Chapter 20

362 19 2
                                    




"ANG saya natin ngayon dude ah!" Pansin ni Raniel sa kaibigang si Zayrex na hindi mapuknat-puknat ang ngiti sa mga labi nito.  Nasa condo unit sila ni Zayrex ilang linggo makalipas ang kanilang alumni at katatapos lamang ng meeting niya sa isa sa kanyang client na malapit sa condo niya. Inabutan niya ng beer ang kaibigan na nasalo din naman nito kaagad.

"Dude ikaw na ang hindi maging masaya. Kapag ang babaeng tanging minahal at pinangarap mo ay nasa sa iyo na," nag-uulap ang matang sabi nito. Magkasama sila dahil magkasosyo sila sa negosyo at magkasama silang nakipagmeeting.

"Sabi ko nga dude! Pero anong gagawin mo kay Hannah?" Seryosong tanong nito matapos uminom sa beer na nasa can na iniabot ni Zayrex dito matapos buksan ang naturang lata.

"I don't know dude. But all I know is hindi ko pababayaan ang anak namin. Susuportahan ko sila at ibibigay ang lahat ng gusto," wala sa sariling sabi niya. Ang mahalaga na lamang sa kanya ngayon ay ang kaalamang sila na ni Xandrea at wala ng iba. "Yon lang naman 'yon di ba?"

"Paano kapag nag demand si Hannah?" May posibilidad na tanong ni Raniel sa kaibigan. Alam ni Raniel mahal talaga ng kaibigan si Xandrea at ganun din naman si Xandrea kaya lamang ay pinsan ng girlfriend ni Raniel ang nabuntis ng kanyang kaibigan at ayaw niyang magkalamat ang parehong parte.

"What do you mean demand?" Naguguluhang tanong ni Zayrex.

"Demand! Dude as in paano kapag sinabi niyang panagutan mo ang bata na ipilit nya pa sayong magpakasal?" Napatingin siya ng tuwid dahil sa sinabi nito. Tama ito. May posibilidad na mag demand nga si Hannah ng ganoon ngunit hindi niya ito kayang pagbigyan dahil may mahal siyang iba.

"Dude in the first place we don't have relationship. She knew it from the start that the only thing that I can give her is friendship. Isang pagkakamali at pagkalimot lang ang nangyari at alam nya kung gaano ko kamahal si Xamie, she's the only girl I love!" He stated.

"Hindi ka ba mahihirapan sa set up nyo? I mean kay Xandrea? Did you mention to her regarding that matter?" Magkakasunod na tanong ni Raniel na may halong pag-aalala.

"I told her that I am just going to give my name and money for the child because that's the least thing that I can do. At iyon lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya,"

"Well if that's the case-," hindi na naituloy ni Raniel ang sasabihin nito dahil bigla ng tumunog ang kanyang cellphone na naging dahilan upang matigil ang kaibigan niya sa pagsasalita at minuwestrahan siyang sagutin na lang ang tawag.

"Hello!" Sinagot kaagad niya ang tawag ng makitang si Xandrea ang tumatawag.

"Mister!" Sabi agad ng nasa kabilang linya na nobya niya. Alam kaagad niya sa tono nito na may problema ito.

"Yes Miss beauty? May problema ba?" nag-aalalang tanong niya. Medyo lumayo siya sa kaibigan at sinabi niya sa mahinang tinig na si Xandrea iyon. Tumango naman ito at sinabing go on kaya nagtungo siya sa kanyang silid at doon kinausap ang nobya.

"Mister! Kuya Xian got a shot!" Hindi pa man nito natatapos ang sasabihin ay humikbi na ito.

"What do you mean shot? Gun shot? Or what?" Naguguluhang tanong niya.

"Nabaril sya. Hindi namin alam kung sino ang may pakana. He's in a critical condition right now. I don't know what to do right now. Natatakot ako para sa kuya ko," nanginginig ang boses na sabi nito.

"Do you want me to go there?" Tanong niya ngunit kahit hindi ito pumayag ay pupunta siya. Para saan pa at naging boyfriend siya.

"Paano sina mommy at daddy? They're still mad at you. They still don't want you near me!" Nag-aalalang sabi nito sa kanya.

Blindfolds Of Love (We're just bestfriend book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon