ANG pakiramdam na pinagsakluban ka ng langit at lupa ang siyang nadarama ni Zayrex ng mga sandaling iyon. Pagkatapos niyang marinig ang mga katagang iyon mula sa bibig ni Hannah ay naglakad siya ng walang patutunguhan ngunit naisip niyang balikan na lamang si Xandrea dahil mas kailangan siya ngayon ng taong totoong mahal niya. Binalikan niya ang kotse niya at saka nagtungo sa hospital.Nakarating si Zayrex sa hospital nang hindi niya namamalayan. Naglakad siya ng walang siguradong patutunguhan hanggang sa maramdaman na lamang niya ang mahigpit na yakap sa kanyang bewang mula sa kanyang likuran.
"Xamie!" Gulat na turan niya.
"Yes mister? Bakit mukhang seryoso ka at wala sa sarili. Anong nangyayari sa iyo?" Nakataas kilay na tanong nito na kababakasan mo din ng pag-aalala.
Sa halip na sumagot kay Xandrea ay niyakap niya ito ng ubod ng higpit. Ipinatong pa niya ang baba sa balikat nito. Tinawag niya ito sa lahat ng tawag niya dito. Hanggang sa maramdaman niyang unti-unti ng namamasa ang kanyang mga mata. Ipinaliwanag niya dito ang mga bagay na nalaman niya tungkol kay Hannah at sa batang dinadala nito.
Katulad niya ay hindi din ito makapaniwala. Nag-iyakan at nagyakapan lamang silang dalawa hanggang sa pareho na silang kumalma. Niyaya siya nito sa loob ng hospital kung saan ay inooperahan ang kapatid nito.
Magkahawak-kamay silang pumasok sa loob ng hospital. He don't know how to thank God for giving him such a wonderful and understanding girlfriend. He's so damn lucky and bastard to have her beside him. Kung wala si Xandrea ng mga sandaling iyon ay baka hindi na niya alam kung anong nagawa niya kay Hannah at sa lalaking nakabuntis dito.
Baka isa na siyang kriminal ng mga panahong iyon, dahil sa pagsira ng mga ito sa kanyang pangalan na muntik na ding maging dahilan kung bakit siya hihiwalayan ni Xandrea. Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang magkahugpong na mga palad nila na mukhang nakatadhana talaga sa isa't-isa dahil saktong-sakto lamang ang mga palad niya sa mga palad ni Xandrea.
Hinalikan niya ang likod ng mga palad nito na naging dahilan ng pag-ngiti nito sa kanya at ganun din siya. Hanggang sa makarating sila sa tapat ng operating room ay magkahawak-kamay pa din silang dalawa. Nandoon ang mga magulang ni Xandrea at mga kapatid.
"Anong ginagawa ng lalaking iyan dito?" Masama ang tinging ipinukol ng daddy ni Xandrea kay Zayrex ng makita nitong magkasama silang dalawa ng anak nito.
"Dad! Please! Stop it. Just for now. Let him stay here with me. I need him by my side and he needs me too," awat ni Xandrea sa sariling ama ng akmang susuntukin siya nito. Humarang pa sa harapan niya sa Xandrea. Mabuti na lamang din at mabilis ang mga kapatid ni Xandrea at napigilan ito.
"Ayokong makita ang pagmumukha ng lalaking iyan dito. Magkakaanak na siya sa ibang babae at ayokong matawag kang kabit. Iiwan ka din niyan at sasaktan Xandrear, kaya habang maaga pa makipaghiwalay ka na sa kanya," mataas ang boses na sabi ng ama ni Xandrea sa dalaga. Unti-unti na silang nakakaagaw ng atensyon sa mga dumadaan doong staff.
"Dad!" Nakita niyang tumulo ang luha ni Xandrea. Nais sana niyang punasan nag luha nito ngunit pinigil siya nito. "He's not the father of Hannah's baby."
"How did you know that he is not the father?" Kababakasan ng gulat ang mga mata ng nagtanong na si Xonny na noon ay nakayakap na sa matandang Alvez upang pigilan ito.
Kababakasan ng matinding gulat at pagkabigla ang mukha ng mga taong nandoon. Ngunit alam niyang masaya ang mga ito sa nalamang balita. Alam ng mga ito kung gaano nila kamahal ni Xandrea ang isa't-isa na kahit alam ng dalaga na magkakaanak na siya sa iba nagawa pa din nitong tanggapin siya.
BINABASA MO ANG
Blindfolds Of Love (We're just bestfriend book 2)
No FicciónPara po hindi kayo malito basahin nyo po muna ang book 1 nito. Ang WE'RE JUST BESTFRIEND po para po mas maintindihan nyo. Thanks po.