~35~

32 1 1
                                    

Dylan

Isa lang ang masasabi ko.

SOBRANG BAGAL NG INTERNET NGAYON.

"Kapag hindi mo binilisan babasagin na talaga kita," inis na sabi ko sa cellphone ko.

"Naku sir. Pasensya na po. Binibilisan na po namin. Ano nalang bang kulang...Ah! Ribbon na lang! Wait lang sir."

"Ah hindi po," nahiya tuloy ako.
"Yung internet ko po ang mabagal."

Ibinalik ko na ulit ang atensyon ko sa cellphone. Napakabagal talaga. Kailangan ko lang makita kung ano na bang kaganapan doon at kung nasaang bahagi na sila ng program. Ganitong oras daw. Ganitong oras daw sya tatawag. Putragis na signal yan, umayos ka, kailangan ko ng mabilis na internet kapag tumawag na sya.

Sigurado ba ako sa gagawin ko? Syempre hindi.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nya. Hindi ko rin alam kung anong nag udyok sa kin na gawin ito. Parang sinasabi ng mga mata ko na kailangan ko syang makita ngayon. Kailangang kailangan. Hindi ko na alam. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko nitong mga nakaraang araw.

"Sir, eto na po. Naka attach na rin po yung note," napalingon ako sa likod ko nang iabot na ng lalaki ang pinagawa kong bouquet. Mukhang magkasing edad lang kami o mas matanda lang sya ng konti.

"Salamat," sabi ko at kinuha na ang bouquet kasabay ng pag abot ng bayad. Sinamahan ko na rin ito ng tip. Hanga ako sa mga nagtatrabaho sa murang edad.

Ngumiti naman siya na parang hindi makapaniwala, "S-salamat po sir!" sabi nito at nag bow

Hindi ko rin alam kung bakit gustong gusto kong gumawa ng mabuti ngayon. Ang ganda sa pakiramdam makakita ng taong masaya. Ewan ba sa mata kong 'to. Alam ko namang nakakainlab 'tong dalawang bilog na 'to pero ngayon medyo nakakainis na rin.bAng arte arte, dati naman makita lang nito na hindi talong ang ulam sa bahay, masaya na.

The feeling is very foreign and rare. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Parang ang dami kong gustong gawin. Ang dami kong gustong makita. As if it's the last day of my life.

Pero syempre joke lang. Drama drama lang ng konti para cute. Ang masamang damo ay hindi madaling ma dedbol.

Pumasok na ako sa kotse at pinaandar ito. Malamang di ba? Ano yon, uupo lang ako dito? Argh sorry. Ewan ko ba. Ang gulo ng isip ko ngayon.

Bibilisan ko na. Sana abutan ko pa. Mag aalas cuatro na ng hapon. Hindi pa rin sya tumatawag.

Habang nagmamaneho, napatingin ako sa bakanteng upuan sa tabi ko. Dati, tao ang nakapwesto dito. Ngayon, mga bulaklak na lang. Ganon pala yun. Yung taong sobrang nagpapasaya sayo, sya rin yung tao na sobrang magpapalungkot sayo kapag may masamang nangyari. Nakakapunyeta rin minsan. Naiinis ako sa sarili ko.

Halos mabitawan ko ang manibela sa gulat nang magvibrate ang cellphone ko. Tumatawag na sya. MGA BOSS, TUMATAWAG NA SYA. Sa wakas! Ang tagal mong bata ka.

Inabot ko ang cellphone ko gamit ang kanang kamay. Habang ang kaliwa ay nasa manibela pa rin para magmaneho.

"ANDY BOY! Hoy? Naririnig mo ba ko? Nakikita mo ko? Ano nang ganap dyan? Tapos na ba? May aabutan pa ba ko? Ang hina ng signal kanina."

Kitang kita ko sa screen kung paano ako tinawanan ng lalaking version ng babaeng mahal ko.

"Teka relax lang kuya! Natatawa ako sayo eh."

"Sagutin mo na lang tanong ko. Abot pa ba ko?" sabi ko habang sumusulyap sulyap pa rin sa daan para hindi ako mabangga.

"Oo kuya, abot na abot ka pa. Hindi pa tinatawag sa stage."

From Where I Saw ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon