~11~

31 6 0
                                    

-Dylan-

"Aba'y ito na baga ang apo ni mareng Solidad?"

"Kay gandang lalaki naman. Manang mana sa ama, ano nga Florencia?"

"Yah ay tama ka nga mareng Enriketa, aba'y noong araw ay pagkarami-rami raw mga babaeng napunta kina mareng Solidad para lamang masulyapan ang ama niyan."

Dumaan lang ako kanto ng bahay ng lola ko, pinag usapan na agad ako ng mga kumare nya. Hindi yata nila alam na naririnig ko sila. Pero sabagay, okay lang. Magandang lalaki naman daw ako. Tanggap ko naman yun.


Naglalakad kami ngayon papunta sa school. At oo nga pala, grade six na kami. Malapit na kami mag graduate. Ayokong magsuot nung toga ba yun? Sobrang init. Sinuot namin nung nagpicture para sa yearbook. Nagmukha akong pari.




"Hanggang sa mga lola ba naman matinik ako?" sabi ni Zildjian na agad ko namang binatukan. Ang kapal ng mukha ng lokong 'to.

"Ako ang apo ni Solidad kaya ako ang magandang lalaki."

"May dalawa naman akong bebegurls," sabi nya at dinilaan pa ko na parang nang aasar.

Dalawa talaga ang babae ni Zildjian ngayon pero wala akong pakialam. Lakas ng hakot. Sarap kalbuhin. Ang mas malala pa, yang dalawang chicks nyang yan ay kambal.

"Wala eh, parehong maganda eh. Ang hirap mamili. Magkamukha kasi," sabi pa nya kaya nanahimik nalang ako. Tinatamad akong makipaglokohan.





"Alam mo Dylan, kung si Zoey nalang ang niligawan mo dati, sana may bebegurl ka rin ngayon."

"ANO?!"

Tinawanan lang ako ng loko. Kahit wala namang nakakatawa.


****

Sobrang boring ng buhay sa school mula ng magbreak kami ni Shailene. Pakiramdam ko hindi na ako cool kid.

Ang bilis nga ni Shailene. May bago na agad na ka-MU. Si Dodong. Taga ibang section na sya pero sya yung kaklase ko nung kinder na napatae sa upuan. Kung malalaman lang ni Shailene na napatae nung kinder si Dodong, baka maghiwalay sila bigla.




"Nakakainis si Rebecca," sabi ng katabi kong si Cherish habang kumakain ako ng Presto nung recess. Padabog syang umupo sa tabi ko.

"Bakit?"

"Ayun, nagfifeeling leader na naman. Nagbirthday lang sya last week eh feeling na nya Ate sya na dapat sundin ng lahat. Hindi naman masarap yung handa sa birthday nya."

Halos madura ko kay Cherish ang kinakain ko dahil sa pagtawa ko. Galit na galit eh. Medyo nagustuhan ko naman yung pagkain nung birthday ni Rebecca. Yung marshmallow lang talaga ang hindi ko kinain. Ayoko talaga ng marshmallow. Magsama na sila ng talong.

"Hayaan mo na," yan lang ang nasabi ko kasi tinatamad akong makipag-usap sa kaklase kong 'to. Ang daming reklamo palagi. Nakakatamad kausapin yung mga ganon. Gusto ko yung happy lang lagi. Yung masayang kausap.

Napatingin nalang ako kay Zoey na nakaupo lang mag isa.




Nakatingin rin sya sa kin.



Agad akong umiwas ng tingin.



"Dylan!"

Nakatalikod na ako pero kilalang kilala ko na agad ang boses na yun. There was no need to check. Humarap ako kay Zoey at hinintay syang magsalita ulit. Palagi naman syang nauunang magsalita sa kin.


From Where I Saw ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon