~34~

47 1 3
                                    

Zoey

Walang perpektong buhay, pero naranasan nyo na ba yung may dumarating na time na sunod-sunod ang pag ulan ng blessings? I think it's almost close to living a perfect life, kahit temporary lang.

Days, months, and weeks passed. I received a lot of good news. It's one of those times when you'll realize that everything is actually falling into its proper place.

Una sa lahat, naging very close na ang klase namin. Siguro nitong previous months lang nagsink in sa isip ng bawat isa sa amin na magkakahiwa-hiwalay na kami for college. Dati kasi, grupo grupo lang sa klase namin. Kung sino lang yung magkakaclose, sila lang rin yung magkakausap lagi. Now were already working as one large group. Mas maingay, mas masaya, mas maraming karamay at kausap. Ang saya kasi nagkaron na ulit ako ng reason para maexcite na pumasok sa school.

Naging masaya na rin ang school namin. A few weeks after Shark was appointed as president of the class and also the whole batch, hindi na naging boring ang school. Nagpatupad sya ng maraming activities and events na naenjoy naming lahat. Isa siguro sa major reasons yung activities and events nya kung bakit naging close ang klase at batch namin.

Umuwi na nga pala si mommy. Naalala ko yung araw na sinundo namin sya ni Andy, Yani, at ng tito namin sa airport. Ang dami nyang dalang gamit. Well, marami rin naman syang dala kapag umuuwi sya dati pero mas grabe yung dami ngayon. Tandang tanda ko pa ang nangyari noon. Nasa sasakyan na kami noon. Nagdadrive ang tito ko, tulog si Andy, kumakain ng chichirya si Yani na galit at ayaw mamigay dahil favorite nya daw yun, at nakatingin naman ako sa bintana nang magsalita si mommy, "Alam nyo ba kung bakit ang dami kong dala ngayon?"

"Pasalubong sa mga kumare," sagot ni Yani habang tinitingnan ang mga daliri nyang puro cheese na ang paligid

"Oo anak, pero isip ka pa, may iba pang dahilan."

Walang sumagot kaya nainip na ang tito namin at di na napigilang magsalita, "Hindi na mag aabroad ang nanay nyo."

"Bat naman sinabi mo agad?" sabi ni mommy sa nakababata nitong kapatid

"Walang sumasagot eh paghihintayin mo pa sila?"

"SERYOSO?" gulat na gulat na tanong ni Andy na gising na pala.

"Ma, kahapon pa yung April fools day," sabi ko. Ayokong umasa agad. April 1 kahapon eh.

"Totoo Zoey anak, isinabay ko ang pag aaral ng Special Education habang nagtatrabaho doon at ayan, natapos ko rin. Dito na ako magtatrabaho. Magkakasama sama na ulit tayo,"

"Seryoso mommy?"

"Oo nga!"

Hindi na ako nakasagot noong mga oras na iyon. Sobrang saya ko. Tahimik na nakatitig si Andy sa mga tuhod nya at halatang pinipigilang umiyak. Si Yani naman, ayun nakasandal na agad sa upuan sa harap, yakap yakap ang nanay namin.

Fresh pa rin sa isip ko ang pangyayaring ito habang tinitingnan ko ang pamilya ko na nakaupo sa pwesto ng audience ngayong graduation day.

Nakaupo ako sa bandang unahan, katabi si Shark na ngayon ay medyo nakakaclose ko na ulit. Dito kami nakapwesto dahil magsspeech kami mamaya. Si Shark, bilang batch president. At ako, bilang valedictorian. I didn't even expect that all of this would happen.

"Zoey," biglang sabi nito

"Oh?"

"May ibibigay sana ako sayo,"

Kinuha nya mula sa ilalim ng upuan ang dala nyang paper bag na paglalagyan ng toga, akmang may kinukuha sya sa loob nito.

"Nahanap ko lang 'to nung nag general cleaning ang officers. Mas maaga ko sana dapat to naibigay sayo, naka dalawang linggo na yata 'to sa kin."

From Where I Saw ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon