~27~

19 1 0
                                    

Zoey

Three days rin kaming nawalan ng pasok dahil sa bagyo. Binuksan ko na ang pinto ng classroom at agad na bumungad sa kin ang mga kaklase kong nagtipon tipon sa gitna. Nakabilog pa sila at parang napakaimportante ng pinag uusapan.

"Anong meron?" tanong ko kay Shark

"Pinag-uusapan lang naman yung pag payat at pag ganda ng katawan ko," sabi nito habang pinapakita sa kin ang braso nya na halos ganon pa rin naman ang itsura.

"Pero syempre joke lang yun"

Tumawa sya ng malakas. Ibang iba na si Shark kumpara dati. Hindi na sya loner, masayahin na, wala ng nambubully sa kanya at maraming nagiging kaibigan. Ang lahat ng pagbabago at kasiyahang meron sya ngayon ay dahil kay Dylan. Sabi ni Dylan, sya lang daw ang pwedeng mang asar kay Shark. Kapag naman si Dylan na ang nang asar parang katumbas na ng sampung tao kaya parang ganon na rin.

Nagpatuloy syang magsalita, "Si Jaquelline at Aaron..."

"Oh? Paputol putol naman 'to, ituloy mo nga."

"Sandali kase, nakakatense! Ganon siguro talaga kapag pagod sa pag ggym hehehe", huminga pa sya ng malalim at nagstretch ng braso, "nakita sila kaninang umagang umaga sa labas ng school."

"Oh tapos? Anong big deal dun? Magboyfriend naman talaga sila di ba?"

"Hindi pa ako tapos. Nakita kaninang umagang umaga sa labas ng school, puro pasa, duguan, at walang malay. Pero bali balita ngayon ay nagkamalay na daw si Aaron. Si Jaquelline hindi pa"

Nanlamig ang kamay ko, nakadagdag pa sa lamig nito ang aircon ng classroom.

"Seryoso ka ba?"

"Oo naman, kilala mo ako Zoey. Hindi ko kayang magbiro ng ganon. Pinasundo na sila sa ambulance kanina."

Pinagmasdan ko ang mga kaklase naming nagtipon tipon sa gitna ng classroom. Umiiyak si Denice, syempre matagal tagal rin naman nila akong pinlastik ni Jaquelline este matagal tagal rin naman sila naging magkaibigan. Si Rey, Jojo, at Luis, ang mga kaklase namin na malalapit na kaibigan ni Aaron, puno ng galit at pag-aalala ang mga mukha.

"Sino naman kaya ang gumawa nun? Sa magjowa pa talaga ginawa," sabi ko kay Shark pero bago pa man sya makasagot ay pumasok si Dylan sa classroom. Pawis na pawis at hindi pa naiilagay ng maayos ang necktie. Mas maayos pa yung pagkakalagay ng cap sa ulo nya kesa sa necktie nya.

"WHAT'S UP MGA BOBO, HINDI AKO LATE.," sabi nito habang pinupunasan ng panyo ang pawis sa noo. "Akala ko hindi na naman ako aabot," Ngumiti sya sa kin nang magtama ang aming paningin.

"Bat umiiyak yun? Ano to, classroom ng grade 3?" sabi nya nang makita si Denice. Nagkatinginan kami ni Shark. Sasabihin na sana ni Shark nang bigla namang dumating na ang teacher. Inakbayan na lang nya si Dylan papunta sa upuan nila at sinabing, "May nangyari", at sinimulang banggitin ang nangyari kay Jaquelline at Aaron.

Ewan ko kung bakit pero parang tamad na tamad ako ngayon sa klase. Parang paulit-ulit nalang ang pangyayari. Ang boring ng school na 'to. Sinasabi lang nila na maganda dahil kilala ang pangalan at matatalino't mayayaman lang daw ang nakakapasok, kaya tumataas ang expectations nila pero once na naexperience mo na dito, yung expectations mo biglang babagsak.

Imagine, puro aral lang kami. Bihirang bihira ang events. Foundation day lang ata tapos wala lang, may sasayaw lang na mga piling estudyante. We never experienced prom. Walang mga club at organization maliban sa student government (na wala rin namang gagawin dahil walang events dito) Wala man lang christmas party. Namiss ko yung mga christmas party noong elementary. Sa totoo lang, parang mas masaya pa sa mga school na simple lang.

From Where I Saw ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon