~14~

52 5 0
                                    

Dylan

Inip na inip na ako. Kulang nalang matulog ako rito. Wala na talaga akong magawa. Isa isa pa ring pumupunta sa unahan ang mga kaklase ko para iexplain ang "special and memorable thing" nila. Ang tagal. Hihintayin ba namang makapagsalita ang buong klase bago matapos ang lintik na subject na 'to at magbreak time.

Sobrang boring naman ng explanation ng mga sumunod sa kin. Wala eh, pang malakasan yung akin eh. Pero seryoso, yun na yata ang pinakamatagal kong pagtayo sa unahan. (maliban sa pagpunta ko sa unahan para magpasikat ng pagpapaikot ng square facetowel sa dulo ng daliri ko sa buong klase tuwing lumalabas ang teacher dati) May sense na ngayon ang pagtayo ko sa unahan. Yun na rin yata ang pinakamahabang naimik ko sa unahan. Yung hindi kalokohan.

Pero sa ngayon, tapos na akong mag homileh(anak ng tokwa, hindi ko man lang alam ang spelling) sa unahan. Kaya balik gago thug layp na ulit ako.

Ang iniisip ko nalang talaga ngayon ay kung ilang minuto nalang ba bago kami magbreak time at kumain. At kung anong pagkain sa canteen o cafeteria (punyeta ano bang pinagkaiba nun?!) ng school na 'to. Sigurado naman akong walang talong dito. Hindi pa rin ako kumakain nun. Atsaka marshmallow.

Syanga pala, alam ko namang nahahahalata nyo na iniiba ko ang topic at parang ayokong pag usapan yung nangyari kanina pagkatapos kong magsalita sa unahan.

Kahit anong mangyari hindi ko ilalabas ang damdaming nararamdaman ko ngayon at hindi ako magsasalita ng anumang salitang magpapahiwatig ng aking naramdaman sa pangyayari kanina.

Nasan na nga ba ko? Ayun. Hindi pa rin ako mahilig kumain ng marshmallow. Una sa lahat, dahil wala naman halos walang lasa at sobrang lambot nguyain, parang nang aasar. Buti nalang wala na akong napupuntahang bertdeyan na may hotdog at marshmallow sa stick-----


PUCHA NAMAN, HINDI KO NA KAYA! BAKIT NANDITO SI ZOEY?

BAKIT GANON? TINANONG KO SYA KUNG BAKIT SYA NANDITO TAPOS EKSAKTONG YUN RIN ANG TANONG NYA AT HALOS SABAY PA NAMING INIMIK. NILOLOKO BA NYA KO? DITO AKO NAG AARAL TAPOS YUN DIN ANG SINABI NYA? DITO DAW SYA NAG AARAL? FIRST DAY KO DITO KAHAPON AT HINDI KO NAMAN SYA NAKITA DITO.

AYAN SYA. AYAN. NAKAUPO SA BANDANG UNAHAN AT KANINA PA TALAGA KO NAPAPATINGIN. PUTRAGIS NAKAKAKILABOT NA.

ATSAKA...ATSAKA BAKIT GANON? BAKIT HINDI NA SYA DUGYOT? HINDI NA SYA YUNG PALAGING PAWIS ANG NOO. ATSAKA YUNG BUHOK NYA. YUNG-BUHOK-NYA! BAKIT MAHABA NA YUNG BUHOK NYA? DATI YUNG BUHOK NYA HANGGANG BALIKAT LANG TAPOS PALAGING MALANGIS AT MAY KONTI PANG KUTO NA GUMAGAPANG. WAG KAYONG MANDIRI. KONTI LANG YON!! MGA THREE, GANON!

BAKIT PARANG ANO...PARANG GUMANDA. HINDI! HINDI "GUMANDA" YUNG EKSAKTONG WORD. BAKIT PARANG...MUKHANG TAO NA SYA? HINDI EH. HINDI "MUKHANG TAO" YUNG SAKTONG WORD. PARANG BABAE NA TALAGA SYA.

"BAKIT SOBRANG GANDA NA NYA?!?!?!?!"

Nakatingin pa rin ako kay Zoey na nakaupo sa unahan pero ramdam kong nagtinginan sa kin halos lahat ng kupal sa classroom na 'to. Yung ilan nagsalubong ang kilay. Yung iba naman halatang nagpipigil ng tawa. Mamaya mapapautot na yang mga yan.

Kung mamalasin nga naman, ngayon pa ko gumawa ng katangahan kung kelan ang ganda na ng simula ko. Naimik ko pa yung lintik na tanong na bumabagabag sa isipan ko. Pakialam ba nila kung nagmukhang babae na pang girl trends na si Zoey?

Natatanga na talaga ako.

*****

Medyo nahihilo na ako sa sobrang gutom nang tumunog ang bell. Mabuti naman naalala nilang hindi pa kami kumakain. Pumunta akong mag isa sa cafeteria (narinig kong cafeteria ang tawag nila kaya nakiuso na ako) Tinatamad pa akong makipagkaibigan dahil wala pa ako halos makitang cool kid dito na pwedeng kaibiganin.

From Where I Saw ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon