Chapter 7

466 40 17
                                    










"Are you okay bunso?" Doon lang siya parang natauhan. Buti na lamang at hindi lumingon ang mga ito at nakita ang nakita niya.








Bigla niyang ibinalik ang excitement kahit alam niya sa loob niya ay nasasaktan pa din siya. Gustuhin man niyang kastiguhin ang sarili dahil sa paulit-ulit na niyang diniktahan ang sarili na nakamove on na sya. Ngunit ng dahil sa tagpong iyon ay mukhang umpisa pa lamang ng pagtapak niya sa Pilipinas ay bumalik na naman ang lahat.








"I'm hundred and one percent okay kuya," nakangiting pagsisinungaling niya at niyakap ito upang hindi siya matingnan nito sa mga mata at mapatunayan na nagsisinungaling lamang siya.








"Good to hear. You'll be our maid of honor in our wedding. Kaya you better be good," nakangiting sabi nito bago humiwalay sa yakap nilang dalawa.











"Aba dapat lang. Bestie ko kaya ang ikakasal at sa kuya ko pa," kinindatan ko pa si bestie na noon ay mejo halata na ang tiyan.











She can't imagine na ang mahinhin at mabait nyang kaibigan na animoy hindi makabasag pinggan ay sya pang mauunang mag-asawa sa kanilang magkakaibigan at may pagpapabuntis agad sa kuya nyang super duper katorpe noong una. Ngayon magiging isang buong pamilya na sila.











Masaya siya para sa kapatid at kaibigan. Niyakap niya ito ng mahigpit at pinasalamatan dahil natupad ang matagal na niyang pinapangarap para sa kapatid at kaibigan.











She still believes that they are meant to be. They looks good together and she's happy with that fact.











"So ikaw pala ang babaeng nagselos kay bunso?" Her Mom said teasingly to Tina na naging dahilan ng pamumula ng mukha nito. Xandrea can't help but to laugh out loud with the memories that runs in her mind.











Tina just pout at kumunot naman ang noo ni Xander dahil hindi nito maintindihan ang kanilang pinag-uusapan. Ganoon din kay Xander ang reaction ng ibang naroon. Tanging silang tatlo lamang nila Tina at mom niya ang nagkakaintindihan.











"Never mind guys. It's just a joke," bawi ng mommy nito. "Aren't you gonna give your future mother-in-law a big hug?" Iniluwang pa ng ginang ang mga kamay nito upang salubungin ng yakap ang magiging manugang.











"Welcome to the family," Xyrone said while having a huge smile on his face.











"Thank you po tito and tita," nahihiyang sabi ni Tina matapos makipagyakapan sa mga ito.











"Mom and dad itawag mo sa amin," magiliw na sabi ng mommy ni Xandrea habang hinihimas ang may kaunting umbok na tyan ni Tina.











"Hindi nyo ba isasali ang matandang ito sa yakapan ninyo? Kapamilya din ako," kunwari ay mataray na sabi ng matandang kasama nila. Ang lola ni Xandrea na noon lang nila naalalang kasama nila ito. Nagkatawanan sila dahil sa tinuran nito.











"Hello po lola," si Xander at yumakap ng mahigpit sa lola nito. Ganoon din ang ginawa ni Tina. Nakamata lamang sa kanila ang kapatid ni Tina na si Tere na isa din sa mga bestfriend niya.











Nakangiting nilapitan niya si Tere at inakbayan ito. Namiss niya ng sobra ang mga kaibigan. Kung alam nga lang talaga niya na hindi pa din naman pala mawawala ang feelings niya para kay Zayrex kahit magpakalayo-layo pa sya ay sanay hindi na lang niya ginawa.











Blindfolds Of Love (We're just bestfriend book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon