot pa niya ang kanyang daliri sa korte ng mukha nito at tinapik-tapik iyon.

Unti-unti na din silang nakakaagaw ng atensyon sa mga taong napapadaan doon sa parteng iyon kaya tinalikuran na niya ang natulalang babae. Looks can be deceiving. Mukha siyang mabait ngunit may mala tigre siyang ugali kapag nasusukol na siya.

Napahinga siya ng malalim at napahawak ng mahigpit sa kanyang dibdib ng makapasok na siya sa loob ng restroom. Isinabunot niya ang kanyang kamay sa buhok niya bago pumikit ng mariin at saka naghilamos. Inayos niya ang sarili bago siya lumabas ng restroom. 

Pagkalabas niya ay naabutan niya si Zayrex na nag-iintay sa kanya. Napangiti siya na parang walang nangyari ng magtama ang kanilang paningin. Lumapit siya dito at ipinulupot niya ang kanyang kamay sa braso nito.

"Bakit sinundan mo pa ako?" Malambing na tanong niya.

"Namiss kasi kita bigla eh," nakangiting sabi nito sabay kindat pa kay Xandrea na lalong nagpabilis ng tibok ng puso niya.

Nahampas niya ito ng mahina sa braso dahil sa sobrang kilig. "Ikaw talaga puro ka kalokohan,"

"Hindi 'yon kalokohan. Katotohanan 'yon. I really missed you agad,"

Inirapan niya ito habang nakangiti na hindi na niya mapigilang hindi ilabas. "Oo na lang ako," magkaagapay silang naglakad papunta sa pwesto nila. Nakangiting nakatingin naman sa kanya ang mga kasama nila sa table na tila may ideya na kung anong mayroon sa kanilang dalawa ni Zayrex.

Blindfolds Of Love (We're just bestfriend book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon