~3~

62 8 2
                                    

-Dylan-

Halos buong buhay ko sa elementary niloloko nila kami ni Zoey. Ginawa pa kaming loveteam! Ang pangit. Ayokong imikin kung anong pangalan ng loveteam na yun.

Tuwing may activity na kailangang mag acting para sa play, laging role ko ay tatay at syempre ano pa ba, edi si Zoey yung may role ng nanay.

Pati mga teacher niloloko kaming dalawa. Lahat sila ganyan. Minsan gusto ko nalang umabsent.

Nang makarating ako ng GRADE FIVE, hindi na ako pumayag. Hindi na ako pumayag na niloloko ako sa babaeng hindi ko naman gusto. Hindi na ako pumayag na lokohin nila ako.

Uso nung panahong yun ang M.U. o Mutual Understanding. Sabi ng kaibigan kong si Zildjian, yun daw yung parang magboyfriend-girlfriend kayo pero hindi. Nung una hindi ko sya maintindihan. Pero unti unti, naintindihan ko rin at nakiuso ako.

Si Shailene. Isa sya sa mga pinakamaganda sa batch namin. Bali-balita ko, may crush daw yun sa kin. Maganda naman sya, kaya crush ko na rin sya.

Nagplano akong mabuti kung paano ko sya liligawan para maging M.U. kami. One week ko siguro pinag isipan kung paano. Nagsearch pa ako sa google kung paano manligaw. Pero syempre wala akong nakuhang tips dahil daan ng daan si daddy sa likod ko. Hindi ako makapagsearch ng maayos dahil baka makita nya.

Ewan ko kung bakit kumalat sa klase namin yung chismis na may liligawan ako sa klase namin. Talagang hindi na nila ako pinapakilos ng malaya. Kailangan alam nila lahat.

"Bakit tuwang tuwa yung mga babae nung nalaman nilang may liligawan ako sa klase?" tanong ko kay Zildjian nung minsang naglalakad kami pauwi

"Syempre iniisip nila na sila yun."

"Sila? Isa lang naman liligawan ko ah, bakit SILA?"

"Inaasahan ng bawat babae sa classroom na sila ang liligawan mo."

"Bakit?"

"Dylan, maraming may crush sayo sa klase! Hindi mo ba napapansin?"

"Ha? Hindi. Kailangan ba yun?"

"Hindi ka ba natutuwa na maraming nagkakacrush sayo?" tanong nya na parang nagmumukha na akong tanga

"Bakit naman ako matutuwa?"

"Tsk. Weirdo ka talaga."

****

Dumating ang araw na handa na akong ligawan si Shailene. Bumili muna ako ng bulaklak na gawa sa plastik at chocnut sa labas ng school bago ako pumasok.

Pagdating ko sa classroom habang dala ang bulaklak at chocnut, una kong nakita si Zoey, nakaharang sa pinto.

Todo ang ngiti. Abno pa rin.

"Dadaan ako." sabi ko sa kanya. Paharang harang kasi. Hindi naman maganda.

"Hehe. I love you too."

Ano bang pinagsasasabi ng babaeng 'to?! Panira ng pag entrance.

"Ang sabi ko, dadaan ako." sabi ko ulit sa kanya.

Tumabi na sya at pumasok na ako sa room. Halos sabay sabay na tumingin sa kin at ngumiti yung mga babae. Minsan talaga hindi ko sila maintindihan.

Sa dulo ng classroom, nakita ko si Shailene. Sitting pretty habang nalilipad lipad ang maganda nyang buhok at nasisikatan ng araw ang maputi nyang balat. Baduy ako magdescribe pero isipin nyo nalang na maganda sya.

Inabot ko na yung tatlong piraso ng chocnut(kasi three words yung "i love you") at roses na gawa sa plastic at tinanong kung pwedeng M.U. kami.

Sabi nya oo.

Kaya ayun, simula nun, may ka-M.U. na ako.

Sa wakas ay makakalaya na ako sa ginawa nilang loveteam namin ni Zoey.

I found Shailene, my true love.

From Where I Saw ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon