~1~

148 12 4
                                    


-Dylan-


"Zoey."

Tuwing naririnig o nababasa ko ang pangalang yan, naiinis ako. Hindi ko alam kung bakit tuwang tuwa sya kapag ginugulo nya ang buhay ko.

Nagsimula lahat noong kinder kami...


Afternoon class ako. Half day lang kasi pag kindergarten. Para siguro mas mahaba ang oras ng paglalaro.

Pagdating ko sa classroom, hinanap ko agad ang mga kaklase kong lalaki. Nakita ko sila malapit sa bintana na parang may pinagkakaguluhan.


"Anong ginagawa nila?" tanong ko sa kaklase kong nakalimutan ko ang pangalan basta yung kalbo

"Si John Mark nakahuli ng gagamba!"


Lumapit ako sa grupo ng mga kaklase kong nagkakagulo. Gagamba nga!


"Pahiram ako!" sabi nung isa kong kaklase nakalimutan ko din ang pangalan basta sya yung tumae dito sa classroom kahapon


"Ayoko nga. Maghanap ka ng iyo." sabi naman ni John Mark, sya ang pinaka pasimuno sa lahat ng mga kaklase kong lalaki. Tumakbo paalis yung kaklase kong napatae kahapon at umiyak


Manghang mangha kong pinagmasdan yung gagamba habang pinapagapang ni John Mark sa braso nya.


Napa -"wow" kaming mga lalaki at napa - "eww" naman yung mga babae. Yung iba naglalayuan dahil natatakot sila.

Bakit ba takot ang mga babae sa mga gagamba? Ang astig kaya! Ilagay ko 'to sa bag nila eh! Bwahahaha.


Ilang sandali ay dumating na si Mrs. Valdebella (ang haba ng apelyido, sumasakit kamay ko tuwing pinapasulat sa min), ang teacher namin. May kasama syang batang babae na mukhang kasing edad lang rin namin. Pero hindi sya cute kaya wala akong pakialam.

"Teacher, si John Mark po may nahuling gagamba!" sabi ni kalbo

"Teacher, si Dodong po umiiyak!"

Ayun. Dodong pala ang pangalan nung napatae kahapon.

"Oo nga po, gawa po ni John Mark, ayaw kase pahiramin ng gagamba!" sabi naman nung kaklase kong nadapa sa playground nung isang araw

"Hindi kaya. Hindi ko po gawa! Iyakin po siya! Bakla!"

"Quiet po muna tayo. John Mark pakawalan mo na yung gagamba. Set it free." kalmang kalma na sabi ni Mrs. Valde-ewan. Nakakatuwa talaga syang teacher. Parang laging relaxed.


"Teacher, ayoko po!"

"Sige ka, tatawagan ko nanay mo, sasabihin ko hindi ka sumusunod sa teacher."

"Ha? Eh...eto na po! Papakawalan na po!"

"Very good. Una sa lahat, this is my daughter Zoey. Kindergarten din sya dito kagaya nyo, pero morning class sya. Dito muna sya magsstay habang nagkaklase tayo. Okay lang ba yun sa inyo?"

And here comes the longest chorus of...

"Yeeeeessss teeeaaaacchheeeerrrr."

Pagkatapos nun, pinagsagot na kami sa activity book. Madali lang naman yung sasagutan, i-match lang daw yung picture ng animals sa sound nila. Habang yung anak naman ni teacher ay busy na tumitingin sa seat plan.

"Psst! Dylan!"

Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Si Zildjian pala, ang kaibigan ko at kapitbahay rin.

From Where I Saw ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon