~9~

28 7 1
                                    

-Dylan-


Bukod sa pag kain ng talong, ito ang isa sa mga pinakaayaw kong pangyayari. Ang sobrang tagal at nakakainip na bigayan ng card. Una naman ako sa alphabetical, pero hindi pwedeng umalis na agad dahil may announcements pa. At madalas pang nagpapaiwan dito si mama para makipag usap sa teacher tungkol sa donations.



"Ang gaganda naman ng mga grades ng anak ko" tuwang tuwa na sabi ni mama at ikikiss pa dapat ako sa pisngi.



Naagaw ng atensyon ko yung nag iisang tao sa labas. Si Zoey. May hinihintay yata sya.



"Ma, wag na. Nakakahiya."




Tumingin ulit ako sa pwesto ni Zoey, nawala na sya.




"Nahihiya ka kay Shailene noh?"



Hindi na ko sumagot. Ang lakas ng boses ni mama, baka nandyan lang yung nanay ni Shailene.










"Valdebella, Zoey..."








Walang pumupunta sa unahan.









"Anyone? Wala po bang parent or guardian na umattend para kay Zoey?" sabi ulit ng teacher







Tumingin tingin sa paligid yung mga magulang.






"Wala po ba talagang kukuha?" paninigurado ng teacher






Hindi ko alam kung anong nakapagtulak sa kin para magsalita,


"Mama, ikaw munang kumuha nung kay Zoey."

"Wait, is that Zoey, the one who--..."

"Kunin mo nalang munaaaa."





"Since wala pong kumukuha ng report card ni Zoey Valdebella, then I suppose we shall proceed--..."

Pumunta na si mama sa unahan at sinabing sya na muna ang kukuha. May ilang mga nagchismisan kung kakilala daw ba nya ang nanay ni Zoey. Nagpatuloy na ang distribution ng cards.






"Iaabot mo 'to kay Zoey?"



Nanlaki ang mga mata ko. Ako?! Ako ang magbibigay?! Bakit ako?!


"Hindi pwede, Ma! Wala akong sinasabing akong magbibigay! Ikaw ang magbibigay nyan sa kanya."

"Kumalma ka nga. Ikaw ang nagpakuha nito tapos ganyan ka."

"Sige naaaa, ikaw na magbigay. Pero wag mo sasabihin na ako ang nagpakuha."

"Bakit ba ayaw mong iabot ha?! Sana hindi mo na pinakuha sa kin."

"Ahhm...maghihintay nalang ako sa labas. Hehe!" mabilis kong sabi at tumakbo na sa labas para hanapin kung saan naka park ang kotse namin

Ayoko nang nandun ako habang inaabot ni mommy yung card ni Zoey. Baka kung ano-ano ulit isipin nya.

Bakit ko nga ba pinakuha card nya?

****




"Okay na yung card ni Zoey." seryosong sabi ni  Mama nung nasa kotse na kami




"Hindi mo sinabing ako ang nagpakuha?"




"Hindi."




"Mama parang ang ganda ng damit mo ngayon ah! Bago ba yan?"



From Where I Saw ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon