~21~

32 4 2
                                    

Zoey

"Girl, ayan na si babe mo. Papalapit dito!"

Napatingin ako sa direksyong tinitingnan ni Jaquelline. Ayan na nga si Damon. Kinakabahan ako. Nagtampo yata sya nung natagalan akong magreply.

Tumabi sya sa kin at hinawakan ang kamay ko.
Kinilig mga kaibigan ko pero hindi ako kinilig. Hindi ko alam kung bakit. Minsan nangingilabot na rin ako sa ginagawa nito eh. Ang hirap kaya ng laging magkahawak ng kamay. Isang kamay lang nagagamit mo. Ang hirap din gumalaw.

"Iwan muna namin kayo."

"Babe time. Yiee!"


At umalis na sila. How dare them.



"Bakit ang tagal mong magreply kanina?" naka pout pa nyang sabi

"Busy ako pagreready kanina eh. Late na kasi ako nagising."

"Nakooo sleepyhead," sabi nya at ginulo pa buhok ko.



Tumayo ako. Hindi ko alam kung bakit. Naiirita lang ako dahil bigla kong narealize kung gaano sya ka-clingy. Gusto ko sya pero hindi ko naman gusto ng ganitong relationship.

Tumayo din sya at inakbayan ako, "Tara bibili tayo. Di ka pa yata kumakain."


Sa totoo lang, busog pa ko gawa nung bread at milk. And speaking of bread and milk, bigla kong nakita sa kabilang dulo ng cafeteria si Dylan. May kasamang matabang lalaki at parang ang saya nilang nag uusap. Ang familiar nung kasama nya. Parang madalas ko syang nakikitang solo sa corridors.

Ano kayang pinag uusapan nila? Nacucurious ako. May bago na syang friend. Gusto ko rin makilala. Parang ang saya nyang kausap.



"Babe, ano ba? Kanina pa kita tinatanong kung anong gusto mong kainin!"

Bigla akong napabalik sa kalagayan ko ngayon. Hindi ko pala narinig si Damon.

"Busog pa ko."

"Sure ka? Okay ka lang ba? Bakit wala kang gana? Masama ba pakiramdam mo babe?"

Hinawakan pa nya ko sa noo at leeg para icheck kung mainit ako. I SAID, NO MORE TOUCHING. Nakakairita na talaga.

"Okay lang ako. Babalik nalang muna ako sa room. May gagawin pa pala akong assignment."

Binilisan ko na ang paglakad paalis pero naabutan pa nya ko at hinawakan ako sa braso.

"Tulungan na kita?"

Hindi na ako nakatiis.

"Damon, pwede ba? Wag kang hawak ng hawak sa kin."

"Bakit naman? Boyfriend mo ako di ba?"

"Oo pero, it feels weird."


Hindi ko na sya hinintay sumagot at naglakad na ko pabalik sa classroom namin kahit wala naman talaga akong assignment na gagawin.

****

5:02 pm. Naglalakad ako papunta sa library to fulfill my duties as a "girlfriend" at "suportahan" ang "boyfriend" ko sa paglalaro nya ng chess, nang may tumawag ng pangalan ko mula sa likod ko.

"Zoey!"

Lumingon ako at nakita si Dylan na nakangiti. Kasama pa rin yung mataba nyang friend na nakangiti na rin sa kin. Alam kong hindi pa siguro sila matagal magkakilala dahil transferee dito si Dylan pero aaminin ko, ang cute ng friendship nila. Para silang si Greg at Rowley sa Diary of a Wimpy Kid.

"Pauwi ka na?" tanong nya sa kin habang naglalakad papalapit.

"Hindi pa. Papunta pa kong---"

"Library. Sabi ko na nga ba. Sige, ingat ka!"

"You know, kung hindi ka na masaya dyan, wala namang pumipigil sayo," pahabol na sabi ng kasama nya habang paalis na sila

Napaisip ako. Oo nga naman. Pwede ko namang sabihin kay Damon na may lakad pa ko. Palaging sya ang nasusunod! This time, ako naman.

"Sandali!" pagpigil ko sa dalawa

Lumingon sila nang sabay.

"Changed your mind?" tanong ni Dylan

"San kayo pupunta?"

Nagkatinginan silang dalawa at muntik pang mapatawa. Bakit?

"Sama ka na sa 'min."

*****

5:20pm. Nasa isang gym kami dahil tutulungan pala ni Dylan itong friend nyang si Shark na mag workout para maging fit.

"Bakit nginitian mo lang yung lalaki sa counter? Hindi ba dapat magbabayad dun?" nagwoworry na tanong ni Shark pero hindi sumagot si Dylan dahil busy sya sa kinukuha nya sa parang walk-in closet.

"Atsaka pre' wala akong dalang pampalit. Naka uniform pa tayo oh."

Lumapit na sila Dylan nang may dalang damit, "Oh bihis na."

Tinuro nya kung saan magbibihis si Shark at sumunod naman ito.

Umupo muna kami sa bench na hinihigaan kapag magbubuhat ng barbell habang hinihintay si Shark.


"Pinsan ko ang may ari nito. Di ko na sinabi kay Shark para kunwari nilibre ko sya."

"Gago ka talaga!"


Ilang seconds din nanahimik bago sya magsalita ulit,


"Ang saya kapag hindi ka napipigilan sa ginagawa at sinasamahan mo di ba?"

Ayokong magreact pero mas lalo pa syang tumabi sa kin.

"Yieee aminin!"

"Ikaw, tigilan mo ko sa pang gaganyan mo ah! Sumama lang ako kasi bored ako!" sabi ko at natatawang sinundot ang tagiliran nya

"H-hoy! Walang ganyanan! HOY! ZOEY!"

Napatigil kami nang makitang tapos na pala magbihis si Shark.


"Oh bat ka nakatingin?" tanong ni Dylan

"Wala lang. Ang cute nyo. Bagay kayo."

Biglang tumayo si Dylan at nag ayos ng gym equipment.

"Okay game na. Shark, start na tayo."

From Where I Saw ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon